17 years ago, inakyat ko ang Pulag dahil lang sa isang maikling kwento na nabasa ko sa libro namin sa Filipino 101. Ito ‘yung pinost ko few hours ago … Kasal ni Eli Rueda Guieb III.
Mahaba pero nanamnamin mo ang bawat salita.
Nakakatawang automatic after ko mabasa, sumali ako sa isa sa mga mountaineering group sa PUP at ni-request na makasama sa akyat sa Pulag. Naka-ilang akyat at iyak muna ako sa Montalban para mahanda ang sarili ko kay Pulag, pero never naging sapat ang paghahanda. As usual sa mga akyat ko, binagyo kami sa tuktok ni Pulag.
———————————————-
‘Di ko akalain na after 17 years, nakarating nanaman ako sa isang lugar dahil lang sa nabasa ko.
Sa Cebu!
Sa totoo lang, medyo iniiwasan ko ang Cebu dati. Medyo ‘di kse kagandahan ang memories. Kung tutuusin nadaanan ko lang naman ‘to nung pumunta ako ng Dumaguete nung 2005. Wala k’seng barko n’ung araw na ‘yun pa-Dumaguete, pero dahil gusto ko makarating agad-agad, nag-barko ako pa-Cebu ska ako sumakay ng bus na Ceres pa-Dumaguete. Sinundan ko lang naman ang aking ‘di imaginary girlfriend doon. Ang plano ay doon na kami magtatayo ng kaharian. Pero ‘yun, imaginary lang pala ang pangako n’ya at siguro s’ya ay imaginary lang din.
Kaya ‘di ko naisip na magkakaroon ako ng interes na puntahan ang Cebu. Medyo masakit k’se. Parang kalamansi lang, ginigising ang hapdi.
Pero sa galing nila sumulat, mahahatak ka nila papunta sa lugar na ayaw mo puntahan.
‘Di sapat na nababasa mo lang.
—————————————————————————-
At sobrang maligaya akong nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang mga lodi at petmalung bloggers ng Cebu.




Try to discover something new. Explore and satisfy once thirst fulfillment.
Life is full of question for those who do not quest for answer. >>>more


Sila ‘yung mga dapat kinukuha para sa promotion ng tourism sa ating sinisintang bayang Pilipinas. Check their blogs para malaman n’yo kung bakit ginusto ng broken heart ko na pumunta ng Cebu. Sobrang galing nilang sumulat, sobrang ganda ng mga photos nila and also check their vlogs sa Youtube, ang cool!
Kung pakiramdam mo nawawalan ka na ng pag-asa sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon, check their blogs at malalaman mong it’s not too late para sa Pilipinas, sobrang dami pang natatagong yaman ang Pilipinas na ‘di natin alam.
Great minds, great people.
They’ll show you not only the wonders of Cebu, kundi ng iba’t ibang wonders ng Pilipinas. Their blogs will give lessons in life, lessons in love at kung anu-ano under the sun and the moon. They’ll inspire you… na kahit sobrang packed nung sched ko sa Cebu, sinigurado kong mapuntahan ang Olango Island para mag-aral mag-bike.
———————————————————–
With their writings, kasama ang iba pang mga sinusubaybayan ko ang mga blogs, I decided na lumabas sa Imaginary World.
And yes, sila ang nasa Pages Two and Three.
(And hoping sa mga susunod na mga pages pa…
…syempre kayo ding mga nasa First Page😉)
———————————————————–
Pahabol na Kwento:
Dahil Tagalog ako, may premyo daw ako kay IdolWanderer kung makakapagbigay daw ako ng sampung salitang Bisaya. S’yempe kelan ba ako ‘di naging prepared? Sinagot ko ng: Usa, duha, tulo, upat……. 🤣🤣🤣 kahit 20 words pa! 🤣🤣🤣✌️