Sunshine Blogger Award

Alam mo ‘yung ilang oras ka na sa harap ng laptop pero wala kang matype? ‘Yun ang pakiramdam ko ngayon. Gustong magsulat, andaming gustong isulat pero ‘di makapagsimula, walang matype.

At sa pag-iisip ng simula ay naisip ko na lang na sumagot sa mga nakatenggang nominations para sa Sunshine Blogger Award. Maraming salamat kay Mark Anthony, Mommy Jhem at Jheff para sa mga madugong tanong na nagbigay daan para magamit ko naman ang mga braincells ko.

At ‘yun. Sorry kung ‘di ako masunurin sa rules. Basta sasagot na lang ako.

(NOTE: Mahaba-haba ‘to panigurado. Ang dami nilang tanong…. Pwedeng huminto sa pagbabasa, anytime.)

So simulan na natin sa mga tanong ni Mark Anthony at Mommy Jhem:

TELL TEN FACTS ABOUT YOU, CAN BE FUNNY OR WHAT.

(Siomai, umpisa pa lang, wala na akong maisip… whew… ‘yun…)

  1. Ely ang nickname ko k’se favorite ko si Ely Buendia.
  2. S’yempre karugtong na n’un na favorite ko ang Eraserheads.
  3. S’yempre dahil favorite ko ang Eraserheads ay proud akong sabihing kumpleto ako ng cassette tape ng mga album nila. Kumpleto ko noon. Noon k’se wala na sila ngayon. Huhuhuhu. (Okay lang bang kausapin ko si Ex para makuha ko ang mga cassette tapes ko? Pati na rin ‘yung mga song hits ko, ska ‘yung mga ‘educational’ kong mga babasahin…)
  4. Nagpakulot ako nun para makuha ko yung wave ng buhok ni Ely Buendia. Bwahahahahahaha. Patawarin n’yo na ako, baliw lang.
  5. Dahil ako ang presidente ng klase namin n’un, pinagpilitan kong ang Graduation song namin ay “Minsan“, s’yempre Eraserheads song dapat.
  6. Ano pa ba? Pwede bang basahin n’yo na lang ‘yung mga sagot ko sa One Lovely Blog Award? Pito yun, so sobra na sa sampu… Hahahahaha antamad ko lang…

Okay next… whew bakit ang haba?!?!

ANSWER THIS TEN RANDOM QUESTIONS :

1. What inspired you to have your blog?
“What” talaga? ‘Di pwedeng “who”? Bwahahahahahaha. Syempre PAG-IBIG. (Capslock para intense.)

2. Who’s your idol in singing and what’s this song of him/her that makes you cry?
Katulad ng nasabi ko sa taas eh favorite ko si Ely Buendia. Pero pwede bang sa panahon na ‘to ay si Lady Gaga muna? At ang song ay ang makadurog pusong I’ll Never Love Again.

3. Fave place in the world and why?
At home… Bwahahahahahahaha. Why? Ganun talaga. When you find “the one”,  home is wherever you are with them. So saan pa ba ang magiging fave place ko… s’yempre sa tabi n’ya.

3. Best goal/s in life.
Slumbook ba ‘to? ‘Yun… Maging masaya, at mag-share ng kasiyahan sa iba. 🙂

4. Something that you already fulfilled?
Fulfillment na ‘yung nasurvive ko ang 1,099,353,600 seconds ng existence ko. Sa bawat araw, pinagpapasalamat kong napapagtagumpayan kong piliing mabuhay.

5. What’s the best thing that blogging can give you?
‘Yung pakiramdam na nakahinga ka.

6. If there’s someone you’ll be most thankful to, who would it be (except for God)? Why?
I-parking muna natin ang tanong na ‘to.

7. English or Mathematics ?
BOTH. Pero pwede bang History na lang? O Arts? O TLE?

8. Forgive and forget or hate and avenge ? Where are you?
Forgive and forget.

9. Have you ever denied yourself only for other people? Tell us a story. 🙂
Madaming beses. Sige susulat na lang ng other post para dito, baka ‘di tayo matapos eh.

10. How does it feel being awarded by this? Explain.
Nakakatuwa. K’se nagkakaroon ng rason para magsulat, para mapagana ang brain cells at makapagkwento ng kung anu-ano.

——————————————————————————————-

Whew….

‘Di pa tapos…

Mga tanong naman ni Papa Jheff…

Hangdamiiiiiiii…

1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?

Naranasan ko na parehas eh, pero siguro d’un ako sa malaki ang sahod kahit pa stressful… Parang mas nakakastress k’se ‘yung maliit ang sahod… hahahaha… Parang okay na ako mastress sa work, wag lang mastress sa bahay dahil sa maliit na sahod…

2. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?

Hindi required pero okay lang na alam. Alam lang naman eh. ‘Di naman ibig sabihin eh bubuksan na agad. Ibibigay ko ‘yung akin, para in case of emergency (tunay na emergency) eh may mag-uupdate ng account ko. Hindi naman big deal basta importante malinaw sa inyong dalawa ‘yung pagtitiwala at respeto.

3. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?

‘Di ko siguro masasabi pero pwede ko s’yang bigyan ng deodorant o toothpaste at mouthwash, tapos sasabihin ko may nagpapamigay lang sa daan, sa kanya na lang k’se madami pa akong stock sa bahay hahahahahahha.

4. Ano ang iyong kahinaan?

‘Yung lambing. Kahit sino man ‘yan.

5. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?

Katulad din ng sagot sa kung ano ang kahinaan ko ‘tol… lambing.

6. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

Sa dami ‘di ko na malaman kung ano ang “craziest” d’un. Iba-ibang kabaliwan eh…

7. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?

Yung level ng sakit siguro depende kung paano natin tinatanggap ang mga bagay-bagay. Kung may third party then ibig sabihin ‘di rin tinadhana. Kung walang third party pero naghiwalay pa rin, meron pa rin rason ‘yun, hindi pwedeng wala, hindi lang basta hindi itinadhana. Lagi pa ding choice ‘yan. Kung nasasaktan dahil sa thought na “mahal n’yo naman ang isa’t isa eh pero ‘di tinadhana”, sinasaktan lang natin ang mga sarili natin, pero never naman k’seng naging sapat na mahal lang, siguro mas nasasaktan lang tayo dahil sa mga what if’s, ‘di lang natin matanggap na tapos na, ‘di nila tayo mahal enough para magstay sila.

8. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?

PK. Iniisip ko kung 3 Idiots ba o iba pang pelikula ni Aamir Khan. Pero mas nakakarelate ako dito bilang isa akong alien katulad ng bida sa pelikula. At madalas din akong napagbibintangang PK (PK=lasing). Pero ibang klase ‘tong pelikulang ‘to. Panoorin n’yo.

9. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?

Sa araw-araw, piliin natin maging mabuting tao.

10. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?

Lahat naman ng nakilala natin nag-iiwan ng marka sa buhay natin, iba-iba lang ang laki, iba-iba lang ang lalim.

11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?

Merong mga bagay na sa umpisa pinagsisihan, pero habang lumilipas ‘yung panahon narealize ko naman na ‘di sila dapat pagsisihan. ‘Eto ako ngayon dahil sa mga bagay na ‘yun. Iba ang magiging istorya kung ‘di ‘yun nangyari, ‘di ba? Baka ‘di ko ‘to sinusulat, ‘di mo rin binabasa.

12. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?

Alam ko work-in-progress pa ako… Pero s’yempre ang gusto nating iwan ay ang best and most beautiful part of us, ‘di ba? Mabuting puso. Kailangan ng mundo ‘yun.

13. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?

“Akala mo lang sa una ‘di mo kaya. Magugulat ka na lang na kaya mo naman pala. Humihinga ka pa din. Buhay ka pa din.”

14. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?

Wala naman. Kung babaguhin ko k’se ang “nakaraan” alam kong magbabago din ‘yung “ngayon” ko. Gaano ba kaimportante ‘yung bagay na ‘yun para itaya ko ‘yung kung ano ang meron ako ngayon ‘di ba? Sapat na sa akin ‘to.

15. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?

Free will. Kailangang may gawin tayo, may piliin tayo. Paano tayo tatama sa lotto kung ‘di naman tayo tataya ‘di ba? Walang guarantee na pabor sa atin ang end result. ‘Di lang naman tayo ang mapagpasya sa mga bagay-bagay lalo na kung may involved na ibang tao. Pero okay na ‘yung may ginawa tayo ‘di ba?

‘Yung pag-iintay sa ihahain sa atin ng tadhana ay part ng free will natin. Choice nating maniwala sa destiny. Choice nating walang gawin.

——————————————————————————————-

Whew… Para akong nag-exam… 

Ang hirap pag bloggers ang nagtatanong ang tataba masyado ng utak…

Naubos na ang energy ng brain cells ko sa pagsagot, ‘di na ako magtatanong hahahaha. sunshine-blogger-award

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

17 thoughts on “Sunshine Blogger Award”

  1. Ang daming parte ng posts na ito ang napangiti ako. Curious ako sa Ely Buendia inspired kulot hair mo at bilang alien din ako, isang tanong, isang sagot … totoo ba ang 1,099,353,600 seconds ng existence mo? HAHAHAHA

    Liked by 1 person

    1. Paguwi ko sa bahay, hahanapin ko na ang picture nung “Banda-roon Banda-rito days” ko, para maisama ang picture dito hahahahahahahaha

      Oo, tunay ang 1,099,353,600 seconds habang sinusulat ko yun, tanda ng Inang Alien ko ang oras na lumabas ako sa itlog…

      Like

    2. Ayun oh .. excited ako makita ang kulot na hair. 😂😂😂 Pakibilis ang paghagilap sa litratong ‘yun. HAHAHA

      In fairness, hanep sa talas ang memorya ng nanay alien mo huh. Anong sikreto niya? Pakitanong. 😛😛😛

      Liked by 1 person

    3. Parang may gusto akong palitan sa sagot ko…
      #11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?
      ‘Yung kinwento ko ‘yung kagustuhan kong maging kamukha si ely buendia ay nagpakulot ako.
      Bwahahahahahahahaha
      Baka ‘di n’yo na ako igalang hahahahahaha…

      Sige ibubulong ko sa’yo ang sikreto ni Inang Alien ‘pag nagkita tayo sa planetang Earth, napasa n’ya sa akin ang kapangyarihan na ‘yun… ⚛

      Like

    1. Bwahahahahaha antagal mo sumagot, iniintay kaya kita, k’se kokopya ako sa’yo…

      Inaano ba natin si Lady Gaga? Bakit s’ya kumakanta ng ganun? Ansakit-sakit, tumagos sa ribcage, sagad hanggang lungs…

      Liked by 1 person

    2. Hahaha. Hintay pa ko ng ibang entries para madami akong makokopyahan.

      Ewan ko diyan kay Lady Gaga. Nananahimik ako dito eh. Nambobroken-hearted siya eh.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: