239 of 365

Tumugtog ako kanina, naki-jamming sa foodpark. Sa awa ni Bathala, ‘di naman umulan. Chill chill lang. Dinaan na lang sa tugtugan ang kung anumang nararamdaman ko. 

1. Out of Reach. 

Nakakatawa k’se wala naman sa plano ‘yung maki-jamming. Kain lang talaga ang pinunta ko. Maglulugaw lang ako. Dinayo ko pa talaga ‘yung paglulugaw. Open mic. At yun may girl na nagsspoken poetry. Tapos biglang nagrequest na tugtugan naman s’ya, gusto n’ya lang talaga kantahin, baka naman may pwedeng tumugtog. Out of Reach. Alam ko ‘yung song. Theme song ko sa’yo yun ng mahabang panahon, paanong makakalimutan ko. Naawa lang talaga ako, pagbigyan na daw s’ya k’se ‘yun ‘yung magdadala ng “the feels” sa tula n’ya. Iniwan ko ang lugaw ko. Pumunta ako sa stage. Kinuha ‘yung gitara at tinugtog ang ancient history theme song ko sa’yo. 

2. Insensitive.

Binulungan ako ni ate at sinabing “kuya, insensitive naman sunod”. Mukhang may pinagdadaanan. Ayaw lubayan ang mic. May nakitabi na din sa akin at kinuha yung isa pang gitara. Medyo lumelevel up na yung tugtugan. May pa-lead pa kse sa gitara si kuyang mukhang may pinagdadaanan din k’se pinapaiyak ‘yung gitara. Sa kalagitnaan nung kanta, may umupo na din sa kahon. Kumpleto na. 

3. Secrets.

Babalikan ko na sana ang lugaw ko. Tapos na din naman kse si ateng nag-eemote. Nang tapikin ako ni kuyang gitarista ” ‘tol, one republic tayo, secrets”. Ano pa ba magagawa ko? Nung kinanta na n’ya, napatunayan ko nang may pinagdadaanan din ‘tong si kuya. ‘Di lang yung gitara yung umiiyak. ‘Yung luha n’yang nangingilid na mula pa nung nag-umpisa, gumulong na pagtapos ng kanta. 

4. Tuloy pa rin.

Antahimik. Ang daming tao pero tahimik. Kaya inintrohan ko na. Sabay sabi sa katabi ko na “p’re tuloy pa rin”.

Sa wari ko’y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo’y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa ‘king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na ‘kong hamunin ang aking mundo
‘Pagkat tuloy pa rin

‘Di ako nag-solong kumanta. Medyo nakisabay lang ng konti. Hinayaan ko nang si kuya o kung sino man dun sa foodpark na yun ang kumanta nung theme song ko ng pagbangon. Hahahahaha. May theme song pa talaga ng pagbangon. 

Siguro nga minsan laging out of reach. Minsan iisipin nating sobrang insensitive. Hindi lang ang lovelife kundi pati mismong si Life. Ang secrets ni Life? Madalas ‘di natin maintindihan. Secret nga daw k’se. Kaya no choice, hayaan na lang, basta kahit anong mangyari, tuloy pa rin.

Wala na yung lugaw ko nung binalikan ko. Inisip ko kung bibili ako uli o uuwi na lang ako. 

Just live well.

Nakakatawang sa pag-iisip ko kung bibili ba ako uli ng lugaw o uuwi na lang ako, nakita ko ang linyang yun na nakasulat sa isa sa mga mug dun sa stall ng lugaw. Sa dinami-dami ng mga mug. Sa dinami-dami ng mga linya. (At mug sa lugawan?!)

Just live well.


Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

7 thoughts on “239 of 365”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: