Part 1 of 4: Paglimot

Pagpapatawad.

Pakikipag-ayos.

Pagmu-move on.

Paglimot.

Ano nga ba ‘yung pinakamadaling gawin?

Ano ‘yung pinakamahirap gawin?

Sabi ng iba, pwede kang magpatawad na ‘di na kailangan pang makipag-ayos. Pero may ibang pinipiling makipag-ayos kahit ‘di nagpapatawad. Merong nagpapatawad at nagmomove on na lang. May nagmomove on na lang kahit walang pagpapatawad. May mga nagpapatawad at lumilimot sa mga pagkakamali. May mga nagpatawad pero ‘di makalimot sa hapdi.

Siguro nga depende na lang sa tao. Depende na lang sa kung ano ang mas madali para sa kanya. Depende na lang sa kung anong pipiliin n’yang gawin, sa kung anumang rason meron s’ya.

Sa iba, madali. Sa iba, mahirap. Sa iba, imposible.

——————————————————————————————————

Nung bata ako, sinabi nilang gifted child ako. Nakakatawa. ‘Di ko talaga makita ang sarili kong gifted. Naniniwala akong walang favoritism ang mga bathala. Pero dahil daw ang IQ ko noon ay 148, gifted child daw ako. (132 na lang s’ya nung huling check sa akin at panigurado akong bumaba pa ‘yan sa ilang taong lumipas na ‘di ko masyado ginagamit ang braincells ko.) ‘Di ko naman nakikitang kakaiba ako sa ibang mga tao. Maliban na lang sa matinding memory ko sa mga detalye sa mga pangyayari. Kaya kong ulitin ang mga eksaktong salita ng sermon ng lolo ko nung 3 years old ako. Na inulit kong irecite sa burol n’ya nung 7 years old ako. Kaya kong idescribe ang mga pangyayari, lahat ng detalye, kung nasaan ang araw, o kung may bituin ba o bilog ang buwan. ‘Di ko kailangang magreview sa exam dahil naalala ko lahat ng sinasabi ng teacher ko,  kung anong petsa, anong oras, kung saang parte ng blackboard n’ya sinulat at pati na kung ano ang suot n’ya at maging ang mood n’ya.

Ang cool ba?

Akala ko din nung una ay cool… pero ‘di pala.

Masakit pala sa puso.

Masakit k’se paulit-ulit.

Masakit na paulit-ulit.

Ang laman ng utak ko ay isang napakahaba at walang katapusang video recording.

Ang mga nakaraan ay kaya kong balikan ng parang nangyari kanina lang. Ang mga nakaraan kahit ayaw ko nang balikan, babalik na parang walang lumipas na mga araw. Lahat ng detalye, pati ang kilig, pati ang sakit.

Buti na lang habang tumatagal ay natututunan ko nang bawasan ang mga naaalala ko. ‘Di ko na maaalala ang suot mo nung huling nagkita tayo. Pero asahan mong nakatatak sa utak ko ang mga sinabi mo.

Hindi ko alam kung magkakaroon ba ng expiration ang mga recordings sa utak ko. Hindi ko alam kung posible bang maoverwrite ng mga bagong memories ang mga lumang naka-save dito. Hindi ko alam paano ko ididisable ang replay at play button. Hindi ko alam bakit walang stop button.

——————————————————————————————————

Pagpapatawad.

Pakikipag-ayos.

Pagmu-move on.

Paglimot.

Ano nga ba ‘yung pinakamadaling gawin?

Ano ‘yung pinakamahirap gawin?

——————————————————————————————————

Madalas kinukwestyon ko ang sarili ko kung nagpatawad ba talaga ako, kung nakipag-ayos ba ako ng bukal sa loob ko, kung tunay bang nag-move on na ako. Hindi k’se ako makalimot. ‘Di naman ako nagtatanim ng sama ng loob pero sadyang naalala ko. Masama ba akong tao?

Ewan ko nga kung paano ako nakatagal sa setup na ‘to ng utak ko.

Sa araw-araw, nabubuhay akong naaalala ang mga nakaraang puno ng sakit habang  inaalala bakit nga ba ako kumakapit.

Minsan, o madalas, pinapangarap kong makalimot. ‘Yung clean slate na lang sana. Pero pag naalala ko ‘yung mga masasayang memories na masasamang mabubura ay nanghihinayang din naman ako. Ano ba namang maalala ko kung paano mo dinurog ang puso ko, kung sa ilang beses pwede ko namang ulit-uliting alalahanin paano mo pinasaya ‘to.

Paglimot – Difficulty: 9.9 out of 10

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

28 thoughts on “Part 1 of 4: Paglimot”

  1. “May mga nagpapatawad at lumilimot sa mga pagkakamali. May mga nagpatawad pero ‘di makalimot sa hapdi.”
    “Sa araw-araw, nabubuhay akong naaalala ang mga nakaraang puno ng sakit habang inaalala bakit nga ba ako kumakapit.”
    ang sakit po pero di ka masamang tao :(( ang tindi po ng IQ mo, it’s like a blessing and a curse :(( sure ka po bang hindi ka si Bob Ong? Ahaha

    Liked by 1 person

    1. Hahahahah late pa rin ako compare sayo. Pero ang sakit ng ibang linya mo. Nakakadurog puso

      Like

    2. Hahahahahah HINDI HAHAHAHAHAHAHAHA AYOKO NALANG MAGSABI BAKA MAY MAKABASA HAHAHAHAHA

      Like

  2. Paglimot – Difficulty: 4.9 out of 10

    Hindi naman kasi talaga natin malilimutan. Iwasan lang natin kasing balik-balikan. Bakit gusto pa kasi natin yung paulit-ulit na ninanamnam? Bakit gusto pa kasi natin yung paulit-ulit na nasasaktan? – #RheaAsks | Bakit?

    Besh, may kailangan ba tayong pag-usapan? LOL. (Ehem. Sambo, ehem.)

    Liked by 2 people

    1. Kung wala, edi wag na lang tayong mag-usap.

      (Kain lang. Walang usapan. LOL. Sambo, Aug.. Sep.. Wait, ba’t punung-puno ang sked ko?)

      Liked by 1 person

  3. Hala, totoo pong naaalala mo lahat ? Parang si Jin Woo ng Remember/War of the Son. Mismo. Kala ko sa mga panuorin lang nangyayari yun. Haha. Pati pala sa real life. Haha. Ang astig yet hindi. Haha. Nudaw?

    Eniweys, see you po mamaya. (Sana mabasa mo na po ito bago mag-mamaya. Haha.)

    Like

  4. Super late na ako sa pag basa nito… 1 down, 3 to go. Pero siguro para sa akin lang, di mo naman kelangan kalimutan ang kahit sino o ano. Meron rason bakit nangyari ang lahat. I guess, don’t forget, but just learn. Embrace and smile about the good memories while you learn from the not-so-good ones.

    Liked by 1 person

    1. Lol! Sige heto yung link ng sample… Medyo matagal na at sinamantala ko lang nag peace and quiet, dahil tulog na lahat ng tao. Long story short, jamming jamming lang. Pero, sige, let me know kung ano request mo (Naks, yabang! As if kaya talaga) at try kong sirain yung kanta LOL! Mga 3 options, piliin ko yung pinaka madali!

      Liked by 1 person

    2. Wow! (….mahabang moment of silence… At wala na ako masabi kundi Wow!) hahahahahahaha pag-iisipan ko mabuti ang irerequest ko… 😁 and also, all-time favorite ko ‘tong song na ‘to… 😍

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: