This I Promise You

Ely’s Version

Wala akong magawa kaya nagbasa ako ng mga old conversations natin. Kahit naman madami akong ginagawa, nagbabasa pa rin ako, kahit paulit-ulit na lang.

At sa pagbabasa ko, nadaanan ko ‘tong kantang ‘to. Sinend ko sa’yo ‘to nung birthday mo last year. Natanong ko k’se sa’yo kung natatandaan mo pa kung anong song ang kinanta ko sa’yo nung one time na may dala akong gitara nung PE natin dati. Sabi mo wala naman akong kinanta para sa’yo. Sabi ko meron, This I Promise I You. Sabi mo, kanta ko kay Maricris yun, Sabi ko para sa’yo yun. Ayaw mo maniwala, kaya sabi mo kantahin ko uli para maniwala ka. Nakainom ako ng gabing yun pero walang epekto, ‘di ako nagkaroon ng lakas ng loob na kumanta sa mga sandaling yun.

Pero dahil gusto kong maniwala ka, yun naka-ipon din naman ng lakas ng loob at kapal ng mukha, nakapag-record din at nasend sa’yo.

Kung pwede nga lang na daanin na lang din sa kanta para maniwala ka na nag-intay ako sa’yo n’un sa Circle.

Kung pwede nga lang na daanin na lang din sa kanta para maniwala kang gusto kitang makasama kaya niyaya kita mag-sine dati. Hindi dahil malungkot ako. Hindi dahil nagdadrama ako sa kung sinumang iniisip mong gusto ko nung panahon na ‘yun. Gusto kita makasama. Period.

Kung pwede nga lang na daanin na lang din sa kanta para maniwala kang mahal kita, dati pa.

This I Promise You. Promise. Big word. ‘Di ka nga naniniwala na mahal kita, sa promises pa kaya? Kahit ako nga ata, ‘di ata ako naniniwala sa mga promises. Sa pagkakatanda ko never akong nagpromise sa mga ex ko. Alam ko naman k’se ‘di ko din naman magagawa. Kaya nakakatawang ‘eto yung song na kinanta ko sa’yo dati. Siguro naniniwala pa ako sa salitang promise dati. Sa panahon na ‘yun gusto kong sabihin sa’yo na para s’yo yung bawat linya nung kanta. Siguro nga nung panahon na ‘yun ginusto kong gumawa ng pangako sa sarili ko at sa’yo.

Pero sabi mo nga, iba na ang sitwasyon ngayon.

Tatawanan mo lang ako kung sasabihin ko sa’yong kanta ko pa rin sa’yo ‘to.

Tatawanan ko din ang sarili ko.

Pero, nakakatawa man, sobrang corny man, this song will always be my song for you.

Sa’yo ko lang naman ginustong mangako.

Dati.

Hanggang ngayon.

 

Chasing Cars

An hour ago he was proposing
And now… and now he’s going to the morgue
Isn’t it ridiculous?
Isn’t that the most ridiculous piece of crap you’ve ever heard?

May 2006. Grey’s Anatomy Season 2 Finale. Una kong narinig ang Chasing Cars. Sa panahong nagdadrama si Izzie Stevens sa pagkamatay ni Denny. Sa panahong nagdadrama din ako.

Sa pagkakatanda ko, ‘eto yung panahon na wala akong magawa sa buhay ko kundi mag-intay sa’yo kahit alam ko namang ‘di kita makikita dahil ‘di mo naman alam na nag-iintay ako. Nag-intay ako buong magdamag sa tapat ng building n’yo, umaasang tama ‘yung schedule na binigay ng kapatid mo kapalit ang 30 pesos na load. Oo, kapalit ang 30 pesos na load, hahahaha. ‘Di ko alam kung sino sa mga kapatid mo ang nakatext ko nun. Sinubukan ko itext dati lahat ng number na ginamit mo pangtext sa akin. At yun may nagreply naman. At nagkasundo kaming ibibigay nya ang schedule mo sa work kung padadalhan ko s’ya ng load. Hahahaha, kso mukhang napagtripan lang ako dahil namuti na ang mata ko, ‘di kita nakitang pumasok o lumabas sa pintuan ng building n’yo.

‘Eto rin yug panahon na nag-iintay ako sa McDo sa Philcoa, kahit ‘di ko naman sigurado kung ikaw ang nakakabasa ng text ko na nag-iintay ako sa’yo. Naawa naman sa akin, may nagreply na ‘di ikaw ang nakakareceive ng text ko. Pero nag-intay pa din ako. Nagbabakasakaling iforward sa’yo ang text ko at maisipan mong puntahan ako.

Ewan ko ba. Baliw-baliwan portion lang. Sa pagkukulong ko sa loob ng bahay pagkatapos ng series ng mga pag-iintay, natapos ko sa loob ng 4 na araw ang dalawang season ng Grey’s Anatomy. At tinapos ko ang pag-aadik ko sa madramang pagkamatay ni Denny na Chasing Cars ang background.

Chasing Cars din ang sounds ng Friendster profile ko dati.

2009. Kasama ‘to sa Acoustic Sessions Vol. 4 ng Boyce Avenue.

2010. Kinanta ng One Direction sa X-Factor.

2011. Kasama sa mga kinanta sa Song Beneath the Song episode ng Grey’s Anatomy.

2012. Ending song ng pelikulang The Mistress ni John Lloyd.

2015. Grey’s Anatomy uli. Sa pagkamatay ni McDreamy.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
and just forget the world?
Kung sana ganun lang kadali kalimutan ang mundo.
—————————————————-
February 05, 2018:
Ngayon ko lang napansin na na-mention pala ‘to ni Ed Sheeran sa kanta n’yang All of the Stars, ang unang track sa soundtrack album ng The Fault in Our Stars nung 2014. 

Tulog Na

2004. Dramachine.

Di ko alam kung trip mo ba ang tugtugan ng Sugarfree. Sa lahat ng songs nila, eto yung pinakafavorite ko, sinundan ng Wag Ka Nang Umiyak (na medyo ‘di ko na feel ngayon dahil si Cardo lang ang naalala ko).

  • Tulog na mahal ko
  • Nandito lang akong bahala sa iyo
  • Sige na, tulog na muna
  • Tulog na mahal ko
  • At baka bukas ngingiti ka sa wakas
  • At sabay natin harapin ang mundo
  • Sa buhay natin, sabihin man ng iba na okay lang maging single, mas magaan pa din sa pakiramdam na makatagpo tayo ng taong, ‘di man magsasabi sa’yo, pero magpaparamdam sa’yo na may kasama ka sa pagharap sa mundo. Alam kong ‘di ako ‘yun para sa’yo. Hinihiling ko na lang kay Bathala, na maging okay ka lagi. Okay na ako dun. Okay na ako basta masaya ka.

    %d bloggers like this: