224 of 365

Iniisip ko kung mahal ba kita or I’m just in love with the idea of you.

17 years. Madami nang nangyari. Madami nang nagbago. Nung 2009 nga lang, sobrang madami nang nagbago sa’yo, ano pa kaya ngayon. Ewan ko ba kung bakit sinasabi kong mahal kita samantalang wala naman na akong alam tungkol sa’yo. Kahit dati pa naman, ano ba ang alam ko?

Sobra ko lang sigurong minahal ‘yung Elsie dati. 

Na hanggang ngayon mahal ko pa rin.

Kahit ‘di naman na s’ya nag-eexist.

‘Di ko man mahanapan ng justification o definition ang nararamdaman ko, sa isang bagay masasabi kong sigurado ako; Lagi akong magpapasalamat sa Bathala na nakilala kita. Lagi akong magpapasalamat sa mga forces ng universe para sa “idea of you”, kung “idea of you” nga lang talaga ‘to.

Ewan ko kung ano ang ginawa nila sa utak ko nun. Bumaba ako na ang daming blangko. Ang daming ‘di ko na makilala. Ang daming ‘di ko maalala. Pero siguro okay na din ‘yun. Na bumaba ako na ikaw ang nasa isip ko. At lagi nang ganun ang cycle ng buhay ko… Laging sa dulo ng chapter, ikaw ang nasa isip ko. Laging sa dulo ng chapter, ikaw yung gusto kong maging simula. 

Sa mga dark phases ng buhay ko, yung “idea of you” ang kinapitan ko. Na kahit sobrang hirap, ‘di ko dama dahil sa “idea of you”. 

Sa mga panahong iniisip nilang madudurog ang puso ko, nagpakabato ako dahil sa “idea of you”. Kahit iniwan ako, niloko ako, pinagpalit ako sa iba, ‘di naging mahirap dahil sa “idea of you”.

Hinanap ko ang better version ng sarili ko dahil sa “idea of you”.

Siguro nga I romanticized everything and I ended up loving the idea of you. I made your friendly gestures  before a big deal, na ‘yun na lang ang naaalala ko. O siguro pinili ko talagang ‘yun na lang ang maalala. Pinili kong kalimutan ‘yung iba. 

You are a happy memory. You will always be a happy memory. 

You’re a proof that once, even just for that moment you held my hand, everything was perfect.

Tatanungin mo pa ba ako kung bakit mahal pa din kita?

193 of 365

Gusto ko sana magmessage sa’yo sa Whatsapp at itanong kung busy ka ba. Kaso naisip ko, ano ang gagawin ko kung oo ang sagot mo. Nakakahiya naman kung ipagpapatuloy ko pa din ang pagsend ng mga susunod pang message kung alam ko nang busy ka. Nagtanong pa ako eh iistorbohin din naman pala kita. Pero paano naman kung hindi ang sagot mo. Sayang naman ang pagkakataon. Kaso di naman dahil hindi ka busy eh pwede na akong mang-istorbo. 
Magulo. Kaya dapat ibahin ko na lang ang sasabihin ko.

Masyado nang luma ang kumusta. Naiistock tayo sa maayos at mabuti.

Masyado namang late para sa kumain ka na ba.

Hindi naman uso sa akin ang hi at what’s up.

Magpapadala na lang ba ako ng quote, madramang linya, hugot… (Masyadong creepy, triple X ‘to…)

Hanggang bumagsak na lang sa laging option: wag na lang magmessage.

Ayun. Gusto ko lang naman ng kausap. (Lagi naman.) O mas tamang sabihing: Gusto lang naman kita makausap. Wala lang. Wala namang mabigat na rason. Sadyang gusto lang kita makausap. Malaman yung araw mo, malaman mo yung araw ko. Tamang kwento lang. Kahit anong topic under nagbabagang araw… 

Pero sadyang binago na yung panahon ng mga kwentong-wala-lang-basta-may-mapagkwentuhan-lang.

Mahirap ang timing. Mahirap mag-umpisa. Mahirap mag-sustain.

Kaya nga siguro, minahal ko na ang pagsusulat sa’yo dito. ‘Di na kailangan ng reply, comment o like. Walang pag-iintay. ‘Di kailangang umasa. 

(Ang mga naka-sulat sa taas ay Intro pa lang, wala pa talaga ako sa gusto kong sabihin sa’yo. Hahahaha.)

Pero sige na nga, masyado nang mahaba at boring na basahin ‘to. Kaya sa susunod na lang yung kwento.


Kung boring na ang araw mo, iwasan mong makabasa ng boring na bagay tulad nito. Iwasan mo din ang mga boring na tao na nagsusulat ng mga boring na sulat tulad nito. Wala namang bago. Paulit-ulit lang ang kwento. Sasabihin lang lagi sa’yo, mahal kita. ‘Di man lang ginawang english at sabihing I love you.

145 of 365

Isang buwan na ang lumipas mula dun sa huling smiley na sinend mo sa Whatsapp.

‘Di ko alam kung pride ba ang problema sa akin dahil pinipigilan ko ang sarili kong magmessage sa’yo hanggat hindi ka nagmemessage. Pero kelan ko ba pinairal ang pride? Siguro hindi ‘to pride. Sadyang duwag lang ako magmessage at ‘di makatanggap ng reply.

Masakit talaga ang umasa.

Pero kahit gaano man ako ka-busy, ‘di ka nawawala sa isip ko. Araw-araw nakaka-limang beses ata akong check kung nagpalit ka na ba ng picture sa Whatsapp. O baka may message kang di nag-appear sa notif. Lumipas ang isang buwang walang naganap na message. Walang naganap na pagbabago ng profile picture. (Sa Whatsapp lang kita natititigan kaya siguro maiintindihan mo ang nararamdaman kong tumititig sa smiley.)

Ni minsan ba ‘di ako sumagi sa isip mo? O kahit man lang pag bored na bored ka na, ‘di man lang ba ako naging option sa mga pwede mong pampatay oras?

Sadyang imaginary ka lang ba talaga?

‘Di ko alam kung tama ba ang ginagawa kong ‘di magpaparamdam sa’yo. As if naman mamimiss mo ang pagkawala ko. Pero siguro okay na din ‘to. Okay na ung walang-message-kse-wala-naman-akong-message, kaysa may-message-ako-wala-namang-reply. Kung nagpapakiramdaman tayo, malamang hanggang pakiramdaman na lang talaga tayo.

Sobrang mahal kita. Na ‘di ko alam bakit ‘di ko kayang mag-send ng kahit man lang isang message sa’yo.

Sobrang mahal kita. Na ‘di ko na alam paano sabihin ang kumusta.

Sobrang mahal kita.

Hanggang dito na lang ata talaga ako.

85 of 365

Hanggang ngayon umaaasa pa din akong kapag tumunog ang phone ko, message mo na.

Pero bigo ako.

Bakit ba k’se umaasa ako? Bakit ba tambak na ako ng deadlines pero pahihintuin ko pa din ang mundo ko para sa mga moment ko na ganito? Bakit ba umaasa pa din ako sa open and honest communication?

Napapagod na ba ako kaya ako sumusulat ng ganito? Gusto ko na bang manghingi ng paliwanag pero ‘di ko lang magawa? Naguguluhan na ba ako? Nalalabuan?  Nahihirapan na ba ako? Napapanghinaan na ba ako ng loob? Sumusuko na ba ako?

Wala naman akong karapatang magdemand ng reply. Wala rin akong karapatang manghingi ng paliwanag sa kawalan ng reply. Wala rin naman ako sa lugar na maguluhan, at malabuan. Sino ba ako para sabihing nahihirapan at napanghihinaan ako ng loob. At wala namang epekto sa mundo kung sumuko ako.

Kasalanan ko naman. Sinanay ko ang sarili ko na may reply ka. Wala namang bago sa mga message ko, bakit ba nag-iintay pa ako ng reply.

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I’m not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, “If you see this girl can you tell her where I am?”

Some try to hand me money, they don’t understand
I’m not broke – I’m just a broken-hearted man
I know it makes no sense but what else can I do?
How can I move on when I’m still in love with you?

Cause if one day you wake up and find that you’re missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you’ll come back here to the place that we’d meet
And you’ll see me waiting for you on the corner of the street

So I’m not moving, I’m not moving,
I’m not moving, I’m not moving

 

‘Di naman ako nag-iisang nag-iintay sa mundo.

Okay lang na walang reply, basta alam mong andito ako.

Mahal kita.

71 of 365

Josh: Uy, March 10 flight namin. Kaya pa ba nating magkita bago yung date na un?

Ako: Mag-jajapan ka na?

Josh: Yup.

Ako: Mukhang ‘di talaga tayo pinagtatagpo, sige dadalawin na lang kita dun hahaha..

Josh: ay naku, ayan ka nanaman, tour lang yun, ‘di naman kami magtatagal.

Ako: Wag ka ngang basag trip, dadalawin kita dun, magtotour din ako.

Josh: Hahaha.

Ako: Sulitin mo ang honeymoon, tsutsyal ah, Japan pa!

