Akala ko nagawa ko na lahat ng effort sa ngalan ng pagmamahal.
Hanggang nakilala kita.
—————————————————-
Sinusulat ko ‘to habang tinititigan kita habang may kasama kang iba.
Hindi lang s’ya basta kasama mo. Hindi lang s’ya basta katabi mo. Alam ko sa ngiti ng mga mata mo. Alam ko sa ngiting nakaguhit sa labi mo.
Alam ko, mahal mo s’ya.
At oo, mahal kita.
Ikaw na may mahal na iba.
At sa pagkakataong ‘yun pinaalala mong ako ay nasa planetang Earth at wala sa Imaginary World.
Hindi ka imaginary lang.
At ang nararamdaman ko ay hindi kathang-isip lamang.
Ito ay hindi kathang-isip lamang.
Tinititigan kita habang nag-iisip ng mga salitang magsasalarawan sa’yo. At sa pag-ibig ko sa’yo. Tinititigan kita habang inaalala ang mga kwento sa pagitan ng pagkilala at pagkahulog ng puso ko.
Tinititigan kita habang sinusulat ang wakas ng kwento.
Pero ‘wag kang mag-alala. Pinipilit kong maging masaya ang dulo. Sa kung paanong gusto kong laging masaya ang puso mo.
Habang tinititigan kita, naisip ko ang mga pangarap mo. Mga pangarap na iniisip mo pa lang ay nagbibigay na ng ngiti sa labi mo. Mga bagay na alam kong ‘di ko maibibigay sa’yo. Pero bakit nga ba sa likod ng mga kakulangan ko naging panatag na ang loob kong alam ko namang and’yan s’yang kayang ibigay sa’yo ang mundo.
Habang tinititigan kita, naisip kong ang ligaya pala ay hindi lang makukuha sa matamis mong oo at pagkamit ng puso mo. Hindi lang sa sandaling mahawakan ko na ang mga kamay mo. Posible palang sa kahit lamang sa kinwadradong sandali ng iyong ngiti magkakasya na akong sumaya. Masaya akong masaya ka.
Habang tinititigan kita, naisip kong ‘eto ang real world, kung saan ang mahal kita ay ‘di sapat para makasama ka. At ang pagsabi ng paalam ay ang tunay na pagsinta.
“Habang tinititigan kita, naisip kong βeto ang real world, kung saan ang mahal kita ay βdi sapat para makasama ka. At ang pagsabi ng paalam ay ang tunay na pagsinta”
sakit sa kalooban, pero ok na rin kasi mukhang papunta ka na rin sa pagtanggap na dapat ay bumitaw na, bumitaw na at harapin ang realidad mo na wala sya, harapin ang mundo mo na wala sya doon.
Sana matagpuan mo na yung taong kayang ka din mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo.
LikeLiked by 4 people
Salamat, salamat…
LikeLike
Salamat sa pagmamahal. π
LikeLiked by 3 people
πππ
LikeLiked by 2 people
Sarap tumambay dito. lalo na sa gantong sitwasyon ng puso.
LikeLiked by 3 people
Bakit ang sakit sakit???!!!
LikeLiked by 2 people
Ahihi.
LikeLiked by 1 person