193 of 365

Gusto ko sana magmessage sa’yo sa Whatsapp at itanong kung busy ka ba. Kaso naisip ko, ano ang gagawin ko kung oo ang sagot mo. Nakakahiya naman kung ipagpapatuloy ko pa din ang pagsend ng mga susunod pang message kung alam ko nang busy ka. Nagtanong pa ako eh iistorbohin din naman pala kita. Pero paano naman kung hindi ang sagot mo. Sayang naman ang pagkakataon. Kaso di naman dahil hindi ka busy eh pwede na akong mang-istorbo. 
Magulo. Kaya dapat ibahin ko na lang ang sasabihin ko.

Masyado nang luma ang kumusta. Naiistock tayo sa maayos at mabuti.

Masyado namang late para sa kumain ka na ba.

Hindi naman uso sa akin ang hi at what’s up.

Magpapadala na lang ba ako ng quote, madramang linya, hugot… (Masyadong creepy, triple X ‘to…)

Hanggang bumagsak na lang sa laging option: wag na lang magmessage.

Ayun. Gusto ko lang naman ng kausap. (Lagi naman.) O mas tamang sabihing: Gusto lang naman kita makausap. Wala lang. Wala namang mabigat na rason. Sadyang gusto lang kita makausap. Malaman yung araw mo, malaman mo yung araw ko. Tamang kwento lang. Kahit anong topic under nagbabagang araw… 

Pero sadyang binago na yung panahon ng mga kwentong-wala-lang-basta-may-mapagkwentuhan-lang.

Mahirap ang timing. Mahirap mag-umpisa. Mahirap mag-sustain.

Kaya nga siguro, minahal ko na ang pagsusulat sa’yo dito. ‘Di na kailangan ng reply, comment o like. Walang pag-iintay. ‘Di kailangang umasa. 

(Ang mga naka-sulat sa taas ay Intro pa lang, wala pa talaga ako sa gusto kong sabihin sa’yo. Hahahaha.)

Pero sige na nga, masyado nang mahaba at boring na basahin ‘to. Kaya sa susunod na lang yung kwento.


Kung boring na ang araw mo, iwasan mong makabasa ng boring na bagay tulad nito. Iwasan mo din ang mga boring na tao na nagsusulat ng mga boring na sulat tulad nito. Wala namang bago. Paulit-ulit lang ang kwento. Sasabihin lang lagi sa’yo, mahal kita. ‘Di man lang ginawang english at sabihing I love you.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

One thought on “193 of 365”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: