Para sa mga pansamantalang anghel sa lupa

Nakilala kita sa tagpo ng buhay ko na nagsisimula na akong mangarap at maging masaya uli. Pero alam naman natin na nung nagsimula akong tumingin sa bright side ay ska dumilim ULI ang mundo para sa akin.

‘Di ko alam kung ano ang magiging kwento kung hindi kita nakausap nung oras na ‘yun. ‘Di ko alam kung ano ang magiging kwento kung hindi ka naging makulit, kung hindi mo ako dinaan sa blackmail.

Siguro nga, sinukuan ko na lang.

It happens like this. One day you meet someone and for some inexplicable reason, you feel more connected to this stranger than anyone else—closer to them than your closest family. Perhaps because this person carries an angel within them—one sent to you for some higher purpose, to teach you an important lesson or to keep you safe during a perilous time. What you must do is trust in them—even if they come hand in hand with pain or suffering—the reason for their presence will become clear in due time.

Though here is a word of warning—you may grow to love this person but remember they are not yours to keep. Their purpose isn’t to save you but to show you how to save yourself. And once this is fulfilled, the halo lifts and the angel leaves their body as the person exits your life. They will be a stranger to you once more.

-ANGELS, Lang Leav (Love & Misadventure)

Mabuti kang kaibigan. Iniisip ko kung minahal kita dahil andun ka nung mga panahon na yun, o dahil hanggang ngayon andito ka pa din. O siguro minahal kita sa paglipas ng panahon na nakilala ko ang kabutihan ng puso mo at katatagan ng pagkatao mo. Sino nga ba ang ‘di magmamahal sa’yo? Oo nga pala, kahit na complete package ka na eh meron pa ring mga g*g* na sinaktan lang ang puso mo. Kaya masisisi mo ba ako kung maging over protective ako?

Pero gustuhin ko mang maging super hero ng buhay mo katulad ng pagiging superhero mo sa buhay ko, alam naman nating lahat ng bagay ay temporary… may magbabago. At kahit anong gawin ko, ‘di kita mapoprotektahan 24/7. Na kahit anong bilin at paalala ko, ‘di pa rin magiging siguradong ‘di ka na nila masasaktan. Kaya siguro magtitiwala na lang ako sa mga bagay na nagustuhan ko sa’yo: ang kabutihan ng puso mo at katatagan ng pagkatao mo.

Gusto kong magsulat ng mga bagay na tungkol sa’yo. Na baka k’se ‘di mo alam. O baka nakalimutan mo na. Pero habang nagsusulat ako, naisip ko, baka ‘pag nabasa na nila eh lahat na sila ay mainlove sa’yo. Masisisi mo ba kung minsan ay selfish ako? Hahahaha.

Alam mong lagi akong magpapasalamat dahil sa pagkakaroon ng mabuting kaibigan na tulad mo. Alam mong mahal kita at gusto kong maging masaya ka. Kung makikilala ka lang nila sa kung paanong nakilala kita, ‘di ko alam kung pakakawalan ka pa nila.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ang pagiging pansamantala nating tao sa buhay ng isa’t isa. Kung dadating tayo sa panahon na nagbago na lahat, basta lagi mong tatandaan na minahal kita.

Na kamahal-mahal ka.

‘Wag na wag mong kakalimutan ‘yun.

Kamahal-mahal ka.

Oki?

At maganda ka, kahit pa bagong gising ka pa.

(At ‘yung title ko? Pampam lang.)
Advertisements

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

21 thoughts on “Para sa mga pansamantalang anghel sa lupa”

  1. Pwede ka ba makausap? Meron lang ako itatanong sayo na importante para sa akin ngayon. Sana makausap kita. Paki-email naman ako. Salamat.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s