Dahil sa isang bagong site na idedevelop namin napilitan akong manood ng radyo. Oo, manood. Pinanood ko, hindi lang pinakinggan. Love Radio. Live video sa Love Radio app. Sina Lloyd Cadena at Kara Karinyosa ang mga DJ. Si Mon ang caller. Sabi nya pakitawagan daw si Ex nya, si Sam. Ininterview sya kung bakit sila naghiwalay. Sabi nya third party. May nakarating na picture sa kanya, may ibang guy na nakahalik sa ex nya. Dineny naman ni ex. Hanggang nagdecide na lang sila na siguro kailangan nila ng space.
To the rescue ang dalawang DJ at tinawagan si ex. Bungad pa lang, galit na si ex. At sinabing pwede bang kausapin na lang nya si Mon. Kinausap nya at nasa tono nyang sobrang galit s’ya. Nag-usap na tayo di ba? Ibblock na talaga kita. Di naman daw makakatulong ang ginagawa ng mga kaibigan nya. They’re annoying.
Sabay baba ng phone.
Dahil sa ‘annoying’ word, tumawag uli ang mga DJ. Annoying pala ha.
Mabait naman si ex, sinagot pa uli. Sinabi nyang ayaw nya lang kseng may nakikielam na ibang tao. Di nga man lang nya alam kung sino ang kausap nya. May nagtatawanan pa, sino ba naman ang matutuwa.
Bumaha ng comments. Bakit daw si ex pa ang galit, eh sya naman ang may kasalanan. Sabi naman ni Mon, baka nakukulitan na k’se. Sabi naman ng dalawang DJ baka naman merong ‘di kinwento ‘tong si Mon kaya wala silang kamalay-malay kung ano ang pinaghuhugutan ng galit ni ex. Baka nakukulitan na. Yun lang ang laging linya ni Mon.
Sobra yung tawa ko dun sa conversation. Nakakatawa kse sobrang galit nya na may tumatawag sa kanya at nakikisawsaw sa anumang problema meron sila, ‘di nya alam, nasa radyo sya, ilang libong tao ang nakikinig sa kanya at ilan na yung humuhusga sa kanya sa moment na ‘yun. Nakakatawa pang parang basang sisiw ‘tong si Mon na okay lang ang kayang isagot.
Nakakatawa.
Hanggang bigla na lang, nakakalungkot na.
Nakakalungkot na may mga taong nagagalit dahil makulit ka na. Dahil mahal mo sila.
‘Di ako magaling sa break-ups. Siguro sa break downs ako magaling. Iniiwasan kong makipagbreak. Nawawala na lang ako, sila na lang ang bahala magtapos. Siguro dahil ayoko nung mag-uusap na magbebreak tapos magbabalikan. Magkakasakitan uli. Magbebreak nanaman. Mawawala na lang ako, at syempre, mahihiya na akong bumalik. Hahahaha. Nung minsan may nakipag-break sa akin, ‘di ko na nilingon pabalik. Parang wala lang nangyari. Same old life. Minus her in the background.
Nakakatawang andali kong magmove-on sa kanila.
Samantalang sa’yo, wala namang naging tayo. Pero ‘eto pa din ako.
Naalala ko pa dati nung nagbreak kami nung ex ko na ikaw pa ang sinulatan ko imbes na ex ko. Sa’yo pa ako nagdrama. Yung tungkol pa sa atin ang iniiyakan ko.
Habang pinakikinggan ko yung ex ng caller kanina, naisip ko sobrang pathetic na ba ng kulit nitong si caller para mainis at magalit sa kanya ng sobra si ex nya.
Naisip ko, ganun na din ba ako?
Aabot din ba ako sa point na sasampal na sa akin yung galit o inis mo sa kakulitan ko?
___________________________
Lesson learned: Huwag tatawag sa radyo para makausap ka… Okay na yung sulat. Okay na ung text. Wag lang tatawag. Period.
“Nakakalungkot na may mga taong nagagalit dahil makulit ka na. Dahil mahal mo sila. ”
Naluha luha ako ng slight dito huhuhu <//3
LikeLike
Papa-sponsor tayo madaming tissue…
LikeLiked by 1 person
Mahirap mag-move on lalo na kung hindi naman naging kayo. Ganyan ang peg. Kaya wag na tayong mag-move on. Para hindi na mahirapan. Haha. 😂😂😂
LikeLiked by 1 person
Hahaha oo nga…
LikeLiked by 1 person