Pagpapatawad.
Pakikipag-ayos.
Pagmu-move on.
Paglimot.
Ano nga ba ‘yung pinakamadaling gawin?
Ano ‘yung pinakamahirap gawin?
——————————————————————————————————
Kailangan ko bang kalimutan ka para maka-move on? O kailangan kong mag-move on para makalimutan ka? Kailangan muna ba natin magka-ayos para maka-move on? O kailangan muna natin maka-move on para magkaayos? Kailangan ko bang patawarin ka bago ako maka-move on? O kailangan ko munang maka-move on para eventually ay mapatawad ka?
——————————————————————————————————
Siguro habang binabasa mo ang mga sinusulat ko dito, iniisip mong may problema ako sa pagmu-move on. Iniisip mo siguro, isa akong napaka-stagnant na tao na nagpapakalubog sa drama ng mga what ifs at what could have beens sa utak ko.
Marami akong tanong sa pagmu-move on pero siguro wala naman akong problema sa pagmu-move on. Alam ko, kaya ko naman. Though madalas kinukwestyon ko ang pagmu-move on ko, pero alam ko, umuusad naman ako.
Depende na lang siguro talaga sa scenario.
Minsan iniisip ko napagkakamali ko ba ang LETTING GO at MOVING ON. Pero may pagkakaiba ba talaga sila? Sabi nila, you can’t move on if you can’t let go. Automatic na daw ang moving on sa moment na nag-let go ka… Pero hindi ba you learn to let go sa moment na you decide to move on? Ginagawa ko lang na magulo ‘no? Oo, madalas, ginagawa ko lang naman talagang kumplikado. I try to over analyze things. Kaya nga siguro mas preferred ko pa na sabihin mo sa akin, personal man o sa chat, sabihin mo na lang na HINDI KITA MAHAL. HINDI KITA KAYANG MAHALIN. TUMIGIL KA NA. O kaya magboyfriend ka na lang. Pwede bang maging okay ka na para maging okay na din ako?
Minsan natanong ko na rin sa sarili ko kung mananatili ba tayong magkaibigan ay ‘di ako makaka-move on? Hindi ba pwedeng okay pa rin tayo at the same time na mag-move on ako? Sabi ko nga, mas preferred ko na sabihin mong HINDI KITA MAHAL. HINDI KITA KAYANG MAHALIN. TUMIGIL KA NA. (Maliban na lang kung sa una pa lang ay alam ko nang walang pag-asa. ‘Di mo na kailangang magsalita. Alam ko na.) Minsan ‘di ko alam bakit napakahirap sa mga tao na mag-usap. Bakit ba napakahirap magsabi ng tunay na nararamdaman ng puso… kung ano’ng tunay na tumatakbo sa isip. Pero katulad nga ng nasulat ko nung nakaraan, alam ko namang may mga taong ‘di na lang nagsasalita at ang katahimikan nila ang magsasabi sa’yong HINDI KITA MAHAL. HINDI KITA KAYANG MAHALIN. TUMIGIL KA NA.
Kailangan ko na bang humintong mahalin ka para maka-move on? O masasabi kong moved on na ako pag finally huminto na akong mahalin ka?
Ang dami kong tanong samantalang sabi ng iba, napaka-simple ng pag-move on.
PAG-USAD.
Marami akong tanong sa pagmu-move on pero siguro wala naman akong problema sa pagmu-move on. Alam ko, kaya ko naman. Though madalas kinukwestyon ko ang pagmu-move on ko, pero alam ko, umuusad naman ako.
Mabagal. Pero umuusad naman ako. Even baby steps ay alam kong pag-usad pa din palayo sa’yo, sa pag-ibig ko sa’yo at sa lahat ng bagay tungkol sa’yo. ‘Di naman kailangang magmadali. Wala namang timeframe na dapat sundin. Hindi naman dahil ‘yun ang ginawa nila, gagawin ko rin at magkakaroon ng the same result. Eh ano ba kung kakaiba ang way ng moving on ko. Eh ano ba kung sa paningin nila stagnant pa rin ako. Eh ano ba kung mas effective na tinitigan pa rin kita habang nag-iintay sa oras na may kahawak ka nang iba. Eh ano kung sa paningin nila mahal pa rin kita?
Mas mahal kita noon kaysa ngayon, ‘di ba moving on na ‘yun?
HINDI KITA MAHAL. HINDI KITA KAYANG MAHALIN. TUMIGIL KA NA. Pero di pa ko magboboypren. Hahahaha.
LikeLiked by 1 person
Bwahahahahahahahahha
inisip ko pa tuloy ang irereply ko…
Hahahahahahahahahaha
NOTED BESH… 😂😂😂
LikeLiked by 1 person
Sabi nga nila, doesn’t matter how fast you’re goong, as long as you’re moving forward, you’ll get there….
LikeLiked by 1 person