287 of 365

ang aking imaginary girlfriend sulat para kay elsie

Paano ba kita mamahalin?

Sa pang-ilang beses sa pang-ilang araw kong pagtatype at pagbabackspace, ‘yan ang gusto kong itanong sa’yo.

Paano ba kita mamahalin?

Paano ba kita tamang mamahalin?

Sapat na ba ang good morning, good night at ingat sa araw-araw sa Whatsapp? Sapat na ba ang mga sulat? Sapat na bang mag-intay lang ako? Sapat na bang alam mong mahal kita? Sapat na bang… mahal kita?

_______________________________________________

Panglimang araw ko na ng training sa bago kong trabaho. Ayos naman ang mga ka-wave ko. Siguro number 2 ako sa listahan ng noisy. Oo, ang ingay ko, naninibago nga ako na sobrang kulit ko.  ‘Di ko alam kung nasabik ang natatago-kong-kakulitan na makalabas ng lungga o sadyang paraan ko lang ‘yun para gisingin ang sarili ko at ‘di sumunod sa liwanag.

Panglimang araw pa lang namin pero ilan na din ang nakapag-open up about sa mga buhay buhay nila, kung paano nagsimula ang mga relasyon at kung paano din nagtapos.

Sa pakikinig sa mga kwento nila, naisip kong ang hirap palang magmahal ng sapat… ‘yung ‘di kulang, hindi rin sobra. ‘Di ko alam kung ang problema ba ay d’un sa nagmamahal o sa tumatanggap ng pagmamahal. Kung paano nasusukat ang pagmamahal… ‘di ko din alam. Ewan ko, narealize ko na  lang, sobra palang kumplikado, kung paanong ang pagmamahal na alam mo ay hindi  pala pagmamahal para sa taong tumatanggap nito. 

Sabi ni Ecka, pag mahal mo, ipaglaban mo. Sabi naman ni Jaymie, pag mahal mo, palayain mo. Kung iba kaya ang mga naging choices nila, may magbabago kaya? Maiiba kaya ang kwento nila? Hindi na kaya sila iiwan ng mga taong mahal nila?

_______________________________________________

Paano ba kita mamahalin?

Ilang beses ko nang gustong itanong sa’yo. Pero alam ko namang ‘di mo sasagutin. Siguro iniisip mo, bakit kailangan ko pang tanungin? Bakit ‘di ko na lang gawin?

Siguro dahil natatakot akong magkulang o sumobra.

Natatakot akong baka ang alam kong pagmamahal ay pagmamahal na ‘di mo pala ramdam.

Natatakot akong baka ang alam kong pagmamahal ay ‘di pala pagmamahal para sa’yo.

______________________________________________

Paano ba kita mamahalin?

Ang meron lang ako ay pagmamahal sa’yo na walang deadline, walang expiration date at walang expectation.

Okay na ba ‘yun?

Advertisements

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

65 thoughts on “287 of 365”

  1. Awwww, tagos na puso. 💘💘💘

    Actually, nalilito po ako dun sa sinasabi nilang “Pag mahal mo, ipaglaban mo.” “Pag mahal mo, palayain mo.” Para ding “Mahal Ko o Mahal Ako.” Ang gulo po noh. Ang gulo ng pag-ibig. Pero kahit na magulo, pinipili pa rin nating magmahal, sobra man o kulang, tama man o hindi. Siguro wag na lang po natin sukatin o computin. Para hindi na lang tayo mag-e-expect ng kapalit o sukli.

    Aiysssshhhh. Ang haba ng comment. 😂😂😂😁😁😁

    Liked by 1 person

  2. Di pala ako nakapagcomment dito huhuhuhu naiinis na ako sayo Kuya Blue 😥 HAHAHA laging okay okay tayo sa umpisa tapos sa bandang dulo may twist nanaman ng kurot sa puso eh.
    ATE ELSIE PLEASE NAMAN OH HUHUHU ahhaahhaah ❤

    Liked by 1 person

  3. Walang maling pagmamahal sa taong may pakiramdam, at lalong walang tamang pagmamahal sa taong ayaw. <agmahal ka ng naaayon sa iyong kagustuhan, hindi dahil sa kung ano ang depinisyon nya 🙂 Mas masarap kapag sa puso nagmumula 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s