198 of 365

Medyo busy ang araw na ‘to… Kinulit ako ng barkada ko para mag-volunteer para sa isang Art Workshop at pumayag naman ako. Pumayag akong magluto. Oo, magluto. Dati ay nasa mga workshop ako para magturo pero ngayon ay sabi ko mukhang pagluluto lang ang maitutulong ko. Okay na rin kaysa wala akong maitulong.

Sadyang kinakalawang na ako at dekada na ang lumipas mula nung huli kong facilitate ng workshop. Ska madami nang magagaling ngayon na may formal studies sa arts. Di katulad ko na sadyang natuto lang sa sariling sikap, at napilitan lang magfacilitate dahil sa pangangailangan nung aktibista days. Okay na akong makatulong sa kanila sa paraan na masiguradong may ilalaman sa kanilang mga tyan. Kahit dun man lang ay may maiambag ako.

Maaga naman akong natapos sa paghanda ng pagkain kaya naisipan kong makisit-in sa mga nagwoworkshop. Medyo ‘di na rin kse ako humahawak ng lapis at papel. Kaya ayun nakisali sa activity. Kumuha lang daw ng picture sa cellphone na gusto idrawing at lagyan ng grid lines para reference. Sa papel na pagdodrawingan, lagyan din ng grid lines at simulan na ang pagdrawing. Medyo mahirap kse antagal ko nang ‘di nagdodrawing. Ska medyo mabilisan pa dahil ‘di naman pwedeng buong araw ay isang activity lang ang magawa. Isa’t kalahating oras, pasahan na. Hahaha. Ayan ang resulta. Wag ka na magalit. Sadyang feelingerong artist lang talaga ako. Sadyang wala lang talagang picture sa phone ko kundi yang isang picture mo kaya patawarin mo na. Sabi naman ng facilitator ay kailangan talaga ng madaming practice para mag-improve. Wag ka na magalit. Sa susunod gagandahan ko na. 

Nakakapagod ang araw pero enjoy naman. Tinapos namin ang workshop sa tugtugan session at pag-inom ng orange juice. Nakakatuwa lang makipag-jamming uli, mag-ukulele, kumanta, at sumayaw na akala mo lang lasing. 

Minsan, o madalas, iniisip kong sana kasama kita sa mga moment na ganun. Wala lang, chill chill lang. Masasakyan mo kaya ang mga trip ko? Maeenjoy mo kaya yung mga ginagawa ko?

‘Pag sinasabi mong bored ka, madalas gusto kong sabihin: para ‘di ka mabored gawin natin ‘tong bagay na ‘to, yung bagay na ‘yun… Pero ‘di ko naman kailanman nasabi. Alam ko naman na ‘di naman dahil naeenjoy ko eh maeenjoy mo na. ‘Di naman dahil ‘di ako nabobore sa paggawa ng isang bagay, ‘di ka na din mabobored kung gagawin mo ‘yun. 

Siguro nga, kaya ‘di ko din ma-push ang mga bagay sa ating dalawa, natatakot akong ma-bored ka. 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: