Inubos ko ang nalalabing araw ng 2016 sa pag-convince sa’yo na magpakita sa akin. Inubos ang panahon ko sa paghahanap ng place, pag-iisip ng anong gagawin natin. Inubos ko ang panahon na yun sa pag-imagine ng sobrang ganda at sobrang sayang birthday ko. With you.
Gusto kita makita…
K’so ‘di ko pala kaya.
‘Di ko kaya. ‘Di ko pa kaya. Ewan ko.
‘Di ko alam kung saan ako natatakot. Natatakot ba ako sa’yo. O sa sasabihin mo. O sa gagawin mo. O natatakot akong tuldukan ang lahat ng bagay sa ating dalawa.
Akala ko ready na ako. Pero ‘di pala.
Madadagdagan pa ang mga sulat para sa’yo. Imaginary ka pa rin. At siguro ‘di na talaga magkakatotoo.
Sa 7.5 billion na tao sa mundo, nangarap ako na ikaw ang nakalaan para sa akin. At ‘di pa ako ready na mabasag ang pangarap ko. Wag muna ngayon. Sobrang mahal pa kita.