62 of 365

Akel: Tol musta? Saan ka ba nag-lulungga? Buti nahanap na kita sa FB. May reunion, sama ka! 😂

Ako: Di naman ako lumilipat ng lungga. Sa lumang lungga pa din. Di mo lang talaga ako hinahanap. Hahahaha. Reunion? ‘Tol ‘di naman ako kasali dun!

Akel: Adik! Ako bahala sa’yo 😉 Basta pumunta ka! Adopted member ka ng batch natin!

Ako: Ayoko ‘tol. Ayoko sila makita.

Akel: Adik ka talaga! Pakiramdam mo naman gusto ka nila makita?! 😂Joke!!!!! Madami nagpapahanap sa’yo, ano ka ba?! Pumunta ka!

Ako: Pag-iisipan ko…

Akel: Pagiisipan pa talaga?! Isasama kita sa group chat ng section natin ha!

Ako: Anong section? Adik ka din, di mo naman ako kaklase ng fourth year.

Akel: Adopted member nga di ba? Tsaka automatic na yun, halos lahat naman ng andun naging kaklase mo.

Ako: Wag mo na ko isali sa group chat. Okay na ‘tong magkausap tayo dito. Kung gusto naman nila ako imessage, pwede naman nila ako imessage.

Akel: Emotero ka talaga! May pinagtataguan ka ba?

Ako: Wala

Akel: Teka lang, may dyowa ka ba nun sa section natin?

Ako: Wala!

Akel: Niligawan? Aha. Niligawan. Madami!

Ako: Adik wala!

Akel: Yung magbabarkada nun, si Jenix, Araceli at Hope. Haha. Akala mo makakalimutan ko a!

Ako: Adik, di ko sila niligawan! Sinusulatan ko lang si Araceli. Si Hope close lang talaga kami. At si Jenix, sinulatan ko nung nalaman nyang sinusulatan ko si Araceli.

Akel: Sige paliwanag pa

Ako: Oo nga yun yun…

Akel: Di yun ganun, iba ang story!

Ako: Adik! Parang alam mo ang istorya a…

Akel: Bigla bigla ka kase nawawala. Di ka man lang nagpapaalam. Isang araw hahanapin ka ng nanay mo sa amin. Di ka daw umuuwi. Tapos bigla na lang nagtransfer ka na. Ay naku!

Ako: Alam mo naman ang utak ko. Magulo…

Akel: Wanted ka kaya nun. Ang daming nagtatanong sa amin, kung nasaan ka nung nagpasukan. Ano naman isasagot namin. Wala naman kaming alam. Alam mo namang nasayo ang agimat ng kagwapuhan nun!

Ako: Adik! Agimat ng kagwapuhan talaga! Asan ang kagwapuhan?

Akel: Haha. Dami mo kaya nauuto nun! Aha. Kaya siguro nagtatago ka!

Ako: Nauuto talaga? Adik ka talaga…

Akel: Ano ba kase nangyari? Nag-away-away ba ang mga gf mo nun kaya ka bigla nagtago?! May communication ka pa ba sa mga yun? Andami mo kaseng babae!

Ako: Adik!

Akel: Wag ka nga dyan! Lokohin mo na lahat wag ako! Saksi ako sa pagiging babaero mo!

Ako: Babaero talaga? Wala bang lighter term?

Akel: Ano pa itatawag sa’yo? Babaero ka naman talaga!

Ako: Masyado ka namang harsh…

Akel: Haha. Sino-sino ba yun? Teka lang ha. Madami kang kasulatan nun. May first year hanggang fourth year. At may mga side dishes pa!

Ako: Sinusulatan ko lang…

Akel: Anong sinusulatan mo lang? Kinantahan mo pa tol! Tanda mo yung camping? Magdedicate ka ba naman ng kanta mo sa lahat ng naka-pink! At naka-pink ang mga babae mo! Akala mo safe move kase lahat sila naka-pink. Tapos dun ka nabistong madami sila. 😂Haha! Kulang ang gabi para magpaliwanag ka sa kanilang lahat!

Ako: Ikaw na ang historian ng lovestory ko…

Akel: Adik ka kase!

Akel: Ano? Nakakausap mo pa sila?!

Ako: Hindi ‘tol. Tahimik na siguro ang buhay nila…

Akel: Bakit manggugulo ka ba? ‘Di mo man lang kinamusta?

Ako: Si Rose Ann, nakita ko sa fb, OB na s’ya, parang nasa Leyte na ata naka-base. Si Carmina, zero. Walang bakas. Si Shirley, minsan naka-chat ko, may asawa na k’so wala pa daw sila anak. Si Maritess, zero din. Di ko maalala yung last name kaya di ko mahanap sa fb…

Akel: Grabe! Di mo matandaan yung last name? Sobrang dami na ba ng nasa listahan na ‘di mo na maalala!

Ako: ‘Di naman, tumatanda lang tayo kaya ganun…

Akel: Pumunta ka sa reunion! Naku ibebenta kita! Haha!

Ako: Adik!

Akel: Ano ka ba? Pati ibang batch andun, malay mo makita mo sila lahat!

Ako: Adik!

Akel: Tol, pumunta ka na! Di ko muna sasabihin sa kanila para surprise! Haha. Ibebenta talaga kita! Haha! Sino kaya magbabayad ng malaki para lang mabalatan ka ng buhay?!

Ako: Adik ka talaga!

Akel: Oo tol, panigurado may magbabayad para mabalatan ka ng buhay! Ichecheck ko nga, friend ko dito yun sa fb e!

Ako: Sino?

Akel: Excited lang?

Ako: Di ba pwede magtanong? adik!

Akel: Imemessage ko muna na natagpuan na kita!

Ako: Adik! Di talaga ako pupunta dyan sa reunion na  yan. Pagtitripan mo lang ako…

Akel: Basta pupunta ka, ako bahala sa’yo 😉 hanapin mo yung agimat mo! baka kailanganin mo! 😂

Ako: Adik!

______________________________________________

At napilitan nga akong pumunta sa reunion.

At ibinenta nga ako ni Akel.

At binalatan na nga ako ng buhay.

_______________________________________________

Thess: Talagang di mo natatandaan ang last name ko?

Ako: ✌

Thess: Di mo talaga ako natatandaan?

Ako: Sensya na, hindi talaga… ang tagal na rin kse… 20 years… sensya na talaga…

Thess: Ano ba ang nangyari? Bakit bigla ka na lang nawala? Lahat walang alam kung nasaan ka

Ako: Nasa tabi-tabi lang naman ako…

Thess: Ano ba nangyari? Sabi nila di ka makita ng nanay mo, di ka daw umuuwi

Ako: Matagal na yun… lagi naman ako eskapo sa bahay… di ka pa nasanay…

Thess: Ilang taon iniisip kong may kasalanan ako bakit nangyari yun. Iniiisip ko sana naging responsable ako sa’yo. Naguiguilty ako lagi na okay ako pero ikaw hindi

Ako: Ano ka ba? Matagal na yun… ska ang babata pa natin nun, di mo kailangang maging responsable sa mga nangyari sa buhay ko…

Thess: Hindi tayo ganun, we helped each other hanggang maka-graduate ako di ba, andun ka lagi from inquiring, pagkuha ng entrance exam, pagdecide ng course, ng school

Ako: Ano ka ba? Kahit sino naman gagawin yun para sa’yo…

Thess: Ano ba nangyari?

Ako: What always happens. Life.

______________________________________________

Ilang beses ko na palang nakasabay sa elevator si Thess. Ilang beses ko na s’yang nakita. Ilang beses nakatabi sa BGC bus.

And she was my boss.

52 of 365

‘Di ko pa nasabi sa’yo, I quit my job. Again. For the nth time.

I wanted to tell you. Kaso naisip ko, ‘di naman sya worthy pag-usapan. O ‘di ko lang talaga masabi sa’yo. O nahihiya lang siguro talaga ako.

Ewan ko ba. May sapak na ‘ata talaga ako sa utak. Ngayon okay pa ako, ilang minutes lang hindi na. Okay pa ako nung natulog ako. Paggising ko, bigla na lang, ayoko nang pumasok. Sinubukan ko naman labanan ang thoughts na ‘di na pumasok. Pumasok pa din ako. Pero imbes na sumakay ako ng bus pa-Ayala, sumakay ako ng bus pa-Quiapo.

‘Di ako religous na tao, sadyang naging kumportable na lang akong kausapin si Señor Nazareno. At least ‘di masasabing nababaliw na ako dahil may kausap naman ako, Siya. Kung ikaw ang kakausapin ko sa utak ko, tulad nang ginagawa ko madalas, sasabihin ng ibang tao na nasa Category B na ako (B as in Baliw). Kaya madalas, matatagpuan ko ang sarili kong nakaupo at nakatitig sa Kanya.

Sabi ko sa Kanya: Ano nanaman ‘to? okay naman ako a, bakit may gan’to nanaman? Bakit naduduwag nanaman ako. ‘Di ko ba talaga kaya? Pang-ilang beses na bang ganito? Susuko na lang ba ako lagi? Sobrang loser ko ba talaga? Bakit ba ‘di ko kayang pumasok?

Sobrang loser ko talaga. Wala pa, pero sinusukuan ko na. Ilang beses na ba akong ganito.

Maraming beses na. Susukuan ko, bigla na lang ako mawawala. Highschool pa lang gan’to na ‘ko. Bigla na lang, nagtransfer ako, walang paalam, basta ko na lang iniwan. Nagulat na lang sila, wala na ako. Sobrang walang kwenta kong kaibigan na ‘di man lang ako nagsabi sa kanila na lilipat na ako ng school. Ni hindi man lang ako lumingon pabalik, hindi man lang ako nangamusta, hindi man lang ako nagpaliwanag. At inulit ko pa uli. Hindi lang isang beses, dalawa, tatlo. Madaming beses. Iniwan ko bigla ang MC, ‘di na ako nagparamdam uli pagkatapos gumraduate sa BSA. Iniwan ko ang PolSci. Di ako nagtagal sa Advertising. Bigla na lang ‘di ako pumasok sa CompTech at bigla na lang ‘di na ‘ko nagenroll nung sumunod na sem sa IT. Kahit sa trabaho ganun din, bigla na lang ‘di na pumasok sa KFC, nag-file ng resignation paglipas pa ng 5 months. Nagpasabi lang na ‘di na papasok nung nasa BIR. Tinext lang ang katrabaho na ‘di na papasok sa SPD. Siguro nga kung pwede lang bumyahe ng bus at umuwi nung andyan ako sa Dubai, bigla na lang ako din siguro ako mawawala. Pero ilang beses din yung bigla na lang akong nagfile ng leave at nagkulong sa kwarto ng ilang araw. Natapos ko naman ang tatlong taong kontrata, pero hindi katulad ng nakagawian sa company na lilibot ka, magpapaalam sa mga kasama mo sa trabaho at magpapapicture. Tahimik akong nawala, walang paalam, walang pag-libot, walang picture taking.

At ‘eto nanaman ako.

Naiintindihan mo naman siguro bakit ‘di ko masabi sa’yo. Ayokong makita mo ‘yung pagiging loser ko. Pero ‘di ko din naman maitatago ‘tong sapak ko sa ulo. I am a work-in-progress. Parang project ng DPWH na ‘di matapos-tapos. Sa tinagal-tagal hinahanap pa rin ang safe haven ko. Alam ko this side of me can scare you away. Sino ba naman ang magkakagusto sa taong walang sense of direction sa buhay (original line ng isang ex). Sobrang babatukan na nga siguro ako ng nanay ko, pakunswelo na lang sigurong ‘di naman ako adik at lasinggero.

Sino ba ang matutuwa sa palagiang transience? Sino ba naman ang hindi maghahangad ng permanence?

 

 

 

 

50 of 365

I spent so many years thinking if I really loved you or if I just had a special attachment that I mistook  for love. I know you have your doubts with me saying I love you. For years, I had those doubts too. I had been into different relationships  but then  I always end up with having those regrets of choosing the life without you.  I would often wonder if there was another you out there who was easier to love, and who could love me better. Then I asked myself, “Is it really important for me to establish love beyond doubt? Do I need to have million of reasons?”.

What is love?

We can say we love someone for their smile, their intelligence or even their dress sense. What we love about those things are how they make us feel, and to me, that’s not love — that’s the “feeling” of love which changes, dulls over time and eventually dissipates, to return again when the wind blows.

What if that aspect of what you love were permanently gone? What if a “loved” one suffered a stroke and become immobile and unable to smile, lose their intellect or even the ability to dress themselves?

Would you stop loving them?

What if they did something to make you mad?

To me, love is a decision. A conscious choice to love is the decision to be kind, compassionate, affectionate and understanding towards someone.

The decision to be joyful in bringing someone happiness. And the more you love them, the more you would be those things for them. So even if the things they were that made you feel love for them weren’t there, it’s your choice to love them that counts.

You can’t always feel the love, but you can always make the choice to act with love.

(full article)

After reading those lines I realized why do I always look for satisfying answer, why do I always ask myself if I really love you. It could be as simple as noticing that in my deepest heart’s truth, I just do.

Love is a conscious decision.

And I am enthusiastically choosing you.

Every single day.

 

 

49 of 365

Lately, sobrang iniisip kita. Ewan ko, kahit sobrang busy, bigla na lang maiisip kita… Siguro kasalanan ko din. Ako naman kse ang gumagawa ng mga bagay na magpapaalala sa akin about sa’yo. Everytime na bubuksan ko ang phone ko maaalala kita. Pati pc… at kung anumang account na bubuksan ko, maiisip kita.

Iniisip kita lagi kaya kung anu-anong kakornikan ang naiisipan kong gawin para sa’yo. Sana lang sa mga ginagawa ko, napapractice ko na ang tibay ng loob ko. Baka kse pag andyan ka na, di ko nanaman kayang magpakita. Aanhin pa ang mga bagay na ‘to kung ‘di ko naman kayang humarap sa’yo di ba? Ewan ko ba, sobrang duwag ko talaga.

Sobrang duwag ko, sobrang daming lakas ng loob ang kailangan para lang makapagstart ng conversation sa’yo, buti na lang nagrereply ka na. Salamat sa pagreply. Sobrang laking bagay na nagrereply ka ngayon. Matagal ko nang hindi ginagawa ang mga bagay na ‘to,  kaya ilang inhale-exhale muna bago makapag-umpisa, minsan nga lagi na lang umpisa, kaya kung nakukulitan ka na, open and honest communication lang… para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Minsan kse, madalas pala, makulit talaga ako. Medyo pinipigilan ko pa ang sarili kong maging makulit ngayon kse nga nakaka-turn off daw yung makulit. Pero in case na ‘di ko na namamalayan na makulit na ako, ikaw lang naman ang makakapagsabi na makulit na ako, at ikaw lang naman ang makukulitan pag di mo sinabi sa akin na makulit na ako. Pipilitin ko maging sensitive enough para di na kailanganin pa na sabihan mo ‘kong makulit na ako, pero in case na insensitive akong nakukulitan ka na, sabihin mo lang: makulit ka na.

I want to be sensitive enough para ‘di ka masaktan, ‘di ka makulitan. Pero sobrang mahal kita na ayokong maging manghuhula. Ayoko nang magtiwala sa instincts ko. Kaya lagi tinatanong kita. Sinukuan ko na ang pagbasa sa naiisip mo kaya umaasa na lang ako sa open and honest communication sa pagitan nating dalawa.

Open and honest communication: Sobrang iniisip kita.