260 of 365

Sinukuan ko na ang pag-ibig ko sa’yo…

Sinukuan ko na ang pag-ibig ko sa’yo pagkatapos matapos ang isa sa dalawang araw na meron lang ako.

Sinukuan ko na ang pag-ibig ko sa’yo sa magdamag na hindi ka nagreply.

Sinukuan ko na ang pag-ibig ko sa’yo. Umalis ako ng bahay na ang rason lamang ay makita ka at makapagpaalam sa’yo at sa lahat-lahat ng nararamdaman ko sa’yo. Kahit ‘di ko alam kung magpapakita ka.

Nasa Philcoa na ako… Sobrang late na ba para magkita tayo?

Sorry hindi na abot.

Pasensya na sa susunod na lang na uwi ko.

Expected ko na ‘yung reply mo. Siguro dapat nga magpasalamat pa akong nagreply ka at ‘di mo ako tiniis mag-intay sa arawan.

Sinukuan ko na ang pag-ibig ko sa’yo, sabi ko huli na ‘to.

Pumunta ako ng airport kahit ‘di ko alam kung anong flight mo. Bahala na si Batman. Kung makikita kita, makikita kita. 

Nasa terminal 3 ako, nasa tamang terminal ba ako?

Hayaan mo na akong makita kita, kahit makita lang kita…

Hindi na ako nag-iintay ng reply. Desido na akong mag-intay kahit walang reply, kahit walang kasiguraduhan. Sinukuan ko na ang pag-ibig ko sa’yo at sa gan’tong paraan ko gusto tapusin lahat-lahat. Gusto ko nang mapagod. Papagurin ko ang sarili ko hanggang ako na ‘yung sumuko, hanggang ako na ‘yung umayaw.

Pal ako.

‘Di ko alam kung ano ang naramdaman ko pagkatapos kong basahin ang dalawang salitang reply mo. Nagcheck agad ako ng flight details ng PAL.

Terminal 2 | 2230. 

Nasa maling terminal ako.

Automatic nang lumakad ako palabas ng Terminal 3 at sumakay ng bus pa-Terminal 2.

Ilang beses akong lumakad, umupo, tumayo, lumakad uli. Ilang oras ang lumipas bago ko na-realize na nawawala ang paper bag na dala ko. Andun lahat ng naipon kong ibibigay ko sa’yo ‘pag nagkita tayo. Kasama ang print out ng mga sulat ko sa’yo, para ‘di ka na mahirapan magback-read sa mga ‘di mo pa nabasang sulat ko. Kasama ‘yung malambot na asong 8 years nang naaalikabukan na may pangalang Buddha. Kasama ‘yung rose na ‘di naman ‘ata talaga rose na dapat ay advanced na regalo ko sa’yo para sa Valentines day this year na ‘di ko nabigay dahil ‘di naman tayo nagkita bago ka umalis nung January. At kasama din ‘yung kung anu-anong keychain na binili ko para sa’yo sa kung saan-saang lugar na pinuntahan ko.

Binalikan ko lahat ng pinuntahan ko, maliban sa Terminal 3. Sinukuan ko na. Siguro kailangan ko na ding pakawalan lahat ng bagay na connected sa’yo. Sabagay magpapaalam na lang din naman ako, hayaan ko na. 

Sinukuan ko na ang pag-ibig ko sa’yo. ‘Yun na ang buong magdamag at buong maghapon kong iniisip. Gusto lang kita makita para mafinalize na ang lahat sa akin. Lulubusin ko na ang pag-iintay ko para wala na akong what-ifs sa buhay ko. Sabi ko sa sarili ko pag nagkita na tayo, sasabihin ko lang na ingat at aalis na ako, no more looking back. Mula 8:30 ng umaga hanggang 7 p.m., ito na ang nasa isip ko, sinukuan ko na ang pag-ibig ko, no more looking back.

Low battery na ang phone ko. Low battery na din pati mata ko. Madilim na kaya iniisip kong baka ‘di kita makita. Malabo ang mata ko, lalo na pag madaming tao, nahihirapan akong ifocus ang tingin ko, blurred lang lahat kahit may salamin pa ako. Kaya ‘di ko alam kung dumating ka na ba. O baka nakapasok ka na. 

Napabuntong hininga na lang ako.

At katulad ng nakagawian ko, binababa ko ang ulo ko at tumitingin sa baba ‘pag stressed na ang mga mata ko. Ipapahinga ko lang ng konti. Inhale, exhale, itataas na uli ang ulo.

At parang pelikula na pagtaas ng ulo ko, kasabay ng pagbukas ng mata ko, ikaw ang nakita ko. 

Blurred ang paligid. 

Slow motion. 

Tahimik. 

At ikaw.

At napabuntung hininga na lang ako. 

At nakalimutan ko na ang lahat ng iniisip ko sa buong araw na pag-iintay sa’yo.

Natutunaw pa din ako ng tingin at ngiti mo. Wala pa ding nagbago. Parang kahapon lang yung unang araw na na-inlove ako sa’yo. 

At nang marinig ko uli ang boses mo, narealize kong ‘eto yung boses na inintay ko ng mahabang panahon, ‘eto ‘yung boses na inaasahan kong marinig sa bawat paggising ko, everyday in the last 17 years. Wala pa ding nagbago.Parang kahapon lang yung unang araw na napakalma mo ang kaloob-looban ko.
It is you.

And it’ll always be you.
‘Di ko pala kayang sukuan ang pag-ibig ko sa’yo. 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

26 thoughts on “260 of 365”

  1. Kuya, napagod ako sa pagbabasa. Halos binack read ko ata lahat. Bakeeeet.

    Ang saklap saklap naman. Isend mo na lang kaya ‘tong link ng blog mo sa kanya? Huhu. 17 years (nagbilang ako ng edad, for real. HAHAHA), di ka pa pagod kuya? Ako kasi, napagod ako sa’yo. Bonggabells.

    Kasalanan ni Emyel ‘toh. Napadpad ako dito dahil sa tweet niya. HAHAHA. Pero kuya. Ang love mo po so true. Yet sooooo sad. huhuhu. Napakape po ako. Biglang kinailangan ko ng pampasaya. Huwaaaaayyyy kasiiii eehhh.

    Liked by 2 people

    1. Anong meron sa tweet ni Emyel? Hahaha ‘di k’se ako gumagamit nun, kailangan ko na ‘ata pag-aralan…
      Alam naman n’ya ‘tong blog, last June ‘ata… Ewan ko lang kung updated s’ya sa mga nakasulat hahahaha…
      At about sa edad, lagpas na ng isang taon para sa kalahati ng existence ko ang tinagal ng pagmamahal ko sa kanya… So x=1+2y; 😂

      Liked by 1 person

    2. Niyeta. Math?! Uwian naaaaaa.

      Nagbackread ako, 2000-2001. Between 15-17yo lang yan. 32-35. Ayan. Mas naiintidihan ko. Kesa sa x= keme na yan! Mas uminit ulo ko sa computation na binigay mo kesa sa 17years mong pagibig. Hahahahahahaha. Buseeet.

      Liked by 2 people

  2. Im so curious if ano si ate sa past life mo at bakit ganyan ka ka-desperate? (Im sorry sa word) ang nasa isip ko “ex niya ba ito?” Hahaha pero sabi ko nga, magbabasa nalang ako lol

    Like

  3. Sino po si Emyel? Ano po ung Twitter account niya? Haha, na-curious po si ako.

    Eniweys, eto pala ung comment ko.
    Ung post na ‘to kalakas maka-telenobela, Kdrama at kung anu ano pa. Nakakainis lang. Kasi bakit niyo po nakalimutan ung paper bag? Nainis ako sa part na yun. Hayy, sad. So sad.

    Like

Leave a reply to Left Pencil Cancel reply