22 of 365

Elsie,

Natapos na ang bakasyon mo pero ‘di man lang tayo nagkita. Kasalanan ko din kse, ‘di ko pinush na maganap ang lugaw session natin. Kasalanan ko kse sobrang duwag ko samantalang ang tagal kong inintay yung pagkakataon na magkita tayo. Iniisip mo siguro, para sa akin maliit na bagay lang na nagbakasyon ka. ‘Di man lang ako nag-effort na makita ka. Samantalang antagal kong inintay ‘yun. Kso eto, natapos na’t lahat ang bakasyon mo wala pa rin akong ginawa. 

Katulad din ng ilang taong pinalipas ko. Wala akong ginawa.

Gusto kong makita ka. Gusto kong makausap ka. Gusto kong marinig yung mga kwento ng pangyayari sa buhay mo. Gusto kong kumustahin ka araw-araw. Gusto kong nasa tabi mo ako sa mga pagkakataon na gusto mo ng kausap. Gusto ko araw-araw sabihin sa’yo, ipadama sa’yo na mahal kita, na andito ako para sa’yo. 

Kaso ayoko maging makulit sa’yo. Ayokong pagsawaan mo yung mga linya ko. Ayokong dumating ung time na sasabihin mong tama na, nakakaumay na. 

Kaya pinili ko na lang na mahalin ka ng ganito. 

Okay na siguro na sabihin ko sa’yo ang mga bagay na ‘to para malaman mo ‘yung presensya ko. Magiintay lang ako ‘pag sinabi mong go, pwede na akong maging makulit. Manliligaw ako pag sinabi mong pwede na. Old school pero gusto kong magsimula sa right track, na makilala ka at makilala mo ‘ko. 

Tatanggapin ko naman pag sinabi mong ‘di pwedeng maging makulit. Tatanggapin ko naman yung sagot na ‘di ka pa ready. Tatanggapin ko din kung meron nang iba. Tatanggapin ko din kahit seen-zone at no comment. Tatanggapin ko din ang linyang hanggang friends lang tayo. Gusto ko lang gawin na malinaw ang mga gusto kong sabihin sa’yo… Na mahal na mahal kita at andito ako lagi para sa’yo. 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: