Ikaw ay isang wala lang

ang aking imaginary girlfriend ikaw ay isang wala lang

Nahihirapan na akong magsulat para sa’yo.

Ang hirap na lumabas ng mga salita.

Siguro nga, ngayon, masasabi ko nang ikaw ay isang wala lang.

================================================================

Ang dami kong naiisip isulat.

Pero natapos na ang June na wala, ni isa, akong naisulat.

Naisip kong isulat ang summary ng tinakbo ng kalahati ng taon. Naisip kong isulat ang ‘di ko pa din naisusulat na byahe ko sa Dumaguete, Masbate at Leyte. Naisip ko isulat ang mga kwento ng mga taong imaginary na nag-exist at mga taong nag-exist pero nagingย  imaginary. Naisip kong magsulat para sa future boyfriend at sa future husband mo, at maging sa magiging future mother-in-law mo. Naisip kong isulat ang mga plano ko sa mga natitirang buwan ng taon at mga buwan sa susunod na taon.

Ang dami kong naiisip isulat.

Pero wala akong naisulat.

Alam mong gustong-gusto kong sumulat sa’yo. Alam mong gustong-gusto kong magkwento sa’yo. Alam mong gustong-gusto kong sabihin sa’yo ang nilalaman ng isip at ng puso ko. Alam mong ikaw, higit kaninuman, ang gusto kong makaalam ng mga kwento ko. At alam mong ikaw, higit kaninuman, ang laman ng mga kwento ko.

Ikaw at ang pag-ibig ko sa’yo.

Naisip ko tuloy kung paanong noon ay automatic na ang mga salita, at ang mga kwento. Kung paanong sa simpleng kumusta at kumain ka na ba ay mapupunta sa pagbubukas ng mga tago nating mundo sa isa’t isa.

Ang daling magsulat noon.

Hindi katulad ngayon.

(Lumipas ang limang oras, nakatulog na ako, at tulad ng inaasahan ko, hindi magkukusang ma-type ang mga salitang nasa utak ko.)

Maraming nagbago sa loob ng anim na buwan na lumipas. At alam kong marami pang magbabago sa parating na mga buwan. Sana maisulat ko na ang mga nasa isip ko habang pwede ko pa silang isulat para sa’yo… hanggang kaya ko pa silang isulat para sa’yo.

================================================================

At kung wala ka nang mabasang sulat, tandaan mong:

Hindi ako huminto sa pagmamahal sa’yo.

Huminto lang akong ipadama sa’yo.

At ikaw ay isang “wala lang”.

ang aking imaginary girlfriend

Tandaan mo laging ikaw ang aking “wala lang”.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

15 thoughts on “Ikaw ay isang wala lang”

  1. gusto ko po sabihin na masaya ako na siya ay isang “wala lang” ahahaha naisip ko ‘yes about time po to let go (naks lol) pero ang lungkot din ng “Hindi ako huminto sa pagmamahal saโ€™yo. Huminto lang akong ipadama saโ€™yo” aigo tapos ngayon tawang tawa ulit ako dahil kay Goblin at Grim Reaper AHAHAHAHAHAHA (me and my mood swings oof)

    Liked by 1 person

    1. Hahahahahaha si Goblin at Grim Reaper talaga ang nagdala eh hahahahaha… At oo nga pala, ‘di pa natutuloy ang pagkakape natin, kulayan na natin minsan ang mga drawing natin! ๐Ÿ˜‚

      Liked by 1 person

  2. “Alam mong gustong-gusto kong sumulat saโ€™yo. Alam mong gustong-gusto kong magkwento saโ€™yo. Alam mong gustong-gusto kong sabihin saโ€™yo ang nilalaman ng isip at ng puso ko. Alam mong ikaw, higit kaninuman, ang gusto kong makaalam ng mga kwento ko. At alam mong ikaw, higit kaninuman, ang laman ng mga kwento ko.
    Ikaw at ang pag-ibig ko saโ€™yo.”

    Grabe ‘tong part na ‘to. Pero ‘yon nga. Akala ko din last mo na ‘yong sulat mo sa kanya ‘nong nakaraan. Hehe.

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: