‘Di Sapat na Nababasa Mo Lang

ang aking imaginary girlfriend book II

17 years ago, inakyat ko ang Pulag dahil lang sa isang maikling kwento na nabasa ko sa libro namin sa Filipino 101. Ito ‘yung pinost ko few hours ago … Kasal ni Eli Rueda Guieb III.

Mahaba pero nanamnamin mo ang bawat salita.

Nakakatawang automatic after ko mabasa, sumali ako sa isa sa mga mountaineering group sa PUP  at ni-request na makasama sa akyat sa Pulag. Naka-ilang akyat at iyak muna ako sa Montalban para mahanda ang sarili ko kay Pulag, pero never naging sapat ang paghahanda. As usual sa mga akyat ko, binagyo kami sa tuktok ni Pulag.

———————————————-

‘Di ko akalain na after 17 years, nakarating nanaman ako sa isang lugar dahil lang sa nabasa ko.

Sa Cebu!

Sa totoo lang, medyo iniiwasan ko ang Cebu dati. Medyo ‘di kse kagandahan ang memories. Kung tutuusin nadaanan ko lang naman ‘to nung pumunta ako ng Dumaguete nung 2005. Wala k’seng barko n’ung araw na ‘yun pa-Dumaguete, pero dahil gusto ko makarating agad-agad, nag-barko ako pa-Cebu ska ako sumakay ng bus na Ceres pa-Dumaguete. Sinundan ko lang naman ang aking ‘di imaginary girlfriend doon. Ang plano ay doon na kami magtatayo ng kaharian. Pero ‘yun, imaginary lang pala ang pangako n’ya at siguro s’ya ay imaginary lang din.

Kaya ‘di ko naisip na magkakaroon ako ng interes na puntahan ang Cebu. Medyo masakit k’se. Parang kalamansi lang, ginigising ang hapdi.

Pero sa galing nila sumulat, mahahatak ka nila papunta sa lugar na ayaw mo puntahan.

‘Di sapat na nababasa mo lang. 

—————————————————————————-

At sobrang maligaya akong nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang mga lodi at petmalung bloggers ng Cebu.

Chasing Potatoes

Image may contain: one or more people, ocean, sunglasses, sky, outdoor, water and closeup
I’m Chasing Potatoes. I chase time and opportunities because just like round potatoes they roll and get lost. I chase them to store memories to last a lifetime. I make haste, running after them, fearful that they might be gone. That’s why I go places on land or in water.My story tells about the journey of chasing time and saying yes to wonderful opportunities.

LaagSparkles

LaagSparkles loves nature and everything about it. She loves extreme adventure and even wants to explore and try more. She loves making plans for her next trip. She gets cranky when she stays at the same place for more than a week. She wants to be the main character in the movies. She loves book and everything about it. When she’s not travelling, she imagine various situations that can happen to her while travelling. She wants a world map tattoo in her back. Many of her colleagues and friends think she’s crazy. Lastly, she have found herself lost in the wilderness at dusk more times than Homer Simpson has said ‘Doh’.

DakilangLaagan

Image result for dakilanglaagan
DAKILANGLAAGAN is a journal of the twenty-something psychopath who dares to take the road less traveled and lives a life filled with random trips, political rants, social inquiries, and illogical rationales. In short, she is a hundred souls trapped in one body. This page contains some reflections from her trips, experiences and encounters with people from all walks of life. Her journeys focus on the promotion of local and eco-tourism of places in her own country – the Philippines – most specifically in her hometown – “The Queen City of the South” – Cebu. She spends most of her vacant periods plotting her travels and adventures on her planner (which she doesn’t follow most of the time) and falling in love with nature and culture of every place she goes.

IdolWanderer

Why don’t you try to wander? Instead of sitting and wonder.
Try to discover something new.  Explore and satisfy once thirst fulfillment.
Life is full of question for those who do not quest for answer. >>>more

WanderingFeetPH

Image may contain: one or more people, mountain, sky, cloud, outdoor, text and nature
“Wherever. Whenever, Let’s Go!”  Travel- Experience- Share

AsanasadsiJames

LRM_EXPORT_20170929_160422
My life is too short to be boring, so I constantly challenge myself to live in the most outrageous way possible. A dream I have yet to fulfill is to travel the world, and I am starting this journey in our own beautiful backyard, the Philippines.

