Kailangan ko pa ba ng closure?

Aaminin ko, ‘di ko talaga naiintindihan ang closure na ‘yan. Aaminin ko, minsan k’se ginagawa ko lang dahilan ‘yang “need for closure” na ‘yan para tumambay pa sa feelings na meron ako. O madalas, ginagawa ko lang ‘yang way para makipagbargain… way para makausap s’ya at sabihing “Ako na lang… ako na lang uli”.

Hindi ko alam kung anong closure ang iniintay ko. Nag-iintay ba ako ng paliwanag? Nag-iintay ba ako na mag-sorry s’ya? Nag-iintay ba akong sabihin n’ya na hindi na n’ya ako mahal? Ano ba ang kailangan ko? Validation na minahal naman n’ya ako pero hindi nga lang naging sapat ang pagmamahal para magtagal pa kami sa relasyon? Validation na wala nang pag-asang maayos pa?

Anong klaseng closure ba ang makakapagpagaan ng nararamdaman ng puso ko? Paano kung ang binigay n’yang closure ay mas lalong nagpabigat ng loob ko, closure pa rin bang matatawag ‘yun?

Masasagot ba ng closure ang lahat ng mga tanong sa isip ko? Paano kung walang sagot?

Paano kung ang kawalan pala ng closure ay ang closure itself?

Madalas, kaya ako naghahanap ng closure ay dahil andami ko pang what if. Aaminin ko, kaya ko gusto ng closure ay dahil umaasa pa ako… naghahanap ako ng closure para basagin ang natitirang pag-asa na meron ako… naghahanap ako ng closure dahil ‘di ako makapagdecide sa sarili ko kung kakapit pa ba o bibitaw na ako.

Kailangan ko pa ba talaga ng closure?

At babalik nanaman ako sa mga tanong na nasa itaas.

Ang hirap din k’se na naiiwan sa ere ng wala man lang paalam… na wala man lang dahilan. And’un ka lagi sa thinking na “baka mahal n’ya pa ako kaya ‘di  n’ya magawang magpaalam”, “baka kailangan n’ya lang ng space”, “baka naguguluhan lang s’ya”. Walang katapusang “baka”.

Pero paano nga kung ayaw n’yang makipag-usap? Hanggang kailan ako mag-iintay? Hanggang kailan ako kakapit? Hanggang kailan ako aasa?

Kailangan ko pa ba talaga ng closure?

At babalik nanaman ako sa mga tanong na nasa itaas.

Walang katapusang paghahanap sa closure.

Siguro nga kaya ako nahihirapang maghanap ng closure ay dahil hinahanap ko ang closure mula sa ibang tao. Samantalang anuman ang sabihin nila, o hindi nila sabihin, nasa akin pa rin naman kung tatanggapin ko ‘yun as FINALITY ng mga bagay-bagay. Nasa akin pa rin nakasalalay ang ACCEPTANCE na tapos na nga talaga, wala na akong magagawa pa.

Andaming uri ng closure … pwedeng in form of dahilan, paliwanag, paghingi nila ng tawad, o siguro pati ang silence, pag-unfriend, at pagblock… Madalas nasa harap na natin ang closure, ayaw lang natin tanggapin. Siguro, k’se nga umaasa pa tayo. O naghihintay pa tayo.

——————————————————————

Note sa sarili:

Ang closure ay pagwawakas. ‘Wag nang gumawa ng iba pang meaning ng closure. Nothing more. Nothing less. ‘Yan na ‘yan.

At hindi ‘yan hinihingi.

Dapat ay tinatanggap.

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

42 thoughts on “Kailangan ko pa ba ng closure?”

  1. this struck a cord in me. ako kasi yung tipo ng tao na laging naghahanap ng closure, ng explanation. not to dwell on my feelings, pero para may mapanghawakan lang akong rason para mas maintindihan kung bakit kinailangan mangyari ng mga nangyari. pero minsan nga, siguro di na talaga kailangan ng closure. but i believe, just a mere explanation, kahit gaano kasakit, mas mabuti para sa ibang tao. hirap kasi pag nagmahal ka ng totoo tapos mawawala lang. ang gulo, bes!

    Liked by 1 person

    1. May mga taong mas pinipiling ‘di magsalita, ewan ko, may ganun talaga eh, tapos ‘eto naman tayong mga nag-iintay ng explanations dahil ayaw nating mag-assume lang. Siguro if without any words, ang kailangan natin is time, time para marealize na natin na hanggang gan’to lang talaga ang kaya eh. Masakit pero sadyang nasa katapusan na kayo ng storya ninyong dalawa. -the end

      Liked by 1 person

    2. ganun na nga siguro. kasi minsan wala ng salitang pwedeng mag-explain. minsan kailangan mo na lang talagang pabayaan, at hintayin ‘yung araw at oras kung kailan tanggap mo na lang na wala na talaga. na hindi na talaga puwede. ang aga ng hugot mahaba pa ang araw :<

      Liked by 1 person

  2. WOAH! ANG BIGAT NITO. MARAMING MAKAKARELATE. SANA MABASA NILA.

    Pero kelangan ko talaga ng closure sa Chiong Murder Case!!! Or acceptance na lang ba talaga? HAHAHAHA. Char lang. Magke-kdrama na lang ako.

    Kidding aside, I realized I never asked nor gave any “closure.” If that would mean yung magkikita tapos mag-uusap tapos mag-eend ang conversation with thank yous and good byes. Ewan, pero okay naman ako. Maliwanag namang kailangan kong mag-move forward during those times.

    Baka nga yung mga naghahanap ng closure eh yung may natitira pang pag-asa sa puso nilang pwede pang maayos. Ewan ulit. Let’s wish them well.

    Pero besh yung totoo, may kailangan ba tayong pag-usapan? Hahahaha. DQ! DQ! DQ!

    Liked by 2 people

    1. Besh Ely, tara na nga sa Baguio. Natatakam ako dun sa strawberry cake na pinatikim sakin nitong naghahanap ng closure. Hahahahaha.

      Liked by 1 person

    2. ang gusto ko lang malaman yung ano talaga link or url ni No Juan is An Island 😦 di ko malagay sa everyday reads ko eh haahah

      Besh, yung closure kasi hinahanap ko din yan dati eh. Siguro sa sobrang tagal masasanay ka nalang din na babye na pala talaga. Na wala nang kailangan sabihin pa kasi babye na talaga.

      Liked by 2 people

    3. nagkakausap kami niyan kasi minsan dinadalaw niya yung blog ko pero mali kasi yung link na nakalagay sakanya. Ang tagal ko na siyang ilalagay dun sa everyday reads ko besh. Tignan mo pag nagcomment siya, click mo link nya tapos hindi yan lalabas kasi parang lumang link nakalagay eh. ANG HABA NA NG SINABI KO HAHAHAHAHAHA

      Liked by 1 person

    4. Hahaha. Gets ko. Yung wordpress.com kasi ang link niya. Nung nag-dotcom siya, di niya nabago ang link.

      Like

  3. THIS!
    Ang hirap din k’se na naiiwan sa ere ng wala man lang paalam… na wala man lang dahilan. And’un ka lagi sa thinking na “baka mahal n’ya pa ako kaya ‘di n’ya magawang magpaalam”, “baka kailangan n’ya lang ng space”, “baka naguguluhan lang s’ya”. Walang katapusang “baka”.

    Pero paano nga kung ayaw n’yang makipag-usap? Hanggang kailan ako mag-iintay? Hanggang kailan ako kakapit? Hanggang kailan ako aasa?

    Liked by 1 person

    1. Dadating din ‘yung time na mapapagod ka na lang… At ‘di mo na lang mamamalayan nakamoved on ka na… Just be with the people na makakapagpasaya sa’yo kahit na nagdurugo ang puso mo… Eventually, you’ll be better in time.

      Like

    2. yung huling sabi lng nya gusto nya ng time and space… magiging ok din ang lahat.. umasa ka… pero iniwan ka lng pala sa ere ng walang paalam . walang pag.uusap at block kna sa accounts nya.. yung time and space parang pang forever na yata.. sakit Bes

      Like

    3. what hurts bec. bestfriend ko sya… at ok pa kami sa huling pgkikita before sa flight na to work.. pero bigla lng nagbago yung ayaw na nya magcommunicate ba.. at di n ngreply sa chat ko hanggang sa totally block na ako… ang sakit ng walang paliwanag… ng di ko alam bakit

      Liked by 1 person

    4. Di naman tayo masasaktan kung hindi sila mahalaga sa atin… Pero yun nga, baka nahirapan sa setup… O baka yun yung mas madali para sa kanya para maka-adapt sa mga pagbabago… O kung anuman ang reason nya, hayaan mo na lang… Magpakabusy ka din, wala naman tayong control over them… Ang may control tayo ay sa mga sarili lang natin, sa emotions natin, sa puso natin… Pakatatag.

      Like

    1. Sobrang special kse ng bestfriend… Sila yung may kabisado sa atin, sila yung alam ang details ng buhay natin, human diary nga minsan di ba? Pero ‘yun nga, lahat nagbabago… Kahit tayo.

      Like

  4. E pano naman ako. Nakipaghiwalay na ako ayaw nya 5x . Tapos nun nabrgy. Kami.nagkabukuhan.Inamin nia may relasyun kami pero matagal na kami hiwalay tapos nun di na kami nag usap.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: