274 of 365

Ilang araw ko nang gustong sumulat sa’yo ng love letter. ‘Yung love letter talaga, ‘yung sulat na pagmamahal ko ang mararamdaman mo, ‘yung ‘di ka malulungkot, ‘yung ‘di ka mapepressure, ‘yung ‘di ka mauumay.

‘Di ko na maalala kung kelan nagsimulang naging malungkot ang dapat sanang sulat ng nag-uumapaw na pag-ibig ko sa’yo.

Ang naaalala ko, minsan sumulat ako na masama ang loob ko sa’yo. Sinulat ko lahat ng masakit na ginawa mo.

Pero minsan lang ‘yun at ‘di na nasundan.

Alam ko naman k’se na kasalanan ko naman. Alam ko naman na ako lang talaga ang numero unong assumero. ‘Di mo naman kasalanan kung ‘di mo ako mahal o ‘di mo ako kayang mahalin. ‘Di mo naman talaga ako sinaktan. Wala ka namang ginawang masakit.

Sadyang sinasaktan ko lang ang sarili ko.

O sadyang pinaparusahan ko lang ang sarili ko sa mga bagay na pinili ko dati.

 

Bakit ba hindi ko na lang agad sinabi sa’yo?

O bakit ba hindi ko nagawang umiwas na lang sa’yo?

Bakit ba sinubukan ko pang maging masaya kahit alam ko namang magiging malungkot din ang kwento?

Bakit ba hinawakan ko pa ng mahigpit ang kamay mo kung bibitawan ko din naman sa dulo?

At bakit ba pinapunta pa kita kung ‘di ko naman pala kayang magpakita?

 

Nakilala mo ako sa pinakamadilim na tagpo ng buhay ko. Nung mga panahon na ‘yun, handa na akong iwanan lahat. Handa na akong mag-sign off kay Life. Alam kong hindi ako kasing galing ni Juan Pujol Garcia kaya hinanda ko na ang sarili ko. Either mamatay ako o mamatay ako.

Then you held my hand and filled those empty spaces between my fingers. 

Oo, ang babaw. Siguro nga ang babaw. 

Never mo siguro maiintindihan.

______________________________

Siguro dadating din ‘yung oras na kaya ko nang isulat sa’yo ang istorya ng pinakamadilim na tagpo na ‘yun. Siguro ‘pag naisulat ko na, maiintindihan mo na kung ano ang pinaghuhugutan ko. Siguro ‘pag naisulat ko na, maiintindihan mo na kung bakit mahal pa din kita. 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

19 thoughts on “274 of 365”

  1. You’re poignant lines are beautifully penned.
    Hello po sir blue😅 sorry di ko na po naipag paalam sayo, You were the inspiration po pala sa last poem ko.. 😅
    Continue to spread the love po!😅😊

    Liked by 2 people

  2. Nakakagigil ang sarap isubmit sa mahiwagang burnay ng 90.7 love radio hahaha para damay damay na yung naguumapaw n pagibig huhuhuhu kuya bakit kahit ang sheket sheket ang ganda pa rin huhu. Hay buhay.

    Liked by 3 people

  3. Unang post mo na nabasa ko (Tinadtad mo ako ng notifs eh hahahaha) Existing pala talaga sa mundo si ate gurl. Akala ko literal na “imaginary” talaga. Dun ako na curious. Hahahaha! Basahin ko muna yung iba 😊

    Liked by 2 people

    1. Nahihiwagaan ako sayo sa totoo lang. hahahaha kasi kanina ka pa nag lalike ng comment ko sa ibang blog post. LOL hiiiiii! 😊

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: