10:38 na, 1 hour and 22 minutes na lang birthday mo na. ‘Eto nanaman ako, mas excited pa sa’yong may birthday.
Parang nung nakaraang taon lang.
Dalawang edition pa ng countdown ang ginawa ko. Binati kita ng 12 midnight dito sa Pinas at binati kita uli 4 hours later. Pinas at Dubai countdown k’se. Sabi mo pa, wag akong mag-countdown k’se wala lang naman. Pero sagot ko sa’yo: Akala mo lang na wala, pero meron, meron, meron… (kung maka-emote, hahahahaha) Konti lang pinagsamahan natin, 1 year tayong magkaklase pero ilang buwan lang na close tayo, ilang weeks lang yung pinasok ko, ilang araw lang yung maalala kita. At alam mo namang nung birthday mo 17 years ago ang unang araw ng realization ko.
At mula n’un nakatatak na ‘yung birthday mo sa body calendar ko. Pagpasok pa lang ng August, iniisip ko na ang padating na September.
Nung mga panahong wala akong number mo, t’wing birthday mo lang ako nakakalusot ng kumusta para sa’yo sa Ate mo. Kung ibang araw kita kukumustahin sa kanya baka matagal na akong inunfriend ni Ate mo dahil sa kakulitan ko.
Last year, record breaking ang birthday mo dahil almost 4 hours tayong magka-chat. Tumagal yun dahil ang topic natin ay ang birthday mo. S’yempre karugtong na din dun ang malabo nating istorya. Sa kwentuhan natin para tayong nagfifill in the blanks. Pilit nating inaalala saan ba nagmumula ang pinaghuhugutan ko. Pero hanggang ngayon madami pa ding blangko.
Masisisi mo pa ba ako kung big deal sa akin ang birthday mo?
Wala ka pang reply mula nung sinend ko sa’yo kanina ang mahaba kong message na sinulat ko kagabi.
Hindi mo pa nababasa ang huling message ko.
Hindi ko alam kung pagbibigyan mo ba akong makita at makausap ka bukas bago ka umalis.
Tinakot ka ba ng napakahaba kong message?
Mali nanaman ba ang timing?
O sadyang ayaw mo lang talaga sa akin?
Sobrang insensitive ko sa situation mo ngayon para tanungin ang mga bagay na ‘to. Baka lalong ‘di ka na magpakita. Pasensya ka na sobrang insensitive ko. Sobrang insensitive kong nagtatanong pa ako. Sobrang insensitive kong ‘di ko pa din alam ang sagot mo.
________________________________
Maligayang masayang happy birthday…
Alam mo naman ang hinihiling ko lagi kay Bathala… Okay na ako basta okay ka.
________________________________
At for the nth time hihiramin ko uli ang mga linya ni Jollibee:
Mahal na mahal kita.
Gusto ko ikaw ang pinakamaligaya sa lahat.
Kahit hindi naging tayo.
________________________________
Pero sana magkita muna tayo bago ang pag-alis mo.
HAPPY BIRTHDAY KAHIT NALUNGKOT AKO SA POST NA TO. (Hindi sarcastic. HAHA)
Jusko Kuya sobrang nalulungkot ako palagi sa mga post mo bakit naman ganyan. :((( Hahaha
LikeLiked by 2 people
Ako din Amielle nalulungkot din ako sa post ni kuya.. kala ko ako lang hahaha! Cheers sa birthday ni Elsie! Sana magkita na kayo bago sya umalis haaayyy
LikeLiked by 2 people
turuan niyo nga ito ng damubs si kuya
LikeLiked by 1 person
Kuya, try mo nga mag-Tinder. JOKE HAHAHAHAHA
LikeLiked by 2 people
Tindero!
LikeLiked by 1 person
Mag-aaral muna ako mag-twitter hahahahahaha
LikeLike
Pinost ko kasi ‘yung ilang quotable quotes dito na sobrang nasaktan ako sa twitter, sana po okay lang. huhu (ni-credit naman po kita kuya pero if di okay, delete ko po. π) Kasi seryosong kagabi hanggang kaninang umaga, iniisip ko pa rin ‘tong blog mo, sobrang affected ako.
Atsaka nga pala, minessage kita Kuya sa fb last night π
LikeLiked by 1 person
No problem π…
Wag na masaktan… Oki lang yan… Fighting! π
LikeLike
Boss Keso, kailangan ko na nga ‘ata ng pangmalakasang damubs π
LikeLike
baka hindi kayanin ng chakra mo itong bijuu ko. hahaha.
LikeLiked by 1 person
Present. πππ
LikeLike
Naunahan nang pagdadrama… Naisipan ko na ngang makipagbreak… Hahahahaha nakipagbreak sa imaginary girlfriend..
Bawi ako sa sunod kong sulat…
LikeLiked by 2 people
ano na?
LikeLike
Syempre late nanaman ako huhu. Ang lungkot pero Happy Birthday Elsie!
Emyellllll ikaw talaga sisisihin ko sa nagdurugo kong pusooooo
LikeLiked by 2 people
Ang sarap umiyak ππππ
LikeLiked by 2 people
wala pa tayong sponsor ng tissue…
LikeLiked by 1 person
πππ Bakit mo to ginagawa? Nakakasakit ka ng damdamin πππ
LikeLiked by 1 person
Sorry na… Bati na tayo… Wag na iyak… πππ
LikeLiked by 1 person
Hahahahaha. Kasalanan mo to. Grabe ang feels ng sinulat mo ππππ
LikeLiked by 1 person
Sige na kasalanan ko na, paano ba ako makakabawi? Bati na tayo… πππππππππ
LikeLiked by 1 person
Hahahahahahaha. Magsulat ka ng something na masaya. Yung hindi muna tungkol sa “kanya”. Yung tungkol naman sayo at sa pakikibaka mo. πππ
LikeLiked by 1 person
Hahahaha, eh sa “kanya” ‘to, kaya puro tungkol sa “kanya”, hahahaha nakikitambay lang tayo… Hahahahaha
LikeLiked by 1 person
Hahahahahhaha. Yan ang problema sayo eh. Imbes na daanan, tinambayan mo ππππ
LikeLiked by 1 person
Aray ko naman… ππππππ
LikeLike
ππππβββ
LikeLiked by 1 person
Belated Happy Birthday kay Elsie, kuya. Sana luminya na ang mga bituin para sayo.
Fighting!! βΊ
LikeLiked by 2 people
Ang sobrang old school mo hahaha (talagang may comment ako every blog post mo diba?) Old school na in a way na dinadaan mo thru words yung feelings mo para sa isang babae. Okay magbabasa pa ako lol
LikeLiked by 2 people
Hala, na-late ako. Sorna po. Belated Happy birrthday po kay Ate Elsie. Haha, kunwari mababasa niya ‘to. Haha. Ay mali, babasahin niya pala.
Tanong lang po? Saan po kayo kumukuha ng katiyagaan na sulatan siya? Haha, magpapa-sponsor po ako. πππ
LikeLiked by 1 person
Sadyang nung nagbiyaya ata ang Bathala ng katiyagaan ay maaga akong gumising at sinalo ko lahat, limited offer lang daw yun…
LikeLiked by 1 person
Ay kaya pala. Dapat ginising mo po ako. Haha. πππ
LikeLiked by 1 person