204 of 365

Siguro iniisip mo, wala lang ako magawa kaya lagi akong nagsusulat sa’yo. Iniisip mo sigurong napakadami kong free time para sa mga bagay na gan’to. 

Siguro sadyang marami lang talaga akong oras para sa’yo. Kahit walang oras, gagawa ako ng oras para sa’yo. Me-time ko na ‘to. Sa mahabang oras ng pagpapadugo ng utak at mata, ‘to na ‘yung pinakapayapang himlayan ko, ang kausapin ka dito.

Creepy na ba?

Hahahaha. Medyo nabawasan na nga ‘di ba? ‘Di na ako yung katulad ng dati na buong magdamag mag-aabang sa tapat ng.. ano na nga bang building yun? Cyber One? Hahahaha. ‘Di na din ako nagpapasabog ng inbox. ‘Di ko na nililibot ang Pag-asa na naghahanap ng titilaok na tandang. 

Ang tandang.. bow. Naalala ko nun binigay mo ang address mo sa akin dati. Pero ewan ko ba bakit yung tandang ang hinahanap ko. Sadyang malaki lang ang epekto ng dating training na kahit nakapikit gusto kong patunayang kaya kong hanapin ang bahay mo. Hahahahaha. Sa panahong ‘di pa uso ang google map at gps, ang tandang ang nagsilbing locator ko… 

Siguro kung ginamit ko ang mga training ko dati, mahahanap ko din ang building nyo dyan. Sa panahon ngayong may satellite images na ang bawat bubong at kanto. Sisiw na lang ang maghanap. 

Pero ‘di ko ginawa. 

Ayoko namang magpakita sa’yo sa panahong ayaw mo naman ako makita. Siguro nga kaya ‘di ko din pinush ang lugaw session nung nagbakasyon ka, kse ayoko namang pilitin kang magpakita sa akin kung wala ka naman talagang planong magpakita.

Madami naman dapat gawin. Sa mga oras na ‘to dapat matulog na ‘ko para makabawi sa mga puyat sa trabaho. Imaginary lang ang sinasabing free time sa schedule ko. Pero sadyang ako lang naman ang magpapasya sa kung paano ko uubusin ang mga natitirang sandali at kung paano ko uumpisahan ang susunod na araw… 

Oo, marami akong oras para sa’yo. Magsulat sa’yo. Kumanta at maggitara para sa’yo. Kahit ‘di mo naririnig. Magnakaw ng ilang moment sa pagtitig sa’yo. Sa blankong image mo sa whatsapp. At ‘di mabilang na mga minuto ng pag-iisip sa’yo. 

Kailan ba ako mapapagod?

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: