Galit na galit ang nanay ko nung umuwi ako na putikan ngayong umaga. Matagal-tagal na din akong ‘di nakakaranas ng sermon, kaya medyo naninibago ako. Ang tanda ko na k’se para sermonan. Pero naisip ko, kasalanan ko naman.
Umaga na k’se ako umuwi.
‘Yung itsura ko pa, mukhang naghabol ng biik sa putikan.
Tinanong ako kung saan ba ako galing at bakit sobrang putik ko. Nagpakalasing daw ba ako at ‘di ko na namalayang nakatulog ako sa kalsada? O napagtripan daw ba ako? Naholdup at tinapon sa liblib na lugar?
Ayoko magsalita. Wala din naman akong masabi. Ang bilis k’se ng pangyayari, ‘di ko na namalayan. Ang gusto ko na lang, makapagpalit na ng damit. Makahiga. At makita kung nagreply ka na.
_______________________________
Medyo mahaba lang at nakakapagod ‘yung araw kaya naisipan kong lumabas. Inenjoy ko ‘yung buwan.
Para mahimasmasan naman ako sa galit ko sa mga Joey sa mundo.
Buti na lang full moon. Kahit paano pinagaan ng buwan ang kalooban ko.
___________________
Buong gabing type-backspace ang ginawa ko.
Kumusta ang gravitational pull sa’yo ng full moon?
Apat na oras kong pinag-isipan ang linyang ‘yan. Hahahahaha. Kung ako nagsasawa na sa kumusta ko, ano ka pa kaya ‘di ba? Kaya yan, pinag-isipan ko pa talaga…

Malapit nang mag-alas tres ng madaling araw pero parang ayoko pa umuwi. Nasarapan na ako sa pwesto ko sa labas ng 711, uminom ng giant Slurpee, magbackread ng mga blog at makibasa ng usapan sa FB Group na The Fault in Our Blogs.
Hanggang nalobat na ako.
Naisipan ko nang umuwi.
Naisip kong lakarin ang kalsadang pauwi sa amin. Medyo malayo pero naisip ko, magpapakapagod na lang ako sa paglalakad para makatulog na ako agad pagdating ko sa bahay.
_______________________
‘Di ko na namalayan kung anong nangyari.
Nablangko na lang ako. At nakita ko na lang ang sarili kong basang-basa at puno ng putik.
Nakatayo pa din naman ako.
Hindi katulad ng mga nakita ko sa likuran ko.
Hindi ko alam pero pinili ko na lang na tumuloy na lang maglakad.
___________________________
Pagkatapos kong magcharge at magcheck kung nagreply ka na, maligo at makapagpalit ng damit, nahiga na ako at nagbackread uli ng mga blog.
Ilang oras pa nakita ko na lang ang sarili kong tumatawa sa mga nababasa ko.
May sapak na nga ‘ata talaga ako sa ulo.
____________________________
Sa pang-ilang pagkakataon, buhay pa din ako.
Ako na ang pusa.
_____________________________
Ako na ang pusang nakalagpas sa tangke ng tubig na biglang sumabog.
Ang tanong.. nagpakalasing ka nga ba at natulog sa karsada? Hahaha
LikeLike
Sumabog ung tangke ng tubig, nasa news, siguro kung bumagal pa ako ng konti ng lakad, pinaglalamayan na ako…
LikeLike
Wait, seryoso Kuya?!?! Sorry di kasi ako nanonood balita HUHU okay ka lang????
LikeLike
Oo seryoso, di ko na lang sineseryoso, nakakataas lang ng balahibo pag iniisip ko uli… Oki lang yun, di kailangang magsorry, yung nanay ko nga sinermonan ako ng todong todo…
Okay lang ako, napaligaya ako sa pagbabackread ng blog ni Space, nakalimutan ko na agad yung nangyari, at naging busy ako sa pagsubaybay sa KyxAilaserye… ☺
LikeLiked by 3 people
Dapat sa’yo ‘yung sunod na serye kuya pagkatapos ng kay Ate Aila para may sinusubaybayan palagi sa WP! Hahaha
LikeLiked by 1 person
Hahahahaha, mahirap tapatan yung mga banat ni Kyx at yung tengene feels ni Aila…
LikeLiked by 2 people
huy grabe nakita ko yung news ng sabugan! May sa-pusa ka nga daming lives hahahaha! Waaaa ung blog ko talaga pang tanggal ng lumbay hahahaha! Yung kay Aila my labs pang tanggal antok hahahaha!
LikeLiked by 3 people
Kinakabahan na nga ako kung ilang lifeline na nagamit ko…
Hahahaha, oo pangtanggal lumbay! Laging happy lang sa blog mo…☺ lalo na yung coupon sa salon! Floodlikes nga ako nung umagang yun…
LikeLiked by 4 people
Di ba 9 naman un.. so may 8.5 ka pa hahahaha! Yung coupon na blog talaga ang pinaka mabilis kong nasulat dire-diretso sa sobrang inis ko sa sarili ko diretsong publish talaga un ahahahhaha! Bumaha nga ng likes kotang kota nun ahhahaha!
LikeLiked by 2 people
Madami na akong nagamit na lifeline, pinipilit ko nga alalahanin baka paubos life credits ko😂
Panalo talaga yung coupon na ‘yun, napaconvert pa ako kung nakamagkano ka😂😂😂 ‘Yung buhok ko nga masama pa loob ko na ginastusan ko ng 50dirhams… Tapos sa’yo $419.44 vs. $150 na budget?! Mga 30 minutes yung tawa ko!😂
LikeLiked by 2 people
Hindi yan madami dami pa yang lifeline may call a friend pa hahahaha! Ayoko nga mag convert nung time na yun kasi nakakaiyak, tapos kinabukasan yung isang friend ko nagparebond din sa ibang salon $180 lang daw naku naiyak talaga ako hahahaha! Sana di ka napagkamalang baliw sa kakatawa mo ng 30 minutes ahahahhaa!!!
LikeLiked by 1 person
Ya, shocks. Napanuod ko ung balita na yun ah. Hala. Wag po kasing magpa-umaga ng uwi. HAha. Na-nermon daw ba.
LikeLike
‘Di maiwasan ang pag-uwi ng umaga, sadyang kumakapit na lang kay Bathala..
LikeLike
Lasing lang ako sa slurpee…
LikeLiked by 1 person
Ang mahal naman ng 50dirhams. Ano ba ginawa mo? nagpakulay?
LikeLike
Gupit lang yun at shampoo😂… Nagtip pa ako ng 10dirhams, kabayan kse, dapat pala dumayo na lang ako ng al rigga o satwa… Pero pumogi naman ako after ko gupitan, pagkaligo ko, panget na uli😂
LikeLike
Hahahahaha saang lupalop ka ba nagpashampoo at sobrang mahal? Hahahaha
LikeLike
Sa Dubai Marina… Sumubok lang ako ng sutyal na barbero😂 Lagi lang talaga ako dun sa tig10 dirhams na may libreng paglagatok ng ulo, kaso laging schoolboy ang gupit ko kaya sumubok ako sa iba, nagbakasakaling gagwapo pa😂😂😂
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHA ang tutyal sa Dubai Marina nagpagupit haha kaya pala ginto. Sa Karama ka dapat nagpunta, maraming nagpapalagatok dun hahaha
LikeLiked by 1 person
Aya! Wala na? Naghahanap ako ng Next Post, tapos na pala. Haha. Ibig sabihin natapos ko na? Hindi na ako male-late sa mga updates. Waaahhhh. Am so happy.
Ay mali, letters to forever nga pala ‘to. Haha. Peace po. ✌️✌️✌️ Kelan po ung kasunod na blog post.?
LikeLiked by 1 person
Congratulations! Ikaw na ang matyagang nagbasa… Hahahahaha
Malapit na ‘yung susunod… 😊
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on P.S.A..
LikeLiked by 1 person
HOMAYGAHD ANONG NANGYAREEEEE BAT SUMABOG ANG TANGKE NG TUBIG???????????????????!!!!!!!!!!!!!!!!! DI AKO MAKAGET OVER!
LikeLiked by 1 person
Nagiimbistiga pa sila… Babalitaan kita pag may update na.. Hahahahahaha
LikeLiked by 1 person
hahahahahahahaha kainis ka! hahahaha shet buti oks ka lang!! 😀
LikeLiked by 1 person
Hahahahahaha, pusa talaga eh…
LikeLike
tengene kuya Ely ano naaaaa!!!!! di ko kinaya yung sumabog na tangke adkaksldja dafuq.
anyway, ang galing galing mo magsulat, nasabi ko na ba yun? hahaha kasi pukaw na pukaw yung damdamin ko kahit simple lang yung nangyayari, parang f na f ko yung mga ganap eh. shet ako yata yung may sapak sa utak eh HAHAHAH
LikeLiked by 1 person
Nagkakaintindihan lang tayong may mga sapak! Hahahaha… Pukaw na pukaw din ang damdamin ko ng Kyxailaserye,ako ang presidente ng fans club!
LikeLiked by 1 person
Gusto ko yang suporta mong yan eh hahahah nasa season 4 na tayo at patuloy mo pa rin akong sinusuportahan! haahhahaha 😀 😀 😀
LikeLiked by 1 person
Masamang masama loob ko nung nahuli akong magbasa dun sa huling episode, pasaway kse si Reader, di agad pinakita sa akin…
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHAHAHAH okay lang yan mamaya may marathon! HAHAHA
LikeLiked by 1 person
Parang trip ko ang analogy at lalim ng hugot nito. Ako ang pusa. 👌👌👌
LikeLiked by 1 person
Ibang klase…
LikeLiked by 2 people