‘Pag naaalala kong sumulat ako nito, natatawa na lang ako

Natutunaw pa din ako ng tingin at ngiti mo. Wala pa ding nagbago. Parang kahapon lang yung unang araw na na-inlove ako sa’yo.

At nang marinig ko uli ang boses mo, narealize kong ‘eto yung boses na inintay ko ng mahabang panahon, ‘eto ‘yung boses na inaasahan kong marinig sa bawat paggising ko, everyday in the last 17 years. Wala pa ding nagbago.Parang kahapon lang yung unang araw na napakalma mo ang kaloob-looban ko.
It is you.

And it’ll always be you.
‘Di ko pala kayang sukuan ang pag-ibig ko sa’yo.

—-

Alam kong di ako yun para sayo. Hinihiling ko na lang kay Bathala, na maging okay ka lagi. Okay na ako dun. Okay na ako basta masaya ka.

—-

‘Di ko man mahanapan ng justification o definition ang nararamdaman ko, sa isang bagay masasabi kong sigurado ako; Lagi akong magpapasalamat sa Bathala na nakilala kita. Lagi akong magpapasalamat sa mga forces ng universe para sa “idea of you”, kung “idea of you” nga lang talaga ‘to.

—-

You are a happy memory. You will always be a happy memory.

You’re a proof that once, even just for that moment you held my hand, everything was perfect.

Tatanungin mo pa ba ako kung bakit mahal pa din kita?

—-

Siguro iniisip mo, wala lang ako magawa kaya lagi akong nagsusulat sa’yo. Iniisip mo sigurong napakadami kong free time para sa mga bagay na gan’to.

Siguro sadyang marami lang talaga akong oras para sa’yo. Kahit walang oras, gagawa ako ng oras para sa’yo.

—-

Wala namang bago. Bakit ba ‘di pa ako nasanay. Palipasin ko lang muna ang ilang linggo, o buwan… makakapagmessage din ako. Makakahugot din ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha na magmessage uli, kahit alam kong ang kulit ko na… Kahit alam kong pwedeng maging pang-anim na seen message ang isesend ko… Kahit alam kong wala lang naman talaga sa’yo.

‘Di ko alam bakit ba ‘di ko na lang tanggapin na umiikot naman ang mundo mo na wala ako.

Subukan ko namang ‘di ka na isipin. Subukan ko namang ‘di na mag-expect ng reply galing sa’yo…

Subukan ko namang paikutin ang mundo ko na wala ka.
Subukan ko namang palipasin ang mga araw na hindi nag-iintay sa’yo.

Subukan ko namang mag-intay ng pagmamahal na hindi galing sa’yo… Baka sakaling ‘di na lang dalawang blue na check ang makita ko.

—-

Hanggang bumagsak na lang sa laging option: wag na lang magmessage.

Ayun. Gusto ko lang naman ng kausap. (Lagi naman.) O mas tamang sabihing: Gusto lang naman kita makausap. Wala lang. Wala namang mabigat na rason. Sadyang gusto lang kita makausap. Malaman yung araw mo, malaman mo yung araw ko. Tamang kwento lang. Kahit anong topic under nagbabagang araw…

Pero sadyang binago na yung panahon ng mga kwentong-wala-lang-basta-may-mapagkwentuhan-lang.

Mahirap ang timing. Mahirap mag-umpisa. Mahirap mag-sustain.

Kaya nga siguro, minahal ko na ang pagsusulat sa’yo dito. ‘Di na kailangan ng reply, comment o like. Walang pag-iintay. ‘Di kailangang umasa.

—-

Di naman siguro kailangang manligaw para magsabi ng mahal kita. Pwede naman siguro na sumulat pa din. Pwede naman siguro na mahalin ka pa din.

Di mo naman kailangang basahin. Sa kung paanong di mo naman din ako kailangang mahalin.

Okay na ako na alam mong mahal kita. Okay na rin siguro kahit di mo alam na mahal pa din kita. Okay na akong alam kong mahal kita. Okay na akong mahal kita.

Magiging masaya akong makita kang maging masaya. Walang halong kaechosan yun. Matatahimik na ang kaloob-looban ko pag okay ka.

Pasensya na kung may mga sulat pa din dito. Pasensya na kung mahal pa din kita. Akala ko matatapos na sa pagkabasted. Pero hindi pa din. Akala ko matatapos na pag pinaramdam mong wala lang talaga ako sa’yo. Pero hindi pa din. Pasensya na kung sobrang insensitive kong ayaw mo sa akin. Pasensya na kung lagi akong nasa in-denial stage na di mo ako mahal.

—-

Wala akong sariling maibibigay sa kanya. Alam ng kaloob-looban ko, nag-iintay pa din ako sa’yo.

—-

Ikaw lang naman… Ikaw lang lagi.

‘Di ko alam kung anong klase bang sitwasyon ang magiging tama para pwede mo na akong mahalin. O kung anong klaseng sitwasyon ba ang kailangan para matutunan mo akong mahalin. Pero siguro ‘di na importante yun. Sadyang may unrequited love story. Tinanggap ko na yun, matagal na, ewan ko ba kung bakit nagiging ganito pa din. Meron pa ring parteng umaasa. Siguro partial pa lang ang ginawa kong pagtanggap. Ngayon officially dinudurog ko na ang puso ko para mabuo ko na ang installment na acceptance.

—-

Siguro nga matututunan ko silang mahalin.
But I never learned how to unlove you.
Hanggang ngayon, ikaw pa din.

—-

Di ko alam kung gaano kita kamahal na magiging ganung kasakit. Na hanggang paggising ko, damang-dama ko pa din. Siguro totoo nga yung may mga namamatay because of the broken heart kse sobra nga yung sakit. Tumatagos. Iba yung hapdi. Walang sapat na salitang makaka-describe ng moment na ‘yun. Kulang yung salitang napakalungkot. Kulang yung salitang darkest.

Matagal ko nang kinundisyon ang utak ko sa magiging ending ng kwentong ito. Di lahat happy ending. Di lahat ng gusto, makukuha. Di lahat ng mamahalin, mamahalin ka in return.

Pero sadyang kahit gaano ko ihanda ang isip at puso ko sa tagpong yun, di pa din pala magiging madali. Masakit pa din. Madudurog pa din pala ako. Inisip kong pag dumating ang time na magkita tayo marerealize ko nang ‘di naman pala talaga kita mahal. Pero hindi pala. At that moment na nakita kita, gusto ko na ng happy ending. Ayoko nang mawala ka.

At that moment na gusto ko na ng happy ending nagkaroon ng ending. Kso walang happy. Ending lang. Naging pinakamalungkot na moment yung moment na nagdecide akong maging masaya.

—-

Ni minsan ba ‘di ako sumagi sa isip mo? O kahit man lang pag bored na bored ka na, ‘di man lang ba ako naging option sa mga pwede mong pampatay oras?

—-

Salamat Amielle sa pagpili ng mga linyang ‘to nung panahong nagrerecruit ka pa sa twitter ng magbabasa ng mga sulat ko…

—-

Para sa’yong inaalayan ko ng Book II…
‘Pag naaalala kong sumulat ako nito, natatawa na lang ako… Natatawa na lang akong ‘di na ako matuto-tuto… ‘Eto nanaman durog-durog nanaman ang puso, nag-aabang pa din sa’yo…

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

22 thoughts on “‘Pag naaalala kong sumulat ako nito, natatawa na lang ako”

  1. Hindi mo naman kailangang matutunan na i-unlove sya. Naging parte na sya ng buhay mo eh. Hayaan mo na lang mabuo kang muli matapos mong durugin officially ang iyong puso. Hayaan mong tulungan ka namin kahit installment pa yung acceptance. Tara, byahe tayo this weekend! 😉

    Liked by 3 people

  2. You’re back!!! I miss you beshiecake!!! Pambihira. Kako sa sarili ko, “Parang nabasa ko na ‘to?” LOL. Ayun naman pala! Si Eym-yell naman pala ang may gawa.

    Para sa Book 2 mo, ano na? Yakap na mahigpit nanaman ba?

    Lol. Tara sa weekend gumala!

    Liked by 3 people

  3. Kung babae lang ako tapos mabasa ko to na para sakin. Magpapakasal talaga ko sayo brad e. yiieee hahaha pero seryoso ang ganda ng pagkakabigo mo. ang sincere ng mga salita.

    Liked by 2 people

  4. Parang hindi ata bagay yung sasabihin ko, pero eto kasi yun:

    Masaya ako para sa’yo. Masaya akong mabasa na natatawa ka na lang sa sarili mo tuwing maiisip mong nagsulat ka ng ganito. Kahit na yung huling banat mo meron parin, hindi naman nawawala yun, okay narin. Masaya ako na naguumpisa ka na. Pagkatapos ng 17 years, eto ka.

    Masaya akong malaman na this time, si Ely naman ang iniisip mo. Hindi lang si Imaginary Girlfriend ang pinalaya mo, Ely. Nagdesisyon kang palayain si Ely, kahit na sabihin mo pang para kay IGF parin yan. At least, eto si Ely ngayon. Nagbubukas ng panibagong yugto sa buhay niya,

    It’s a start, man. Kahit na masakit pa yan or what, masaya akong makitang nagdesisyon kang lumayo. Kahit na napakahirap ng unang hakbang, diba? Kaya mo yan, Ely!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: