Wake Me Up When September Ends

Every August 31st. Every year. Since 2005.

Ito ang theme song ko.

Wake Me Up When September Ends.

—————————————————————————–

More than two years na ang blog na ‘to. At sa dalawang taon na ‘yun, month of September ang may pinakamaraming sulat. Sa month of September mababasa ang pinaka-madadramang tagpo. Ewan ko paano ko nasusurvive ang bawat September ng taon.

Birthday ni Elsie ang September. Birthday n’ya kami nagsimulang maging sobrang close. At taun-taon mula 2000 ay parte na ng “body calendar” ko ang pag-aabang sa September. Ang pag-aabang sa birthday n’ya. Ang pag-aabang sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang posisyon ng buwan at mga bituin pag September. Taon-taon madrama ang puso ko.

Akala ko iba na ang taon na ‘to.

‘Di pa rin pala.

‘Di na para kay Elsie.

Pero yun.

Maglilinya pa rin pala ako ng “wake me up when September ends…”

———————————————————————-

‘Etong huling araw ng buwan ngayong August ay nagsimula na ang September feels ko, sobrang dami ko nang naisulat na ‘di ko naman feel i-post. ‘Di ko rin k’se alam bakit ko nasulat. Siguro pag ini-schedule ko araw-araw ay may post ako para sa buong buwan ng September. Iniisip ko pa kung ipopost ko. Baka k’se isipin mo may pinagdadaaanan ako.

Andami kong naisulat. Nagsimula sa intro ng mga linyang mula sa libro ni Chloe Frayne na Letters, and Why They’re All for You. At para nang bagyo, sinalanta na ako ng walang tigil na buhos ng mga salitang dumudurog sa puso ko. Pinili ko na lang na ilagay sa MyDay. Worth sharing k’se ‘yung mga linya. Pero malay mo, magbago ang isip ko at ipost na dito ang mga sulat ko.

And we are all

just fighting

to survive a world

where

I miss you

doesn’t mean

I’m coming back,

and

I love you

doesn’t mean

I’ll stay.

-Chloe Frayne

Whew!

Kung sa mga susunod na mga araw ay makabasa ka ng mga linya ng pagdadrama dito,’wag mo na ako sisihin. Binigyan na kita ng warning, September na.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

5 thoughts on “Wake Me Up When September Ends”

  1. Besh, September din ang buwan na umiiyak ako. Hindi dahil durog ang puso… o durog nga siguro. Pero ang tunay na dahilan eh ang pagod kong katawang lupa. Remember, whenever I’m physically weak, I’m emotionally weak din.

    Gaya ng lagi niyong sinasabi ni Tito Jeff, baguhin natin ngayong taon. Magiging masaya tayo. Lavarn! 💪

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: