Do I Believe in the Power of Friendship?

ang aking imaginary girlfriend beshiecake

Dahil sa naglabas na ng Press Release si Rhea ay maglalabas na rin ako ng aking opisyal na pahayag tungkol sa nabanggit na pangyayari.

Rhea, alam mong matindi ang skills ko sa pagbabackread at pwede akong magbigay ng mga screenshots dito sa kung paanong napunta ka sa pagdedesisyon na magpa-book ng ticket pa-Cebu. Pero sige gagawin ko lang na mild ‘to at ‘di na kita gagamitan pa ng Exhibit B laban sa’yong Exhibit A.

Nagsimula ang lahat ng conversation sa GC dahil sa nalalapit na TFIOB Climb. Marami talagang naging side stories ang paghahanda sa pag-akyat na ‘yun. And’yang napasok ang pagdefine ng “EFFORT” para sa kagustuhan ng isa na maisama ang isang blogger from Cebu sa climb. At and’yang naging close si Rhea at si Mr. R. Sa bilis ng pangyayari ay nagulat na lang akong may nagpapabook na ng ticket pa-Cebu. Iniisip ko kung dahil lang sa puyat kaya nakagawa si Rhea ng desisyon na magbook. O dahil lang sa kagagaling lang n’ya sa matinding presentation sa work. Naka-ilang backread talaga ako kung saan nagmula ang ideya ng pagpunta ng Cebu. Pero dahil sa maunawain naman akong kaibigan ay hinayaan ko s’ya sa gusto n’yang gawin. Na-meet ko na si Mr. R nung Meetup sa Cebu at masasabi ko namang mabuti s’yang tao. Sino ba naman ako para pigilan sila sa kaligayahan nila.

January 31, naganap ‘yun.

February 2 na s’ya nagtanong ng: “Is he a she? Hahaha”.

Sobrang natatawa talaga ako nung nagtanong s’ya.

Opposite gender. Overnight. Alone. Akala ko ay nasa stage s’ya ng trying new things pero opposite gender? overnight? alone? Nandu’n pa rin ako sa stage na umaasang matauhan s’ya sa mga ginagawa n’ya. Pero dahil sa mabuti akong kaibigan at ang gusto ko lang ay ang kaligayahan n’ya eh hinayaan ko na kahit pa pinagsalubong n’ya ang mga kilay ko sa mga pinaggagawa n’ya. #Nojudgementzone kami so sige bahala s’ya. Na nabigyang liwanag nung nagtanong na s’ya. Akala n’ya pala ay bading si Mr. R. Though ‘di agad ‘yun bumenta sa akin na paliwanang sa impulse booking ay eventually tinanggap ko na.

Hanggang February 5 ay ‘di pa rin s’ya kumbinsido sa sagot kong “tunay na lalaki” si Mr. R. (So sa mga gustong maging instant close sa kanya, alam n’yo na ang shortcut, be gay.)

At ‘eto na si Rhea in her different strategies sa pagpapasaklolo.

Painggit Mode: Nararamdaman kong gusto niyo din sumama ni Jeff. Maiinggit ka sige ka. hahaha. ‘Pag si Jeff nagbook bigla mamatay ka sa inggit. Bwahahahaha.

Dramatic Mode: Besh naisip ko lang bigla. Baka masyado akong pabigat/pabebe regarding Cebu trip. Baka hindi talaga kayo pwede or wala talaga sa timing. Syempre masaya ako kung kasama ko kayo dun. Clingy ako sa inyo eh. Pero kung cannot be talaga eh tingin ko kakayanin ko naman. What do you think? Para kong nag-eemote. Wahahah. Pero serious ‘to ha. Feeling ko lang nahahassle kayo sakin.

Hahahahahahahaha.

In between ay nagkaroon na rin kami ng pag-uusap ni Jeff na kung ‘di n’ya magagawang sumama sy panatag na s’ya kung masasamahan ko si Rhea. Pero at the end ay nauna pa s’yang magbalita na may ticket na s’ya pauwi. Hahahahahhahahaha.

Si Jas naman ay consistent sa pagsasabing sa pagdating ni Rhea ng Cebu ay saka naman s’ya babalik ng Manila para magbakasyon.

Ako? Alam nila na kakasimula ko lang sa bago kong account sa trabaho. Siguro kung magjojowa ako ng from Work Force ay magagawan ng paraan ang schedule ko pero ‘di naman ako gwapo, gentleman ako pero ‘di ako gwapo. Ska kagagaling ko lang ng Cebu nung January, so every other month na ang punta ko ng Cebu? Though may plans ako for Holy Week pero, ang sabi ko nga kay Rhea, ay North ang punta ko. ‘Di ko alam kung gaano s’ya kalakas kay Bathala na nagshift ang mga forces of nature at may mga bagay akong kinailangang ayusin sa Dumaguete, Masbate at Leyte. Nauna pa akong dumating sa kanya sa Cebu.

——————————————-

ang aking imaginary girlfriend beshiecakes
Ito po ang mga nabiktima ng scam including ang nasasakdal. Kuha ni Mr. R.

Do I Believe in the Power of Friendship?

O maniniwala ako sa power of charm at blackmailing at paawa-effect ni Rhea?

At sa kine-claim n’yang grateful kami sa kanya dahil sa pagkakataong magkasama-sama kami…

Parang ayokong aminin hahahhahahahaha but yes.

(Sa susunod na ang other kwento…)

——————————————–

At bago ko tapusin ang blog na ito ay gusto ko munang linawin sa nakikibasa na meron naman talagang gustong i-meet sa Cebu si Rhea bago pa man pumasok sa eksena si Mr. R.

Ito ay video nung January 30, nagpapatunay na nagkita sila ni Mel. Kaya fresh na fresh pa sa isipan n’ya ang kagustuhan n’yang pumunta ng Cebu. Si Mel at Doc Jem talaga ang gusto n’ya i-meet. Okay na, wag na natin s’yang i-judge na si Mr. R ang rason ng pagpunta n’ya ng Cebu.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

32 thoughts on “Do I Believe in the Power of Friendship?”

  1. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

    SA PIC PA LANG SA TAAS TAWA NA KO NG TAWA. HAHAHAHAHA.

    Besh salamat sa paglatag ng dates at hindi pagkontra sa Exhibit A ko. Ni hindi ko maalalang may presentation pala ako sa office nung araw na ‘yun.

    “Be gay.” HAHAHAHAHAHA.

    Grabe yung “nasasakdal.” Inosente po akoooo…

    Whew! Salamat sa matinding ebidens ng meetup namin ni Mel. At may kopya ka pa ng video. Nyahahaha.

    You’re welcome, besh! Masaya akong masaya kayo!

    Nagmamahal,

    Rhea Angeline
    Charm Expert, Master of Balckmailing

    Liked by 3 people

    1. Nagbackread ako, ‘wag mo na itanong kung paano… remember Joongki’s “Fighting!” message para sa pag-cheer sa’yo sa madugong presentation mo… puyat ka ng January 30, big day ang January 31 sa work, kaya sige iintindihin kita…
      Ang evidence ay para sa nakikibasa… para malinaw sa kanila na si Mel at Doc Jem ang rason ng pagpunta sa Cebu!

      Liked by 1 person

    2. HAHAHAHAHAHA. Salamat salamat! Mahusay ang skills mo! Nakakatawa talaga ang Cebu trip mula sa kung paano nagsimula ang plano. Tingin ko eh hindi na kokontra ‘yung dalawa at sasang-ayon na sila sa mga naunang press release. 😂😂😂😂😂

      Liked by 1 person

    3. Nilinaw ko lang na ‘di si Mr. R ang rason ng pagpunta mo. Pero still ang pagpunta namin ay dahil sa ginawa mong impulse booking. Walang pagpunta sa Cebu kung ‘di ka naunang magbook. Ikaw talaga ang may sala.

      Liked by 1 person

  2. Ayan na, may press release na ang kabilang kampo. Eto na yung sinasabi ko kay Rhea na other side of the coin. 😄

    Mas maraming ebidensya ang pwedeng ihain ng blog na ito. Mukhang dito ako papanig. Hahahah..

    Maglalabas na din ba ako ng press release ko? Baka madiin lalu yung isa dyan? 😁

    Liked by 3 people

    1. Beshicakes, mahal na mahal ko talaga kayo! To the moon and back. To bits and pieces. To particles and molecules. Ganyan. 😂

      Liked by 2 people

    2. Hahahaha. “No charm has been used nor blackmailing has been inflicted, promise.” Jeff, magfocus ka sa paggawa ng video. Focus lang. 😂

      Liked by 2 people

  3. Ilang beses ko binasa yun post para makasigurado ako na si rhea nga yun binabanggit. Todo support ang mga beshiecakes kay rhea.Wala ako idea sino si mr.r. kay cheesecake a.k.a boy abunda ako magtatanong. Napaka-interesting naman ng mga press release tungkol sa trip nyo sa cebu 😊

    Liked by 3 people

    1. Wala pang sagot busy pa maglaro ng monster hunter si cheesecake 😁inaantay ko nga umakyat para masagot na ako. Inaantok na ako kanina dahil sa post na ito nagising ang diwa ko 😂😂😂

      Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: