Isang buwan na pala… Isang buwan na mula nung Cebu trip namin at ngayon ko lang naisipang magsulat. Hindi ko alam kung tamad lang ba ako magsulat o sadyang nagkasya na lang akong alalahanin sa utak ko ang mga pangyayari sa Cebu.
O nagkasya na lang ako sa araw-araw na pagtingin sa mga picture at araw-araw na panonood ng mga videos namin.
O siguro nahihirapan ako mag-isip ng mga tamang salita.
Laging may tanong kung sasapat ba ang mga pang-uri sa pagsasalarawan ng mga tao, lugar, pagkain, bagay-bagay, pangyayari, at ng mga damdamin.
Ng mga damdamin. ‘Yun siguro ang pinakamahirap isulat. Paano ko nga ba ilalagay sa papel ang nararamdaman ko sa mga panahon na’yun. Sasapat na ba ang salitang masaya?
Eh bakit parang ang lungkot ng intro ko sa isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa buhay ko?
(Pause. Buntong hininga.)
Bago ang Cebu trip ay nagdaan ako sa isang serye nang medyo dark moments. Ang pakiramdam ko ay binagsakan ako ng planetang Earth. Nag-resign ako sa work. Nag-decide akong umalis ng bahay. Nagdeactivate ako sa FB. Ayokong kumausap ng kahit sino.
Binalak ko nang magpakalayo-layo at bumili na ng lupa sa far away land.
Ilang beses, sa ilang araw, na nagtanong ako ng “Magkano n’yo po ibebenta sa akin ang kubo n’yo?” Na ilang beses ding sinagot lang ng tawa at pag-aya na ubusin na ang alak na laman ng baso.
Walang isip-isip na pagbyahe ang ginawa ko. Mula Manila ay bumyahe ako pa-Dumaguete. Na wala pa akong kalahating araw ay naisipan ko namang pumunta ng Masbate. Pagtapos ay bumyahe ng Leyte. Tumawid pa-Camotes at bumalik uli ng Leyte.
Pupunta pa ba ako ng Cebu?
Inisip ko nang ‘di tumuloy ng Cebu. Kakagaling ko lang ng Cebu nung January. Siguro maiintindihan na nila ‘yun. Siguro okay lang naman na wala ako, tatlo naman sila. Siguro malilimutan na din nilang nang-indian ako.
Pero ‘yun, ‘di rin naman kinaya ng kunsensya ko na manira ng trip ng dahil sa ‘di ko pagsipot. Pumunta pa rin ako.
Sa pagdating ko, sinalubong ako ng kasama ni Jas sa gate. Expected ko nang ‘di bababa si Jas. Sabi ko nga kahit ihagis na lang nya ang susi pababa, ako na lang ang aakyat. Pero in fairness, maganda ang nagsundo, alam ni Jas kung paano sisimulan ang araw ko.š
Pagdating ko ay tumabi na ako kay Jas na nakahiga pa din. Dama kong inaantok pa s’ya nang sinabi n’yang “Besh, payakap nga… Kumusta ka?”.
Buti na lang nakapikit pa s’ya. Kundi makikita n’ya ang ilang pirasong luhang gumulong mula sa mga mata ko sa sandaling ‘yun.
‘Di ko alam. Siguro sobrang dark lang ng mga nagdaang araw na naging emotional agad ako sa simpleng yakap na ‘yun. O siguro ‘yun lang naman talaga ang kailangan ko. Oo, siguro sasabihin mong sobrang babaw ko, pero siguro kung alam mo lang ‘yung ilang araw na pinagdaanan ko, ‘yung ilang araw na sa dami ng iniisip ko nagpapakalasing na lang ako sa alak para makatulog, siguro maiintindihan mo ‘yung mga luha ko.
Na sobrang lumiwanag ang mundo ko nung dumating na si Jeff at Rhea at nakumpleto na kaming apat…
—————————-
Hindi ako travel blogger. ‘Di ko mabibigay ang mga detalye ng trip namin sa Cebu. Tamad ako kumuha ng picture. ‘Di ko na rin matatandaan ang mga environmental fee, o kung anu pang ibang fee, pamasahe, o magkano ang pagkaing inorder namin.
Lagay lang ng puso ko ang kaya kong ikwento sa’yo. Kung gaano kapayapa ang kaloob-looban ko. Kung paanong sa simple naming pagkain ng spam and egg sa araw-araw, lumigaya ang puso ko. Kung paanong sa mga tawanan namin at kwentuhan, napahinga ang pagod na pagod ko nang isipan.
‘Di ko pa rin nakwento sa kanila kung ano ang nagpapagulo ng isip ko. Wala akong ni isang salitang nabanggit sa kanila sa mga dinadala ko.
Siguro dahil sa panahon na’yun nalimutan kong may gumugulo sa isip ko. Siguro masyadong napaliwanag ng mga ngiti nila ang mundo ko. Siguro kahit ‘di namin pag-usapan, kahit wala silang sabihin, okay na akong andun sila sa panahon na ‘yun.
May mga panahong ayokong magsalita, ang gusto ko lang maging masaya. At sila ang nandun ng mga panahon na ‘yun.
At sa panahong gusto ko nang umiyak, saan pa nga ba ako pupunta, still, sa kanila…
————————-
Mahal kita besh. Kahit di kita sinundo sa gate, alam mo naman na kapag tulog ang pinaguusapan e walang kaibi-kaibigan ‘di ba? Importante ang limang minuto na pagpikit. At buti na lang malaki ka na kaya pwede ka nang iwan sa bahay mag-isa habang ako ay nasa trabaho. hahahaha
Isang buwan pa lang ba? feeling ko 6 months na mula nung pumunta kayo dito. š¦
Anyway, basta beshiecake, kahit ano man ‘yang pinagdadaanan mo, hindi ako magsasawa na patawanin ka ng walang sounds kahit gisingin pa kita sa gabi para mag-rant at para kwentuhan ng mga green jokes ko. hahaha.
I love you besh, pasasaan ba’t lilinya din ang mga bituin. Let’s keep the faith š
LikeLiked by 5 people
Labyoooooo, payakap uli… Mwah mwah
LikeLiked by 3 people
Sali ako sa yakap. ššš
LikeLiked by 3 people
Awts. Inggit si ako. Haha. ššš
LikeLiked by 2 people
Group hugggggggggggggg!
LikeLiked by 1 person
Tara group hug, nak!
LikeLiked by 2 people
OMG 1 month na! Ang blog ko ay 1 paragraph pa din. Hahaha. Mahal kita besh. Alam mo naman ‘yan. Words will not be enough to express how grateful I am for knowing you. I love you three! ššš
LikeLiked by 5 people
Labyoooo…ššš
LikeLiked by 3 people
Tiyo Ely, alam naman nating sa umpisa pa lang eh hindi naman talaga natin plinano na matuloy lahat sa Cebu. Ipinagbilin ko pa nga sayo si Rhea kase akala ko ako ang hindi matutuloy. Pero luminya ang mga bituin. At hindi aksidente yun.
Masaya ako na nakasama ka namin sa Cebu, at masaya ako na hindi ka nang-indian. Masaya ang naging bakasyon natin kase nandun ka at kumpleto tayo. Ayoko maging ma-drama, pero mahal ka namin Ely. Hindi aksidente na nagkita-kita tayo. āŗ
So kelan ang next? Gusto nyo mag barko? š
LikeLiked by 6 people
Labyooo papa jheff! Hahahaha sundan na natin! Mahalin natin ang barko!
LikeLiked by 3 people
Si Jas gusto din mag barko, pero sa Cebu daw tayo sumakay sabi nya. Kako bakit sa Cebu pa, pwede naman sa Batangas diba? LOL
LikeLiked by 4 people
Hahaha saan nanaman kaya tayo pupulutin this time? ššš
LikeLiked by 2 people
Siargao po Tito Ely. Hihi. ššš
LikeLiked by 2 people
Sige sige, sabihin natin sa itay at inay mo
LikeLiked by 2 people
Actually, napag usapan na po namin nung nag Manuel Uy. Date na lang ang kulang. Hihi. Looking forward po ako na makasama kayo. ššš
LikeLiked by 2 people
Gusto kong magbarko! Kasama ang anak kong si Lhory. Kaso January 2019 pa daw siya pwede. Hahaha.
LikeLiked by 4 people
#kaladkarin. ššš Isulat na sa kalendaryo…
LikeLiked by 2 people
Kailan? Hahaha. #KaladkaringTunay
LikeLiked by 2 people
Akala ko ba January? ššš aigoo ang gulo kausap…
LikeLiked by 2 people
Lutuin na yan! Heheh..
LikeLiked by 3 people
Hahaha ang tagal pa pala.
LikeLiked by 2 people
Tito, sama ka. Haha. Kaso sa January pa po. Hihi. Plisssss. šššš
LikeLiked by 2 people
Btw Papa Jeff, salamat sa “pagbibilin.” Naappreciate ko. š
LikeLiked by 3 people
ššš
LikeLiked by 1 person
Lahat ba kayo may PMS? Bakit andadrama nyo? hahaha. Ely, isipin mo na lang kung di ka sumama sa Cebu e baka wala kang videos na pinapanuod ngayon.
LikeLiked by 4 people
Gusto ko lang ng yakapppppppp…
LikeLiked by 2 people
*akaaaaapp*
LikeLiked by 2 people
HAHAHAHAHAHA
LikeLiked by 1 person
Naiyak po ako. Iba talaga ung presence ng TFIOB family. Haha. Sabi nga ni Nanay Rhea, #Breather ššš
LikeLiked by 3 people
Yes yes, iba ‘di ba? Whew! Labyu ol!
LikeLiked by 2 people
Yes po. šš
LikeLiked by 2 people
Sayang di ako nakasama. Sa susunod sasama ako. Isama nyo ko ha? š hahaahah
LikeLiked by 2 people
Oo naman… Ikaw lang ang iniintay!
LikeLike