Tulang tulala

Sa bawat araw gusto kong sabihing mahal kita
Sa bawat oras ay gusto kong itanong kung kumusta ka ba
Sa bawat minuto kung maari lang sana ay andito ka
Ngunit mga segundo ay lumilipas na wala ka

Kung sana ang sulat ay sapat, siguro ay sinabi ko na lahat
Kung sana ang mga talata’y kayang sa’yo ay magtapat
Kung ang mga pangungusap ay may kapangyarihang patigilin ang mundo
Salitang mahal kita, uulit-uliting sasabihin ko

Uulit-uliting sasabihin ko
Uulit-uliting ipapadama ko
Uulit-uliting ipagsisigawan ko
Baka sakaling sa ganoong paraan, marinig mo
Marinig ng puso mo ang puso kong nagmamahal sa’yo
Nagmamahal sa’yo kahit ‘di mo pinapansin
Nagmamahal sa’yo kahit magmukhang kulang sa pansin
Nagmamahal sa’yo, humihiling na pansinin
Nagmamahal sa’yo, nagbabakasakaling mapansin

Wala kang sinasabi pero alam kong alam mo
Alam kong dama mo, dahil dama ko
Nagpapakiramdaman lang ba tayo?
Magpapakiramdaman lang ba tayo?
O mas tamang itanong…
hanggang pakiramdaman na lang ba tayo?

—-Blocked—-

Gusto ko na sana sabihin
Gusto ko na sana tanungin
Wala nga ba talagang forever?
Hanggang sumagot na si Messenger
Ga’un na lang ba talaga ‘yun
Sagot na ba ang
“You can’t reply to this conversation.”?
Dito na lang ba tayo?
Hanggang dito na lang ba tayo?
Sabagay wala namang tayo.
Walang tayo.

——

‘Eto na ang tulang tulala na alay sa’yo ng tulalang manunula.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

11 thoughts on “Tulang tulala”

  1. Hindi sagot ang “You can’t reply to this conversation”
    At hindi rin si Messenger ang dapat sumagot sa iyong mga tanong
    Kaya’t huwag kang mag-alala kaibigan
    Ang pag-ibig ay kusa ring darating at makakamtan.

    Liked by 3 people

  2. Maganda po yung tulang ginawa nyo nasa totong buhay sya nangyayri. Bilib din talaga ako sa mga taong may malawak na kakayanan sa pag buo ng isang magandang tula!;))

    Liked by 1 person

    1. Inspiring ang mga sulat mo…at talgang malaks syang makahugot! ang dami mo sigurong napagdaaanan? yung mga taong kagaya nyo un ung mga taong malalim!;0)continue lang po sa passion sa pagsusulat!;))

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s