________________________________________________________________

Naalala mo ba si Josh? Yung tutubing taga-Dulaang Katig nun? Siya ang taga-abot ko ng sulat sa’yo nung naglibot ako sa Sierra Madre. Kaso, may naiabot ba? Haha. Wala naman ako aasahan sa moda ng komunikasyon ng panahon na ‘yun. Swerte nang dumating ang sulat sa loob ng tatlong buwan.

Iilan lang yung taong nakakaintindi sa likaw ng bituka ko. Isa si Josh dun. Dumating na kami sa point na sobrang galit ako sa kanya, pero yun, lumipas din naman at kinausap ko din s’ya. Ilang beses kaming nagkagalit pero lilipas ang mga araw mag-uusap din kami. Kabisado nya nga kse ang likaw ng bituka ko at alam nya kung saan ako kakalma.

Vocal ako pag galit ako sa kanya. Alam yun ng mga kasama namin nun. Nasaksihan nila yung lahat. Sobrang natakot sila sa akin k’se nun lang nila ako nakitang nagalit. Na nadagdagan pa ng pagkagulat nila dahil kay Josh ako pinaka-close. Nakarinig s’ya ng maraming ‘di magandang words sa akin. At dahil alam naman n’ya ang pinaghuhugutan ng galit ko, hahayaan nya akong magalit at iiyak na lang s’ya sa tabi. Alam naman naming may pagkukulang kami pareho kaya nagkaayos din kami. Magagalit nanaman ako pero magkakaayos din uli.

Kaya nagtataka yung mga kasama namin dati k’se hanggang ngayon close pa din kami, samantalang kung nasaksihan mo yung away namin dati, iisipin mong ‘di na kami magkakabati kailanman.

Pinagkatandaan na lang namin ang magulo at malabo naming sitwasyon dati. Tinatawanan na lang namin ang istorya ni Miss-Aminadong-Paasa at Mister-Pavictim. At sa aming dalawa, ako lang daw ang walang natutunan. Siguro nga daw ay pavictim lang talaga ako, hindi naman daw talaga ako naging biktima, dahil kung naging biktima daw ako ay ‘di na  ako uulit maging feelingero at ‘di ko na uli hahayaang maulit ang mga nangyari sa amin. O sadyang ‘di naman talaga nasaktan ang puso ko nung panahon na ‘yun, pride ko lang daw yung nagagalit.

Kabisado n’ya ang likaw ng bituka ko, kaya marami akong sermong natatanggap mula sa kanya. Lagi akong sosoplakin sa mga feelingero lines ko. Alam na n’ya ang pupuntahan nasa unang linya pa lang ako ng pagdadrama.

Bakit daw ba ‘di ko magawang magalit sa’yo? Sa palagay n’ya daw kse ay yun ang pinaka-effective na paraan para magising ako. Yung one-time-big-time na galit tulad ng ginagawa ko sa kanya dati. Kausapin daw kita, sabihin ko lahat ng sama ng loob ko, sabihin ko lahat-lahat ng gusto kong sabihin.

Bakit daw ‘di ko magawang magalit sa’yo?

Dahil magkaiba kayo.

Dahil wala ka namang kasalanan.

Dahil mahal kita.

(Alam naman ang sagot, tinatanong pa ako.)

_________________________________________________________________

Nung minsang may madrama akong post panahong tralala:

Josh: Ano nanaman ang mga linyang ito?!

Ako: wag ka mag-alala, tapos na ko sa feelingero-kay-josh stage ko… haha.peace.
Josh: HAHAHA! buti naman, saka sa kanya ka naman talaga hibang eh. hehehe.
Ako: sinong “kanya”? hahaha…
Josh: ay, oo nga, ang dami pala nila.. hahaha!
Josh: ang nasa isip ko yung inabangan mo sa trabaho nya tapos tinakasan ka nya. tama ba?
Ako: hahahahahahahahahaha….
Josh: tama? [im happy tumatawa ka…]
Ako: …haaay.
Josh: pero tama nga ako?

Pag may nabasa s’ya dati sa post ko na pagdadrama, bibirahan na ko n’yan ng: haay… here we go again… pede mo naman sya hanapin.. for the only reason na gusto mo syang makita. pero mas better na wag na nga lang… mas madaling mag move on.. di ako naniniwalang di ka makakamove on… ilang beses na bang nangyari sayo ang ganyan di ba?!  Wag ko daw magamit-gamit sa kanya ang linyang “pag naaalala kita Josh, alam ko makaka-move-on din ako”. Alam n’yang malayong-malayo ang pinaghuhugutan ko. ‘Di naman daw ako nagdrama ng tungkol sa aming dalawa. Nagagalit daw ako agad.

Pero makaka-move on din daw ako. Di ko na lang mamamalayan, ‘di na kita mahal.