362 of 365

Dahil uso naman ang mga replay na palabas sa TV sa panahong ito, hayaan mo na akong magbalik-tanaw sa 2017 nating dalawa.

January: Naka-bakasyon ka dito sa Pinas. Ako naman si ‘di mapakaling ikot ng ikot sa paghahanap ng lugawan na pwede nating kainan, na sa dulo ay tinamaan ng kaduwagan na ‘di nakuhang magpakita sa’yo.

February: Inilabas ang Kwentong Jollibee Valentine Series na nagpadagdag ng hapdi sa puso ko. Sino ba ang makakalimot sa linyang: Mahal na mahal kita. Gusto ko ikaw ang pinakamaligaya sa lahat. Kahit hindi naging tayo.  A moment of silence for our fallen brother in the friendzone! Na dinagdagan pa ng pagrelease ng pelikulang I’m Drunk I Love You at ang linya ni Carson na: Di mo naman kasalanan kung ‘di mo ako mahal. Ang sakit. tagos na tagos ang mga patama.

March: Lumipas ang March sa pag-iisip ko sa’yo at pag-aabang sa mga message mo sa Whatsapp.

April: Okay naman tayo ng mga panahong ‘to. Nagrereply ka naman. Updated ka pati sa pag-iyak ko dahil sa nabali kong daliri sa paa courtesy ng malikot kong pamangkin.

May: Lumipas ang buong buwan na nag-iintay ako ng kasunod na message ng huling smiley na sinend mo. Na ‘di ko alam kung katanggap-tanggap ba ang linya kong: Sobrang mahal kita. Na ‘di ko alam bakit ‘di ko kayang mag-send ng kahit man lang isang message sa’yo.

June: ‘Eto ‘yung basted moment for the nth time.

Basta kahit anong mangyari, lagi mo tatandaan mahal na mahal kita.

Ilang oras din ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipadala ang linyang ‘yun.

Nagulat akong nagreply ka. Speechless ba? Sabagay nga, after all these years eto pa din ang linya ko.

Expected ko na ‘di ka naman maniniwala, kung paanong ‘di ka naman naniniwala noon pa.

Reply mo: Hindi naman. Kaya lang iba na kse ang sitwasyon natin ngayon.

💔

July: Bumenta ang pelikula ni Alex at Empoy na Kita Kita. At pinilit kong i-relate sa ating dalawa at umasang tayo yung Two Less Lonely People in the World.

Siguro nakikita ko lang ang sarili ko kay Tonyo. Lamang naman siguro ako ng tatlong paligo. Pero sa maraming pagkakataon, magkapareho kami.

Kung pwede lang na maging kapitbahay kita para small world na tayo.

Kung pwede lang sanang ipagluto din kita ng adobo, pansit, turon, kaldereta, sinigang na baboy, lumpiang hubad katulad ng ginawa ni Tonyo. Baka sakaling papasukin mo na ako sa bahay mo, as well sa buhay mo.

August: Pinalabas ang 100 Tula Para Kay Stella. At syempre pilit ko nanamang ni-relate sa ating dalawa.

Sumusulat ako sa’yo, hindi para mapabilib ka. Paano ka namang bibilib eh lahat-lahat, pati pagiging loser ko, kinukwento ko sa’yo dito. Sumusulat ako sa’yo, hindi para sagutin mo na ako. Paano mo naman ako sasagutin eh hindi pa nga ako nanliligaw. Ska ‘di pa man ako nanliligaw, nabasted mo na ako, ‘di ko na lang binibilang kung ilang beses. 

Sumusulat ako sa’yo para malaman mong iniisip kita. Para malaman mong mahal kita. Kaso kahit gaano pa kadami ang masulat ko sa’yo dito, ‘di pa din nagiging madali na sabihin sa’yo personally o kahit man lang sa whatsapp. Kaya nagkakasya na lang ako na alam mong nag-eexist ang mga sulat na ‘to. Wala mang kasiguraduhang nababasa mo, ang importante nasabi ko. Umaasa na lang ako na minsan maisip mo din ako at maisip mong basahin ang mga sulat ko.

Dati, sabi mo, ‘di sapat ‘yung nararamdaman mo para mahalin mo ako. Ngayon, sabi mo, iba na k’se ang sitwasyon. Nung napanood ko ‘to, naisip ko, mabilis lang talagang maging “hindi na pwede” ang “hindi pa puwede”.

Masarap sumulat sa’yo pero may mga pagkakataong dapat nagsalita na ako.

September: Ang ‘di malilimutang tagpo ng birthday mo. Ang pakikipagsapalaran ko sa airport, ang pagdadrama ko in between ng pag-iintay at ang isang oras na pag-uusap.

October:  Okay pa tayo nito eh, updated ka sa  pag-apply ko. Ikaw ang una kong sinabihan nung natanggap ako sa work. Sabi ko magboblowout ako at niyaya pa kitang manood ng Last Night ni Piolo (kahit alam ko naman na ‘di pwede dahil andyan ka sa UAE). Updated ka sa pagiging pusa ko sa pagsabog ng tangke ng tubig. Almost everyday ‘yung good morning at kumusta natin sa isa’t isa.

November: Okay pa din tayo nito.

Araw-araw tayong magka-chat sa Whatsapp. Breakthrough na sa haba ng pagchachat natin, binigay mo na sa akin sa wakas, ang address mo d’yan. Kaya nagplano na ako na personal na ideliver ang gusto mong Burrito ng Taco Bell sa’yo.

Magka-chat tayo habang bumabyahe kami papuntang Mt. Maculot. Updated ka nung narating na namin ang summit. Pinadala ko yung picture ng lomi na kinain namin pagkababa namin ng bundok at nagkasundo tayong kakain tayo dun pag nagbakasyon ka.

Hanggang naisipan kong i-add ka na sa FB.

Na inaccept mo naman.

S’yempre ako, ‘eto todo basa naman.

At sa pagscroll down unti-unti na lang nalusaw ang kaligayahang nadarama ko sa mga panahon na ‘yun.

💔

💔

💔

December: Merry Christmas na lang ang nasabi ko.

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

19 thoughts on “362 of 365”

  1. Nabitin ako nung pagdating ng storya sa december, grave ka.

    Hindi man napapanahon ang mga comment at lag daan ko dito, ee ano naman? HAHAHA. Lakas lang maka matsing, huli man at magaling, late parin. Lol

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: