Do I Believe in the Power of Friendship?

Dahil sa naglabas na ng Press Release si Rhea ay maglalabas na rin ako ng aking opisyal na pahayag tungkol sa nabanggit na pangyayari.

Rhea, alam mong matindi ang skills ko sa pagbabackread at pwede akong magbigay ng mga screenshots dito sa kung paanong napunta ka sa pagdedesisyon na magpa-book ng ticket pa-Cebu. Pero sige gagawin ko lang na mild ‘to at ‘di na kita gagamitan pa ng Exhibit B laban sa’yong Exhibit A.

Nagsimula ang lahat ng conversation sa GC dahil sa nalalapit na TFIOB Climb. Marami talagang naging side stories ang paghahanda sa pag-akyat na ‘yun. And’yang napasok ang pagdefine ng “EFFORT” para sa kagustuhan ng isa na maisama ang isang blogger from Cebu sa climb. At and’yang naging close si Rhea at si Mr. R. Sa bilis ng pangyayari ay nagulat na lang akong may nagpapabook na ng ticket pa-Cebu. Iniisip ko kung dahil lang sa puyat kaya nakagawa si Rhea ng desisyon na magbook. O dahil lang sa kagagaling lang n’ya sa matinding presentation sa work. Naka-ilang backread talaga ako kung saan nagmula ang ideya ng pagpunta ng Cebu. Pero dahil sa maunawain naman akong kaibigan ay hinayaan ko s’ya sa gusto n’yang gawin. Na-meet ko na si Mr. R nung Meetup sa Cebu at masasabi ko namang mabuti s’yang tao. Sino ba naman ako para pigilan sila sa kaligayahan nila.

January 31, naganap ‘yun.

February 2 na s’ya nagtanong ng: “Is he a she? Hahaha”.

Sobrang natatawa talaga ako nung nagtanong s’ya.

Opposite gender. Overnight. Alone. Akala ko ay nasa stage s’ya ng trying new things pero opposite gender? overnight? alone? Nandu’n pa rin ako sa stage na umaasang matauhan s’ya sa mga ginagawa n’ya. Pero dahil sa mabuti akong kaibigan at ang gusto ko lang ay ang kaligayahan n’ya eh hinayaan ko na kahit pa pinagsalubong n’ya ang mga kilay ko sa mga pinaggagawa n’ya. #Nojudgementzone kami so sige bahala s’ya. Na nabigyang liwanag nung nagtanong na s’ya. Akala n’ya pala ay bading si Mr. R. Though ‘di agad ‘yun bumenta sa akin na paliwanang sa impulse booking ay eventually tinanggap ko na.

Hanggang February 5 ay ‘di pa rin s’ya kumbinsido sa sagot kong “tunay na lalaki” si Mr. R. (So sa mga gustong maging instant close sa kanya, alam n’yo na ang shortcut, be gay.)

At ‘eto na si Rhea in her different strategies sa pagpapasaklolo.

Painggit Mode: Nararamdaman kong gusto niyo din sumama ni Jeff. Maiinggit ka sige ka. hahaha. ‘Pag si Jeff nagbook bigla mamatay ka sa inggit. Bwahahahaha.

Dramatic Mode: Besh naisip ko lang bigla. Baka masyado akong pabigat/pabebe regarding Cebu trip. Baka hindi talaga kayo pwede or wala talaga sa timing. Syempre masaya ako kung kasama ko kayo dun. Clingy ako sa inyo eh. Pero kung cannot be talaga eh tingin ko kakayanin ko naman. What do you think? Para kong nag-eemote. Wahahah. Pero serious ‘to ha. Feeling ko lang nahahassle kayo sakin.

Hahahahahahahaha.

In between ay nagkaroon na rin kami ng pag-uusap ni Jeff na kung ‘di n’ya magagawang sumama sy panatag na s’ya kung masasamahan ko si Rhea. Pero at the end ay nauna pa s’yang magbalita na may ticket na s’ya pauwi. Hahahahahhahahaha.

Si Jas naman ay consistent sa pagsasabing sa pagdating ni Rhea ng Cebu ay saka naman s’ya babalik ng Manila para magbakasyon.

Ako? Alam nila na kakasimula ko lang sa bago kong account sa trabaho. Siguro kung magjojowa ako ng from Work Force ay magagawan ng paraan ang schedule ko pero ‘di naman ako gwapo, gentleman ako pero ‘di ako gwapo. Ska kagagaling ko lang ng Cebu nung January, so every other month na ang punta ko ng Cebu? Though may plans ako for Holy Week pero, ang sabi ko nga kay Rhea, ay North ang punta ko. ‘Di ko alam kung gaano s’ya kalakas kay Bathala na nagshift ang mga forces of nature at may mga bagay akong kinailangang ayusin sa Dumaguete, Masbate at Leyte. Nauna pa akong dumating sa kanya sa Cebu.

——————————————-

ang aking imaginary girlfriend beshiecakes
Ito po ang mga nabiktima ng scam including ang nasasakdal. Kuha ni Mr. R.

Do I Believe in the Power of Friendship?

O maniniwala ako sa power of charm at blackmailing at paawa-effect ni Rhea?

At sa kine-claim n’yang grateful kami sa kanya dahil sa pagkakataong magkasama-sama kami…

Parang ayokong aminin hahahhahahahaha but yes.

(Sa susunod na ang other kwento…)

——————————————–

At bago ko tapusin ang blog na ito ay gusto ko munang linawin sa nakikibasa na meron naman talagang gustong i-meet sa Cebu si Rhea bago pa man pumasok sa eksena si Mr. R.

Ito ay video nung January 30, nagpapatunay na nagkita sila ni Mel. Kaya fresh na fresh pa sa isipan n’ya ang kagustuhan n’yang pumunta ng Cebu. Si Mel at Doc Jem talaga ang gusto n’ya i-meet. Okay na, wag na natin s’yang i-judge na si Mr. R ang rason ng pagpunta n’ya ng Cebu.

‘Di Sapat na Nababasa Mo Lang

17 years ago, inakyat ko ang Pulag dahil lang sa isang maikling kwento na nabasa ko sa libro namin sa Filipino 101. Ito ‘yung pinost ko few hours ago … Kasal ni Eli Rueda Guieb III.

Mahaba pero nanamnamin mo ang bawat salita.

Nakakatawang automatic after ko mabasa, sumali ako sa isa sa mga mountaineering group sa PUP  at ni-request na makasama sa akyat sa Pulag. Naka-ilang akyat at iyak muna ako sa Montalban para mahanda ang sarili ko kay Pulag, pero never naging sapat ang paghahanda. As usual sa mga akyat ko, binagyo kami sa tuktok ni Pulag.

———————————————-

‘Di ko akalain na after 17 years, nakarating nanaman ako sa isang lugar dahil lang sa nabasa ko.

Sa Cebu!

Sa totoo lang, medyo iniiwasan ko ang Cebu dati. Medyo ‘di kse kagandahan ang memories. Kung tutuusin nadaanan ko lang naman ‘to nung pumunta ako ng Dumaguete nung 2005. Wala k’seng barko n’ung araw na ‘yun pa-Dumaguete, pero dahil gusto ko makarating agad-agad, nag-barko ako pa-Cebu ska ako sumakay ng bus na Ceres pa-Dumaguete. Sinundan ko lang naman ang aking ‘di imaginary girlfriend doon. Ang plano ay doon na kami magtatayo ng kaharian. Pero ‘yun, imaginary lang pala ang pangako n’ya at siguro s’ya ay imaginary lang din.

Kaya ‘di ko naisip na magkakaroon ako ng interes na puntahan ang Cebu. Medyo masakit k’se. Parang kalamansi lang, ginigising ang hapdi.

Pero sa galing nila sumulat, mahahatak ka nila papunta sa lugar na ayaw mo puntahan.

‘Di sapat na nababasa mo lang. 

—————————————————————————-

At sobrang maligaya akong nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang mga lodi at petmalung bloggers ng Cebu.

Chasing Potatoes

Image may contain: one or more people, ocean, sunglasses, sky, outdoor, water and closeup
I’m Chasing Potatoes. I chase time and opportunities because just like round potatoes they roll and get lost. I chase them to store memories to last a lifetime. I make haste, running after them, fearful that they might be gone. That’s why I go places on land or in water.My story tells about the journey of chasing time and saying yes to wonderful opportunities.

LaagSparkles

LaagSparkles loves nature and everything about it. She loves extreme adventure and even wants to explore and try more. She loves making plans for her next trip. She gets cranky when she stays at the same place for more than a week. She wants to be the main character in the movies. She loves book and everything about it. When she’s not travelling, she imagine various situations that can happen to her while travelling. She wants a world map tattoo in her back. Many of her colleagues and friends think she’s crazy. Lastly, she have found herself lost in the wilderness at dusk more times than Homer Simpson has said ‘Doh’.

DakilangLaagan

Image result for dakilanglaagan
DAKILANGLAAGAN is a journal of the twenty-something psychopath who dares to take the road less traveled and lives a life filled with random trips, political rants, social inquiries, and illogical rationales. In short, she is a hundred souls trapped in one body. This page contains some reflections from her trips, experiences and encounters with people from all walks of life. Her journeys focus on the promotion of local and eco-tourism of places in her own country – the Philippines – most specifically in her hometown – “The Queen City of the South” – Cebu. She spends most of her vacant periods plotting her travels and adventures on her planner (which she doesn’t follow most of the time) and falling in love with nature and culture of every place she goes.

IdolWanderer

Why don’t you try to wander? Instead of sitting and wonder.
Try to discover something new.  Explore and satisfy once thirst fulfillment.
Life is full of question for those who do not quest for answer. >>>more

WanderingFeetPH

Image may contain: one or more people, mountain, sky, cloud, outdoor, text and nature
“Wherever. Whenever, Let’s Go!”  Travel- Experience- Share

AsanasadsiJames

LRM_EXPORT_20170929_160422
My life is too short to be boring, so I constantly challenge myself to live in the most outrageous way possible. A dream I have yet to fulfill is to travel the world, and I am starting this journey in our own beautiful backyard, the Philippines.

Sila ‘yung mga dapat kinukuha para sa promotion ng tourism sa ating sinisintang bayang Pilipinas. Check their blogs para malaman n’yo kung bakit ginusto ng broken heart ko na pumunta ng Cebu. Sobrang galing nilang sumulat, sobrang ganda ng mga photos nila and also check their vlogs sa Youtube, ang cool!

Kung pakiramdam mo nawawalan ka na ng pag-asa sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon, check their blogs at malalaman mong it’s not too late para sa Pilipinas, sobrang dami pang natatagong yaman ang Pilipinas na ‘di natin alam.

Great minds, great people.

They’ll show you not only the wonders of Cebu, kundi ng iba’t ibang wonders ng Pilipinas. Their blogs will give lessons in life, lessons in love at kung anu-ano under the sun and the moon. They’ll inspire you… na kahit sobrang packed nung sched ko sa Cebu, sinigurado kong mapuntahan ang Olango Island para mag-aral mag-bike.  

———————————————————–

With their writings, kasama ang iba pang mga sinusubaybayan ko ang mga blogs, I decided na lumabas sa Imaginary World.

And yes, sila ang nasa Pages Two and Three.

(And hoping sa mga susunod na mga pages pa…

…syempre kayo ding mga nasa First Page😉)

———————————————————–

Pahabol na Kwento:

Dahil Tagalog ako, may premyo daw ako kay IdolWanderer kung makakapagbigay daw ako ng sampung salitang Bisaya. S’yempe kelan ba ako ‘di naging prepared? Sinagot ko ng: Usa, duha, tulo, upat……. 🤣🤣🤣 kahit 20 words pa! 🤣🤣🤣✌️

 

%d bloggers like this: