5 days na kitang ‘di nararamdaman.
Alam ko wala naman akong karapatan mag-demand ng reply everytime na may message ako. Lalong wala naman akong karapatan to ask for an explanation. Wala akong ibang magagawa kundi mag-intay. Pero minsan sa pag-iintay na yun, ‘di ko maiwasan mag-isip. Paano kung ‘di ka naman natutuwa sa messages ko kaya di ka nagrereply. Masyado ba akong manhid para ‘di ko maintindihan ang gusto mong mangyari. What if tinetest mo lang hanggang kailan ako mag-iintay. O paano kung you’re just being nice, na ‘di mo ako mai-turn down kaya hinahayaan mo na lang na mapagod ako.
I gave up on reading your thoughts years ago. Ayoko nang mag-assume, ayoko nang manghula, ayoko nang makiramdam. Ayoko nang hulaan kung ano ang nasa isip mo. Kase wala naman naitutulong sa akin. Ilang beses na sa buhay ko na sumuko ako dahil sa mga ‘baka’.
Kaya pasensya na kung sa tingin mo insensitive ako sa gusto mong mangyari. Pasensya na kung makukulitan ka sa akin. I’ll keep on doing things na gusto ng puso ko. Hanggang siguro sabihin mo na ‘di talaga pwede. Na nakukulitan ka na. Sabi nga ni Sushmita Sen, “You will never know if you will not try. You have to give life a shot.” I have to do this. Kung may pinagsisisihan siguro ako sa buhay ko, yun yung umalis ako agad sa Circle na wala ka pa. Dapat ‘di ako nagpatalo sa fear ko na ‘di mo ‘ko maiintindihan. Dapat inintay kita. Matagal man dapat inintay kita.
Pero wag ka mag-alala. Madali naman ako kausap. Kung nakukulitan ka na, pwede naman akong tumigil. Kung ayaw mo maramdaman ang presensya ko, kaya ko namang maglaho. Just tell me. Wala naman bagay na ‘di ko kakayaning gawin para sa’yo.
Basta lagi ka mag-iingat. Lagi kita iniisip kya ingat lagi.