Part 4 of 4: Pagpapatawad

Pagpapatawad.

Pakikipag-ayos.

Pagmu-move on.

Paglimot.

Ano nga ba ‘yung pinakamadaling gawin?

Ano ‘yung pinakamahirap gawin?

——————————-

12 days. 12 days na akong tumititig sa papel na sinusulatan ko pero wala pa rin akong masulat. Sinubukan kong magtype pero wala din. Bigla na akong nablangko. Ang dami kong gustong sabihin sa pagsisimula ko ng 4-part series na ‘to pero ilang araw ang lumipas, wala man lang akong naisulat na matino para sa huling installment nito.

Pagpapatawad.

Andami kong gustong sabihin nung una tungkol sa pagpapatawad pero hindi ko alam bakit ngayon ay hindi ko na mapag-isa ang mga naiisip ko. Ang dami kong naiisip pero walang pinupuntahan.

Wala naman akong issue sa pagpapatawad. Naniniwala naman ako sa sinasabi ng iba na para magkaroon ka ng katahimikan ay magpatawad ka, na ang pagpapatawad ay hindi mo lang ginagawa sa taong may kasalanan sa’yo kundi ginagawa mo ‘to mas para sa sarili mo. Naniniwala din naman akong ‘di kailangan pang mag-intay ng paghingi nila ng tawad bago mo pa sila mapatawad.

Wala naman akong issue sa pagpapatawad. ‘Di ako makakalimot pero alam ko sa puso kong makakapagpatawad ako. Iniisip ko nga kung may tao ba akong ‘di pa napapatawad. Alam ko napatawad ko naman sila.

Ano nga ba ang nakakapagpahirap sa pagpapatawad?

Ang bigat ba ng ginawa n’ya?
Maliit na bagay o malaki, alam kong iba-iba sa bawat tao ang bigat ng mga pangyayari. Pwedeng ‘yung simpleng bagay sa’yo eh malaking bagay sa kanya.

Ang lalim ng relasyon n’yo?
Kung gaano s’ya kahalaga sa’yo ay pwedeng magpadali ng pagpapatawad pero minsan, o madalas, ‘yun din ang nagpapahirap.

Ang haba ng panahon?
Mas madali ba ang pagpapatawad sa paglipas ng panahon? O mas madali magpatawad kung nagsorry agad?

Depende lahat. Depende lahat sa’yo.

Pero siguro nga, wala naman akong issue sa pagpapatawad sa iba.

Siguro mas struggle pa sa akin na patawarin ang sarili ko.

Nakakatawang sinulatan ko pa ang sarili ko. At habang sinusulat ko eh may background music pa ako. Whew! Alak!

Self,

Pwede bang patawarin mo na ang sarili mo? ‘Di mo naman kasalanan kung nagmahal ka. ‘Di mo din naman kasalanan kung ‘di ka n’ya minahal o kung ‘di ka n’ya kayang mahalin. Patawarin mo na ang sarili mo, ‘di mo naman kasalanan kung ‘di naging sapat ‘yung pagmamahal mo, kung ‘di naging sapat lahat ng ginawa mo para punuan ang mga pagkukulang mo. Patawarin mo na ang sarili mo kung ‘di ka naging sapat… kung kailanman ay ‘di ka magiging sapat.

Patawarin mo na ang sarili mo kung bumitaw ka. Wala na rin namang magagawa k’se bumitaw na rin naman s’ya. ‘Wag mo na isipin pa ‘yung mga what ifs mo. Patawarin mo na ang sarili mo kung naging mahina ka. Patawarin mo na ang sarili mo sa pagsuko sa kanya, sa inyo, sa relasyon n’yo.

At patawarin mo na ang sarili mo kung nagkamali ka uli o magkamali ka uli. Patawarin mo na ang sarili mo kung ‘di ka pa natuto. Patawarin mo na ang sarili mo kung naging tanga ka.

Patawarin mo na ang sarili mo kung sinubukan mong magmahal.

At patawarin mo na ang sarili mo kung sumubok ka pa uli.

At susubok pa uli.

Nagmamahal,
Self

Pagpapatawad.

Pakikipag-ayos.

Pagmu-move on.

Paglimot.

Ano nga ba ‘yung pinakamadaling gawin?

Ano ‘yung pinakamahirap gawin?

——————————-

‘Di ko rin alam. Matapos kong isulat lahat, naisip ko lahat ay depende.Depende sa akin, depende sa’yo, depende sa sitwasyon. ‘Yung madali sa akin siguro ay ang mahirap para sa’yo.

Pero ‘yun nga, nahirapan ka man, natagalan ka man…

here you are living despite it all.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

10 thoughts on “Part 4 of 4: Pagpapatawad”

  1. BESH PATAWARIN MO NA ANG SARILI MO!!!

    TAGGING: NO_JUAN_IS_AN_ISLAND – PATAWARIN MO NA DIN ANG SARILI MO!!! 8-YRS NAAAAAA!!! LUMAYA KA NA! HAHAHAHA.

    Besh, i-samgyupsal natin ‘yan! Or chicken and beer. 🙂

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: