24 days

ang aking imaginary girlfriend

24 days. 24 days kong pinigil ang sarili kong magsulat para sa’yo. 24 days kong pinigil ang sarili kong isipin ka at lahat ng mga sinabi mo.

24 days…

Sinabi mong ‘wag na akong magsusulat sa’yo. Sinabi mong tigilan ko na. Sinabi mong ‘di na ako nakakatuwa. Sinabi mong tanggapin ko na sa sarili ko na walang pag-asa na magugustuhan mo ako. At sinabi mong ‘wag na akong magreply sa una’t huling sulat mo.

Hindi ko sinunod ang sinabi mong ‘wag ko na yun basahin ng paulit-ulit. Binasa ko pa din ng apat na beses.

Hindi ko sinunod ang sinabi mong ‘wag na akong magbasa “between the lines”.Β  Sa pagitan ng mga linya, ng mga salita at tuldok hinanap ko ang rason kung bakit n’un mo lang sinabi.

Bakit hinayaan mong dumating ka pa sa puntong galit ka na sa akin?

Bakit hinayaan mo pang dumating ka pa sa puntong natatakot ka na sa akin?

Sana sinabi mo na lang agad..

Bakit ‘di mo ba nasabi agad?

Sana sinabi mo na lang agad.

 

At hindi ko sinunod ang ‘wag akong magreply.

 

Hindi ko kayang tapusin ang kabanata mo ng walang reply.

 

Una sa lahat, sorry. Sorry na nagreply pa ako. Sorry na sa huling pagkakataon maramdaman mo nanamang binablackmail kita emotionally. Binablackmail kita emotionally. Sa lahat siguro ng mga salitang sinulat mo, ito ang pinakatumatak sa isip at puso ko. Na binablackmail kita emotionally. Na naging kwestyunable lahat ng ginawa kong sulat. Na naging kwestyunable lahat ng nararamdaman ko. Tinanong ko ng maraming beses ang sarili ko. 24 days… 24 days kong iniisip kung pangbablackmail nga ba emotionally ang ginagawa kong pagsulat. 24 days…. iniisip kong nakakatakot na ba talaga ako… 24 days iniisip kong sobrang creepy na nga ba ng mga sulat ko. 24 days iniisip ko kung paanong ang pag-ibig ko ay naging takot para sa’yo.

Sumama ang loob ko.

Sa’yo at sa sarili ko.

Sumama ang loob ko sa’yo k’se of all the people, sa’yo ko natanggap ang mga salitang ‘yun. Of all the people, ikaw ang ‘di nakaintindi sa mga sulat ko. Of all the people, ikaw ang kumwestyon ng hangarin ng pagsusulat ko. Of all the people, bakit ikaw pa? Magkaibigan naman tayo ‘di ba? Kaya nating pag-usapan lahat ng bagay sa ilalim ng araw at buwan. Pero bakit ‘di mo agad sinabi? Alam mong sa kasaysayan ay kaya kong mag-intay ng 17 years. Alam mong kaya kong magtext ng walang katapusan kahit walang reply. Doon tayo nagkakilala. Doon mo ako nakilala. Nakilala mo ako sa mga sulat ko kay Elsie. At alam mong ang pagblock at ‘di pagrereply ay walang epekto sa puso kong matigas ang ulo.

Pero alam mo din sa kasaysayan ng lovelife ko, tumatanggap ako ng pagkatalo… may salitang move-on sa dictionary ko… alam mong madali akong kausap… alam mo ‘yung mga tagpo sa buhay ko na sinabi nila sa akin na ‘di na nila ako mahal, ‘di ko na kinailangang magbilang pa ng isa, dalawa, tatlo… alam mong ‘di na ako nagtanong, lumayo na lang ako.

Sumama ang loob ko sa sarili ko na naging kampante akong magshare ng buhay ko sa’yo.Β  Sumama ang loob ko sa sarili ko na inisip kong maiintindihan mo ang tulad kong “too much love at too much feels”. Sumama ang loob ko sa sarili ko na naniwala akong “too much love at too much feels” ako pero bakit sobrang manhid ko na umabot tayo sa ganito.

Sana maramdaman ng puso mo na sumusulat ako sa’yo sa isang dahilan at ‘yun ay dahil mahal kita.

Hindi ako sumusulat para mahalin mo ako. Lalong ‘di ako sumusulat para maawa ka sa akin.

Alam mong sa sulat lang kumpleto ang damdamin ko. Alam mong sa sulat lang kita pwedeng mahalin. Alam mong sa sulat ko lang kaya sabihin at ipadama sa’yo. Alam mo namang hanggang sulat lang ako. Hanggang sulat lang. Dahil alam mo naman na alam ko kung hanggang saan lang ako.

Alam ko kung hanggang saan lang ako.

Mamahalin kita. Magsusulat ako ng magsusulat.

Pero alam ko kung hanggang saan lang ako.

Sumama ang loob ko nung una pero alam mong naiintindihan kita. Sumusulat ako ngayon hindi dahil sa sama ng loob.

Alam mo naman ang rason ng pagsulat ko.

Alam mong sa sulat ko lang kaya sabihin at ipadama sa’yo. Na minahal kita. Na naiintindihan kita. Hindi ko na ipipilit pang maintindihan mo ako. Sapat na siguro sa aking malaman mo.

Salamat sa lahat.

Wag ka mag-alala, ito na ang huling sulat ko para sa’yo.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

14 thoughts on “24 days”

  1. this line “Hindi ako sumusulat para mahalin mo ako. Lalong β€˜di ako sumusulat para maawa ka sa akin.”

    bakit kaya noh.. pagnalaman nilang medyo fall kana sa kanila eh nagagalit sila sayo at nang iignore.. di naman ibig sabihin dapat suklian nila yon.. di nmn sila pipiliting magmahal rin pabalik.. diba pwedeng respetohin nila yung feelings ng tao.. di mapigilan ang mapamahal eh..

    Liked by 1 person

    1. Pero siguro yun na rin ang way nila para maglagay ng border line, may karapatan naman sila to build their walls, rerespetuhin na lang din natin yung feelings nila…
      Tatanggapin kong kahit ano pa man eh
      valid ang reason ng action nya… Initial feeling ko lang naman ang sulat na ‘to… Alam kong naiintindihan ko naman sya…

      Liked by 1 person

    2. i like this one “Pero siguro yun na rin ang way nila para maglagay ng border line, may karapatan naman sila to build their walls, rerespetuhin na lang din natin yung feelings nila…” at yung “Alam kong naiintindihan ko naman sya” ….. so meeee …. pero a part rin is mahirap tanggapin na ganon noh wala nalang kibuan.. di nga nagkakausap.. yung para nalang di magkakakilala..

      Liked by 2 people

    3. mas masakit parin yung umasa ka na magkaibigan parin kayo.. yung sya ang magsabi na sana walang magbago ha.. kaibigan parin tayo.. pero iya yung nagbago.. sya yung nakalimot sayo.. sya yung di na namamansin.. sa di maipaliwanag na dahilan

      Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: