Part 3 of 4: Pakikipag-ayos

Pagpapatawad.

Pakikipag-ayos.

Pagmu-move on.

Paglimot.

Ano nga ba ‘yung pinakamadaling gawin?

Ano ‘yung pinakamahirap gawin?

——————————————————————————————————

(Matagal ko nang sinimulang isulat ‘to. Natabunan na nga kasama ang napakaraming mga draft. Hanggang sa naging topic sa group chat ng TFIOB at naisipan kong siguro ‘eto na ‘yung tamang timing. ‘Di ko alam kung bakit natagalan ako sa pagsusulat at pagtapos nito. Pero siguro mamaya habang nagsusulat malalaman ko.)

——————————————————————————————————

‘Di na ba tayo magiging okay?

Sa t’wing may kasalanan ako, madalas ‘yan ang unang linya ko. Hindi sorry. Hindi kung anupaman. Hindi ko alam pero ‘yan ang lagi kong linya.

‘Di na ba tayo magiging okay?

Siguro k’se hindi pa ‘yung pagpapatawad ang hinahabol ko kundi ‘yung ideya na magiging okay tayo. Eventually.

——————————————————————————————————

Years ago, pinipili kong tapusin ang mga relasyon na wala nang lingunan. Ako man ang may kasalanan ng pagtatapos ng relasyon o sila, pinipili kong pagkatapos ng relasyon ay wala ng kumustahan. Ano pa ang rason ng kumustahan? Ano pa ang rason ng pagiging magkaibigan uli? Nagkasakitan tayo noon at magkakasakitan lang din tayo eventually. Alam ko sa sarili kong big deal sa akin ang past. Alam kong ako ‘yung taong ‘di makakalimot sa kung paano mo ako sinaktan at kung paano kita nasaktan. Maaalala ko lang lahat at alam kong ‘di na maayos pa. Hindi ko na sila binibigyan ng second chance na saktan ako uli. Hindi ko na binibigyan ng second chance ang sarili ko na masaktan ko sila uli.

Akala ko ganun lang kadali. Akala ko ganun lang kasimple.

Hindi pala applicable sa lahat.

May mga taong pipiliin mong makipag-ayos sa marami at iba’t ibang dahilan. May mga taong kahit nasaktan ka ay pinipili mo pa ring mahalin. May mga pagkakataong kakapit ka. May mga pagkakataong lulunukin mo lahat ng pride chicken mo. May mga pagkakataong makikiusap ka na “ako na lang, ako na lang uli”. At may mga pagkakataong kahit nadudurog ka na ay pipiliin mong magstay.

Umaasa kang sa kabila ng mga nangyari, magkakaayos pa rin kayo. Umaasa kang eventually mapapatawad ka niya, o mapapatawad mo siya.

Iniisip ko kung nanghihinayang lang ba ako kaya ako nakikipag-ayos. Sapat na bang nanghihinayang lang ako? Sapat na ba ‘yung tagal para panghinayangan ko? At kung hindi ang tagal, sapat na ba ang lalim ng pagsasama para panghinayangan ko? Nakakatawa pero ano nga ba ang inaasahan ko sa pakikipag-ayos? Umaasa ba akong maibalik ang dati, na alam kong imposible na sa dami ng nangyari?

Siguro depende sa halaga ng taong ‘yun sa’yo. ‘Di lahat ng tao ay worth the pain. Siguro depende kung ano’ng rason ng pagkakahiwalay n’yo. Siguro depende kung kaya mong makipag-ayos thinking of all na nangyari. Siguro depende sa panahon. Siguro depende sa pagkakataon.
——————————————————————————————————

Isang araw nung March, buong araw akong naglakad at bumyahe para kitain ang mga dati kong kaibigan at mga dati kong mga naging karelasyon. May mga tiningnan ko lang sa malayo, merong nilapitan ko na parang kunwari ay aksidente ko lang sila nakita at meron namang kinausap ko na nilimitahan ko lamang sa sampung minuto. Sampung minuto lang. Sapat na ang sampung minuto para malaman ko kung kumusta sila, masabing masaya akong malamang okay sila, at masabing lagi nilang iingatan ang mga sarili nila.

Iniisip ko bakit ko ‘yun ginawa.

Iniisip ko bakit ako nakipag-usap.

—————————————————–

‘Di na ba tayo magiging okay?

Ngiti lang ang natanggap kong sagot.

Hindi ko alam, pero nakahinga ako ng maluwag.

Pakikipag-ayos. Difficulty level: Depende.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

7 thoughts on “Part 3 of 4: Pakikipag-ayos”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: