263 of 365

ang aking imaginary girlfriend mga sulat para kay elsie

Sabi ng mga napadpad sa blog na ‘to, ang lungkot daw ng mga sulat ko. Kaya naisip ko baka kaya ‘di mo pa binabasa lahat ng mga sulat ko sa’yo dito k’se nga puro pag-eemo ko lang ang mababasa mo. Kaya naisipan kong maiba naman ngayon.

(Pipilitin.)

‘Yun… Kumusta?

Kahit nung nagkita tayo kumusta lang ang naisip kong sabihin. At happy birthday.  At nung kinamusta mo na ‘ko, wala akong maisip sabihin. Sa mga sandaling ‘yun k’se parang ang gusto ko lang marinig ‘yung boses mo, ‘yung mga kwento mo. Medyo ‘di nga lang ako makatingin ng matagal sa’yo, natutunaw k’se ako. Hahahahahaha, buti na lang gabi ‘di mo napansing isang oras akong namumula, nakakahiya, ang init ng pisngi ko, pakiramdam ko nakainom ako isang case na beer. Parang pakiramdam lang nung unang nanligaw nung highschool. 😂😂😂

At ininterview pa talaga kita about sa family tree n’yo. Si Papa mo naman ang unang topic  natin kaya ‘di na din maiiwasan ‘yung family tree. Pagbigyan mo na ang pasimpleng pagbabackground-check ko. Background check talaga hahahahaha, inaalam ko lang kung ilang beses akong manliligaw. At ‘yun nga, medyo may kalakihan ang angkan kaya mukhang lalaki ang katawan ko sa pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig. Sinisimulan ko na ang pagprapractice ng pagsisibak ng kahoy. Sanay naman na akong mag-igib ng tubig. Pero pwede bang daanin sa foods? Magbibitbit ako ng mga kakanin, madami dito sa Bulacan, bibingka, suman, puto, kutsinta, meron ding pritong itik(?), butcheron, chicharon, at crispy mushroom. At madami pang iba.

At ‘yun, ‘wag kang mag-alala sa angkan ko. They will definitely love you. Seryoso. Pinamimigay na ako ng mga magulang ko kaya kunin mo na daw ako. Hahahahaha. ‘Yung mga kapatid kong sobrang liliit nung college tayo, naka-graduate na. CPA na ‘yung kasunod ko, ‘yung sumunod magte-take na ng Licensure Exam for Teachers sa Sunday, at ‘yung bunso masyadong busy sa heaven, ‘di man lang ako dinadalaw.

angakingimaginarygirlfriend

Si Ate ko, pauwi na galing sa Saudi baka sa November or December. Ewan ko ba dun bakit naisipang mag-Saudi. Sabi n’ya gusto n’ya muna umalis, mukhang dahil daw sa postpartum blues, something about hormones daw after childbirth. Ayaw namin na umalis s’ya pero mapilit, inintindi na lang namin. Bale ‘yung brother-in-law ko at ‘yung panganay nila ang nasa bahay nila. Andito sa amin ‘yung bunso. One year na dito sa bahay, pero paminsan-minsan naman inuuwi din sa kanila. Ayun, ako na ang nag-aalaga sa kanya dahil home-based naman ang trabaho ko. Kaso ‘yun hanggang ngayon andami pa ding words na ‘di kayang sabihin. ‘Yung name n’ya Sean, tanungin mo kung ano name n’ya, ang isasagot n’ya: Na. Kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan, kakaiba ang vocabulary n’ya, hahahaha ewan ko kung paano ko naiintindihan. Bonding time namin ang mambulahaw ng kapitbahay, proud s’ya kumanta kahit walang letra, favorite n’ya ‘yung Akap ng Imago dahil sa commercial ng Nido, tumutugtog kami ng harmonica, flute at ukulele, at mahilig s’yang mag-zumba. Hahahaha. Pastime namin ang magdrawing at magkulay ng mga Coloring Book. Last week, nakadrawing na s’ya ng face ng tao na mukhang alien ang katawan. Sabi ng Ate ko at mga kapitbahay namin, expected na ‘yun ang matutunan ng pamangkin ko sa akin dahil ‘yun naman ang lagi kong ginagawa at ‘di din naman daw ako nagsasalita. Ewan ko kung magandang bagay ba ‘yung sinabi nila, ano sa palagay mo?

Si Sean
ang aking protege… si Na.

At sa work, ‘yun, ganun pa din naman. Batukan mo na nga ako for settling at laging pagpoprocastinate. ‘Yung Youtube channel, plano pa din, kelan pa natin napag-usapan ‘yun, ‘di ko pa din masimulan. ‘Yung mga plano kong sites, plano pa din. Bigyan mo na ako ng deadline, para naman ma-pressure na ako. 😂😂😂

Panoodin na lang natin si Empoy…’Di ko k’se alam kung paano ko tatapusin ang sulat na ‘to…

Kapag lumingon ako,

at nandun ka pa

ibig sabihin,

may pag-asa,

may chance na mahalin mo rin ako…

na kasya pa ako sa buhay mo…

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

23 thoughts on “263 of 365”

  1. Hindi sa binabasag kita, pero gusto ko lang malaman.

    Anong gagawin mo kapag dumating yung time na nagasawa na siya? At hindi ikaw yung napangasawa niya?

    Para kayong si Fidel at Stella na mild ang kemerut. Napapabuntunghininga na lang din ako.

    Pero kung kasing pogi ka ni Fidel, ako na hahanap ng jowa para sa’yo. Hahahahaha.

    Liked by 1 person

    1. Sadyang sa panahon na ‘to, gusto ko lang malaman n’ya na mahal ko s’ya… Willing to wait naman ako. Wala naman problema kung magmahal s’ya ng iba o mag-asawa na s’ya … Mas mukhang ikakaluwag ng kaloob-looban ko ‘yung makitang masaya s’ya kasama ang taong mahal n’ya… Tatanggapin ko naman ang itinadhana ni Universe.
      Medyo malalim lang ang pinag-uugatan ng pagmamahal ko sa kanya, ‘di ‘yung ordinaryong pa-cute na kwento… siguro sa final stretch nitong mga sulat ko, masusulat ko na ‘yun…
      At yun… hindi ako pogi. Hahahahaha.

      Liked by 2 people

    2. Alam naman na… K’so ‘di ata ako nagtatanong, kaya ‘di rin sumasagot hahahahaha…
      Oo nga pala Boss Keso, salamat sa mga advice mo, lalo na d’un sa linyang: There’s fate. Then there’s choice.
      Nag-intay ako ng more than 9 hours sa kanya, na ang pinanghahawakan ko ay ang mga linyang ‘yun…. Hahahaha.

      Liked by 2 people

    3. Agree with Kuya Keso. Paabutin mo ba ng 20th anniversary yan bako tanungin? Ask mo na. Oo or hindi lang naman sagot diyan. Yun lang kasi, ang tanong dun kung kaya mo na ba whatever maging sagot niya.

      Kuyaaaa! We want you to be happy. Push lang ng push. Para sa ekonomiya!

      Liked by 2 people

  2. “Oh na na, what’s my name?” HAHAHAHA ang cute ni bbboi 😊 wait, na curious ako sa crispy mushroom. Bago yun ah? Masarap ba yun? (Ofcourse sasabihin mong “oo” hahahaaha)

    Like

    1. Kontakin ko yung kaibigan ko, sasabihin ko munang babanggitin ko yung crispy mushroom nya sa blog ko, pero padalhan nya muna ako ng isang dosenang pack kabayaran sa pag-advertise ko sa kanya 😂😂😂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s