Sila ‘yung mga dapat kinukuha para sa promotion ng tourism sa ating sinisintang bayang Pilipinas. Check their blogs para malaman n’yo kung bakit ginusto ng broken heart ko na pumunta ng Cebu. Sobrang galing nilang sumulat, sobrang ganda ng mga photos nila and also check their vlogs sa Youtube, ang cool!

Kung pakiramdam mo nawawalan ka na ng pag-asa sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon, check their blogs at malalaman mong it’s not too late para sa Pilipinas, sobrang dami pang natatagong yaman ang Pilipinas na ‘di natin alam.

Great minds, great people.

They’ll show you not only the wonders of Cebu, kundi ng iba’t ibang wonders ng Pilipinas. Their blogs will give lessons in life, lessons in love at kung anu-ano under the sun and the moon. They’ll inspire you… na kahit sobrang packed nung sched ko sa Cebu, sinigurado kong mapuntahan ang Olango Island para mag-aral mag-bike.  

———————————————————–

With their writings, kasama ang iba pang mga sinusubaybayan ko ang mga blogs, I decided na lumabas sa Imaginary World.

And yes, sila ang nasa Pages Two and Three.

(And hoping sa mga susunod na mga pages pa…

…syempre kayo ding mga nasa First Page😉)

———————————————————–

Pahabol na Kwento:

Dahil Tagalog ako, may premyo daw ako kay IdolWanderer kung makakapagbigay daw ako ng sampung salitang Bisaya. S’yempe kelan ba ako ‘di naging prepared? Sinagot ko ng: Usa, duha, tulo, upat……. 🤣🤣🤣 kahit 20 words pa! 🤣🤣🤣✌️

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

71 thoughts on “‘Di Sapat na Nababasa Mo Lang”

  1. Sobrang espesyal ang Cebu sa puso ko. Marami akong karanasan at natutunan dun. Sa Cebu ako nahubog sa kung anu man ako ngayon. In the future baka isulat ko din iyon. Pero sa ngayon, ito munang blog mo ang nanamnamin ko — dahil di sapat na basahin lang sya, dapat namnamin.. 😉

    Liked by 1 person

    1. Nasa page 1 kayo Beshiecake, pero wag ka mag-alala, may plano akong ilagay ka sa iba pang pages! Kailangan muna natin magbrainstorming! Hahahahaha… May kulang pa ba sa dahilan? Ah, oo s’ya… s’yang imaginary!💞

      Like

    2. gusto ko madaming pages. hahahaha. Gawan mo ng blog yung guitar sesh sa friday para madagdagan na ang pages at kalimutan na ang lahat ng imaginary people. papalitan ng realidad yan! 🙂

      Liked by 1 person

    3. Hahaha! Grabe naman kayo, 2days palang akong nawawala sa sibilisasyon, ambilis nyo naman maka-miss. wala pang harsh kay Jonathan kaya bigla nyo akong naalala? hahaha

      Liked by 2 people

  2. nakakatuwa naman, I checked their blogs one by one at nainggit ako ng tuluyan. Sana makarating din ako ng Cebu, one of my student visited Cebu for 3 months at sobrang angenjoy sya, he also learned words like “buang ka teacher” kaya tuwang tuwa ako hahahah

    Liked by 2 people

  3. Ang bongga nila! May common sa mga gravatar nila. Haha. Para silang nga cast ng kung anong show. Haha. Mukhang tatambay ako sa mga blogs nila ah. Magkakaganyang pic ba ako pag nakaakyat na ko ng bundok? Hahaha.

    Gusto ko ding bumalik ng Cebu! May memories din ako dun na ayaw nang balikan pero mas matimbang ang Spicy Chorizo sa puso ko. Hahaha.

    Liked by 1 person

    1. parang pag nabasa mo yung sa travel post ni bored sensei mapapunta ka bigla ng japan noh? Haha (sabihin ko sana yung travel post ko dito kaso hindi naman ako marunong mag ganun na legit. Haha)

      Liked by 1 person

    2. Hahahahahahaha mga half year kong binabasa yung mga blog ng mga taga-Cebu, as in back read hanggang dulo ng mga blog nila… Nacondition na ang utak ko na pupuntahan ko talaga ang Cebu hahahahha..

      Liked by 1 person

  4. pinatunayan ng blog post na ito na hindi lahat ng magagandang blogs ay nakasulat sa Ingles.. mayroon ding magagandang basahin na nakasulat sa Tagalog 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: