Kung bakit ako sumuko

ang aking imaginary girlfriend kung bakit ako sumuko

Tatlong oras na akong nag-iintay sa pag-alis ng bus na kinauupan ko ngayon. Sa loob ng tatlong oras na ‘to ay ‘di ako nagtanong kung may balak pa ba kaming umalis. Siguro ay dahil sapat na ang mga tanong ng iba pang mga pasahero. Ayoko nang dumagdag pa.

Ayoko rin namang magsalita.

Iniisip ko kaninang umalis at subukang maghanap ng ibang bus. Baka merong may linaw ang oras ng pag-alis. Pero nagdalawang-isip ako. Baka k’se ‘pag umalis ako saka maisipan ng bus na ‘to na umalis, sayang na ‘yung oras na inintay ko. O baka wala rin namang ibang bus na mas maagang aalis kaysa dito sa bus na ‘to. ‘Di ba, sayang effort sa paglakad.

Baka. Baka. Madaming baka.

Iniisip ko kung hanggang kailan ko kaya mag-intay. O kung hanggang kailan ako dapat mag-intay. Kung magtatakda ba ako ng oras ay may mangyayari ba sa pag-iintay ko? Kaso naisip ko, ako ba ang mapagpasya sa byahe na ‘to? Hindi ba wala naman akong choice kundi maghintay? Maliban na lang siguro kung pipiliin kong maglakad na lang palayo at maghanap ng iba. Pero may kasiguraduhan ba kung maglalakad ako palayo? May kasiguraduhan ba kung makahanap man ako ng iba?

At sa gitna ng paghahanap ng mga sagot sa mga tanong sa isip ko, naalala ko ang mga ibang pagkakataong tinanong ko din ang mga tanong na ‘to sa sarili ko.

Kung bakit ako nag-intay.

Kung bakit ako sumuko.

Isa lang naman ang dahilan bakit ako nag-intay: Dahil mahal ko.

May mga pagkakataong mahal ko, pero bakit sumuko ako?

Sumuko ba ako o sadyang napagod na ako? O nakakita na lang ako ng bago? Mahal ko pa rin ba s’ya kung susuko na ako? Sumuko lang ba ako dahil sa tagal? Sumuko lang ba ako dahil may iba na s’yang mahal? Pagsuko ba kung iaasa ko na lang sa tadhana ang aming muling pagtatagpo? Pwede mo ba sa aking i-define ano nga ba talaga ang pagsuko?

—————————————————–

Kaya kong sabihing sumuko na ako pero patuloy na nagmamahal ako.

Kaya kong sabihing sumuko na ako pero patuloy na nag-iintay ako.

Kaya kong sabihing sumuko na ako pero patuloy pa ring nadudurog ang puso ko.

—————————————————–

Minsan akong sumuko dahil ‘di n’ya ako kayang iharap sa iba.

Minsan akong sumuko dahil sinabi sa akin na gusto n’yang magkaanak, at magkaroon ng pamilya.

Minsan akong sumuko dahil anlayo n’ya at ‘di ko na s’ya maramdaman.

Minsan akong sumuko dahil sa haba ng pag-iintay.

Minsan akong sumuko dahil sinabi n’yang creepy na at ‘di n’ya ako mahal.

Nakakatawang nung sinabi sa akin ‘yan the second time around, ‘di man lang ako nasaktan. Wala man lang akong naramdaman. Imagine, lahat ‘yan in one.

Nakakatawang ang dahilan ng pagsuko mo sa isa ay ‘di mo magawang dahilan para sa iba.

Iba-iba ‘yung magiging turning point mo ng pagsuko. Kung sa iba, ‘yun na, sagad na. Pero sa kanya, wala, kaya pa.

—————————————————–

—————————————————–

At matapos ang apat na oras na pag-iintay ay umalis din ang bus. At matapos ang walong oras ay nasa Naga na ako!

—————————————————–

Sinukuan ko lang ang pag-iisip,

Pero ‘di ko sinukuan ang pag-iintay.

—————————————————–

(Oo nga pala, ang kumpletong title nito ay: “Kung bakit ako sumuko sa pag-iisip kung bakit ako nag-iintay sa pag-alis ng bus”. Ang gulo di ba? Kaya ‘yan shorter version na lang.)

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

4 thoughts on “Kung bakit ako sumuko”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: