Second choice na title: Hindi kita mahal

Hindi kita mahal.

Kapag sinabi ko sa’yong hindi kita mahal sana maniwala ka. Sana maniwala kang walang hatid na saya sa puso ang makita ka. Walang kilig, at walang pagtigil ng mundo na moment.

Hindi kita mahal.

Gusto kong malaman mong walang naging thought sa utak ko na attracted ako sa’yo… Never kong naisip na may nararamdaman ako. Even once ‘di ako naging aware na may gusto ako sa’yo. At even once, hindi ko kinonsider bilang “special” o “iba sa lahat” ang pagtingin ko.

Hindi nag-exist ‘yun. Walang “special ka”. Walang “iba ka sa lahat”.

Hindi kita minahal.

Hindi kita minamahal.

At hindi kita mamahalin.

At masaya akong hindi kita mahal.

Masaya akong hindi kita mahal dahil hindi ko kailangang matakot na makita kang may ibang kahawak ang kamay.

Masaya akong hindi kita mahal dahil hindi ko kailangang matakot na masasaktan mo ako kahit ayaw mo.

Hindi kita mahal.

Lagi mong tatandaan, hindi kita mahal.

(Oo nga pala, gusto mo bang malaman ang una kong naisip na pamagat nito?

Ang unang naisip kong title para dito ay:

Kung paanong sa hindi ko pagmamahal sa’yo maramdaman mong mahal kita.)

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

13 thoughts on “Second choice na title: Hindi kita mahal”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s