Harana no.1

Gusto ko sana kantahan ka. Yung alam mong ikaw yung kinakantahan ko. Yung alam mo na para sa’yo yung kinakanta ko. K’so di naman kagandahan ang boses ko, sa mga lasing lang maganda ang boses ko. ‘Di rin kagwapuhan, kaya di ko kayang ivideo ang sarili ko… Kaya yun, sagot na ni Pareng Kaye ang pagharana ko… 

Ingat ka lage. 

Advertisements

29 of 365

5 days na kitang ‘di nararamdaman.

Alam ko wala naman akong karapatan mag-demand ng reply everytime na may message ako. Lalong wala naman akong karapatan to ask for an explanation. Wala akong ibang magagawa kundi mag-intay. Pero minsan sa pag-iintay na yun, ‘di ko maiwasan mag-isip. Paano kung ‘di ka naman natutuwa sa messages ko kaya di ka nagrereply. Masyado ba akong manhid para ‘di ko maintindihan ang gusto mong mangyari. What if tinetest mo lang hanggang kailan ako mag-iintay. O paano kung you’re just being nice, na ‘di mo ako mai-turn down kaya hinahayaan mo na lang na mapagod ako.

I gave up on reading your thoughts years ago. Ayoko nang mag-assume, ayoko nang manghula, ayoko nang makiramdam. Ayoko nang hulaan kung ano ang nasa isip mo. Kase wala naman naitutulong sa akin. Ilang beses na sa buhay ko na sumuko ako dahil sa mga ‘baka’. 

Kaya pasensya na kung sa tingin mo insensitive ako sa gusto mong mangyari. Pasensya na kung makukulitan ka sa akin. I’ll keep on doing things na gusto ng puso ko. Hanggang siguro sabihin mo na ‘di talaga pwede. Na nakukulitan ka na. Sabi nga ni Sushmita Sen, “You will never know if you will not try. You have to give life a shot.” I have to do this. Kung may pinagsisisihan siguro ako sa buhay ko, yun yung umalis ako agad sa Circle na wala ka pa. Dapat ‘di ako nagpatalo sa fear ko na ‘di mo ‘ko maiintindihan. Dapat inintay kita. Matagal man dapat inintay kita.
Pero wag ka mag-alala. Madali naman ako kausap. Kung nakukulitan ka na, pwede naman akong tumigil. Kung ayaw mo maramdaman ang presensya ko, kaya ko namang maglaho. Just tell me. Wala naman bagay na ‘di ko kakayaning gawin para sa’yo.

Basta lagi ka mag-iingat. Lagi kita iniisip kya ingat lagi.

22 of 365

Elsie,

Natapos na ang bakasyon mo pero ‘di man lang tayo nagkita. Kasalanan ko din kse, ‘di ko pinush na maganap ang lugaw session natin. Kasalanan ko kse sobrang duwag ko samantalang ang tagal kong inintay yung pagkakataon na magkita tayo. Iniisip mo siguro, para sa akin maliit na bagay lang na nagbakasyon ka. ‘Di man lang ako nag-effort na makita ka. Samantalang antagal kong inintay ‘yun. Kso eto, natapos na’t lahat ang bakasyon mo wala pa rin akong ginawa. 

Katulad din ng ilang taong pinalipas ko. Wala akong ginawa.

Gusto kong makita ka. Gusto kong makausap ka. Gusto kong marinig yung mga kwento ng pangyayari sa buhay mo. Gusto kong kumustahin ka araw-araw. Gusto kong nasa tabi mo ako sa mga pagkakataon na gusto mo ng kausap. Gusto ko araw-araw sabihin sa’yo, ipadama sa’yo na mahal kita, na andito ako para sa’yo. 

Kaso ayoko maging makulit sa’yo. Ayokong pagsawaan mo yung mga linya ko. Ayokong dumating ung time na sasabihin mong tama na, nakakaumay na. 

Kaya pinili ko na lang na mahalin ka ng ganito. 

Okay na siguro na sabihin ko sa’yo ang mga bagay na ‘to para malaman mo ‘yung presensya ko. Magiintay lang ako ‘pag sinabi mong go, pwede na akong maging makulit. Manliligaw ako pag sinabi mong pwede na. Old school pero gusto kong magsimula sa right track, na makilala ka at makilala mo ‘ko. 

Tatanggapin ko naman pag sinabi mong ‘di pwedeng maging makulit. Tatanggapin ko naman yung sagot na ‘di ka pa ready. Tatanggapin ko din kung meron nang iba. Tatanggapin ko din kahit seen-zone at no comment. Tatanggapin ko din ang linyang hanggang friends lang tayo. Gusto ko lang gawin na malinaw ang mga gusto kong sabihin sa’yo… Na mahal na mahal kita at andito ako lagi para sa’yo. 

Page 3 of 365

Inubos ko ang nalalabing araw  ng 2016 sa pag-convince sa’yo na magpakita sa akin. Inubos ang panahon ko sa paghahanap ng place, pag-iisip ng anong gagawin natin. Inubos ko ang panahon na yun sa pag-imagine ng sobrang ganda at sobrang sayang birthday ko. With you.

Gusto kita makita…

K’so ‘di ko pala kaya.

‘Di ko kaya. ‘Di ko pa kaya. Ewan ko.

‘Di ko alam kung saan ako natatakot. Natatakot ba ako sa’yo. O sa sasabihin mo. O sa gagawin mo. O natatakot akong tuldukan ang lahat ng bagay sa ating dalawa.

Akala ko ready na ako. Pero ‘di pala.

Madadagdagan pa ang mga sulat para sa’yo. Imaginary ka pa rin. At siguro ‘di na talaga magkakatotoo.

Sa 7.5 billion na tao sa mundo, nangarap ako na ikaw ang nakalaan para sa akin. At ‘di pa ako ready na mabasag ang pangarap ko.  Wag muna ngayon. Sobrang mahal pa kita.

 

 

Pahabol sa 2016

Umalis ako kahapon. Nag-ikot. Naghanap ng masarap na lugaw. Naghanap ng lugawang may magandang ambience. Yung pag umupo tayo, pwede tayong humiwalay sa mundo. Pwede nating angkinin yung moment.

‘Di ko alam kung matutuloy ba tayong magkita. ‘Di ko alam kung kailan. ‘Di ko alam kung mafifeel mo nang lumabas ng lungga mo. ‘Di ko alam kung magkakaroon ba ako ng sapat na lakas ng loob para magpakita sa’yo.

Ang alam ko lang minsan lang dumadating ang mga pagkakataon.

Kaya ‘eto ako, ‘di mapakali.

Kahit na sinasabi ko sa’yo na tanggap ko nang hanggang magkaibigan lang tayo, ‘di pa rin maalis sa akin na maging ganito. Ayokong umasa pero umaasa pa din ako.

Alam ko pag nabasa mo ‘to hindi ka na naman magpapakita. Malabo nanaman kse akong kausap at ganito nanaman ang mga linya ko. Parang dati lang.

‘Di mo naman maiintindihan dahil ‘di ka naman naniniwala. Kung saan galing ‘yung pinaghuhugutan ko only heaven knows.

Parang kanta lang. And all this time I act so brave, I’m shaking inside. Why does it hurt me so…

Ang dami kong naiisip gawin na kasama ka. Ang dami kong gustong puntahan na kasama ka. Pero alam ko naman walang oras para dun. Mapalad na akong mapagbigyan ng isang lugaw session.

Ang dami kong gustong sabihin sa’yo. Pero alam ko pag nagkita tayo, wala nanaman akong masasabi. Tititigan lang kita panigurado.

Ang dami kong gustong gawin para sa’yo, para maintindihan mo ‘ko, para maniwala ka, para maramdaman mo. Bigyan ka ng love letter, bigyan ka ng roses sa paso at teddy bear. Tumugtog ng gitara at haranahin ka. Sunduin at ihatid ka. Ipagluto ka. Ipaglaba’t ipagplantsa ka. Sunduin at ihatid ka uli. Kumain sa labas na may candle light. Humiga sa damuhan at tingnan ang moon at stars. Magsimba, hawakan ang kamay mo, sabay pikit at dasal at sabihing thank you po sa napakagandang regalong hawak ko ngayon. Payungan ka kung umuulan. Payungan ka kung mainit ang araw. Yakapin ka kung malamig. Yakapin ka kung horror ang palabas. Yakapin ka kahit walang dahilan. Matulog na ikaw ang huling nakita at magising na ikaw ang unang bubungad sa aking mata. Mangarap na kasama ka. Abutin ang pangarap na kasama ka. Masabing mahal na mahal kita.

Wala pa din akong pinagbago. Kakain lang ng lugaw ang usapan natin, pag-abot na ng pangarap ang narating nito. Hayaan mo na, huli na ‘to para sa 2016.

Mahal na mahal kita. ‘Di ko man masabi ngayong 2016, sana sa 2017 masabi ko na.

27 days

27 days na lang uuwi ka na. Ilang kilometro na lang ang layo nating dalawa, hindi na 4,306 miles. Wala nang 4 hours difference. Nasa ating dalawa na lang talaga siguro kung ‘di tayo magkikita at maguusap sa pagkakataon na ‘yun. O sobrang duwag ko na lang talaga.

Nagvirtual inuman kami nung nakaraang araw nung barkada ko. Virtual dahil umiinom sya sa Paranaque habang ako ay tumititig sa 3 lata ng San Mig Light dito sa Bulacan. Nagpapadala lang kami ng picture habang nagchachat kami sa Facebook para makita namin ang kaganapan sa magkabilang mundo ng inuman namin.

Ely: So okay na ang pakiramdam, nakatulong naman si beer?

Josh: ahhmmm, medyo gumaan na loob ko. thanks to you.

Ely: Salamat sa espiritu ni san miguel 😇!

Josh: hahaha! ngayon lang ako ulit uminom.

Ely: Dapat dinaan mo na lang din sa kanta, magvideoke ka. May bagyo naman na, keribels na kung uulan 😁 Ako tinititigan ko pa rin hahaha baka mauna pa kse akong magdrama pag uminom ako hahahaha

Josh: ang daya.

Ely: Hahahaha

Josh: kamusta ka na ba? sorry, ang rude ko, ngayon lng kita kinamusta.

Ely: Asus moment mo ‘to, ano ka ba? 😆 Okay lang ako, kakamustahin pa ba kita?  ☺

Josh: pangalawa ko ng beer, kaw wala pa din. dinaya mo talaga. di nga, kamusta kana?

Ely:  Hahaha tinititigan ko pa nga

Josh: may KR ka ?  (*KR- karelasyon)

Ely: Wala

Josh: maghanap ka kasi. para may dagdag na problema, hahaha! joke lang.

Ely: May iniintay. Para di na lagi we have a right love at the wrong time ang theme song.

Josh: shet. hahaha! ilan na ba nakantahan mo nyan?! wag kang maghintay hanapin mo.

Ely: Adik lang, nahanap ko na iniintay ko na lang hahahaha

Josh: hay naku. nagpapahintay ba sya? baka di nya alam na hinihintay mo sya.

Ely: Hahaha nakuha mo!

Josh: hahaha! i know you.

Ely: Wala pa din pagbabago

Josh: hahaha!

Josh: hahaha! i try mo naman minsan, na ikaw ang hinihintay.

Ely: malabo

Josh: hahaha! malabo pa ba sa tubig ng ilog pasig?!

Ely: Oo. teka lang moment mo ‘to e bakit ako ang naging topic

Josh: hahaha, gnun talga, lumipat na sa’yo ang spotlight.

Ely: nakakaligaya ba ang kwento ng pagiging loser ko? hahahaha

Josh: hindi noh. ano ka ba!

Ely: hahahaha kabisado mo naman ako, wala nang bago sa pag-ibig sa akin hahaha

Josh: oo nga eh, magbago ka na. hahaha!

Ely: hahaha. how to be you po? hahaha

Josh: hahaha! naku hindi ako magandang model. hahaha!

Ely: hahahaha hindi ba?

Josh: hahaha! mabait ako uy!

Ely: alam ko namang mabait ka hahaha. ano ubos na ang dalawang lata? meron pang tatlo dito

Josh: mauubos na. daya mo talaga. pati playlist ko matatapos na.

Ely: ang tagal ko na di umiinom baka tawagan ko bigla yung di ko dapat tawagan hahaha

Josh: hahaha! pede mo naman daw tawagan kahit hindi nakainom.

Ely: ayoko nga sabihin pa nya na loser talaga ako hahaha. nakakaturn off daw ung makulit kaya pinanghahawakan kong di sya tawagan

Josh: minsan ok din naman maging makulit. tawagan mo na, bilis!

Ely: ayoko long distance hahaha

Josh: ah talaga? nasa abroad?

Ely: natatandaan mo si Elsie, si Lemon? classmate ko nun sa Polsci, nasa Dubai din. S’ya pa din ‘tol hahahaha

Josh: si Elsie?! wow!

Ely: ancient history na di ba? kaya change topic na, ikaw naman magkwento

Josh: juskolord. kelan ba ang tamang panahon nyo?! hahaha!

Ely: hahaha,

Mahaba-haba ding sermon ang tinanggap ko galing sa kanya. At siguradong hihiwalay daw ang ulo at leeg ko dahil makakatanggap ako ng madaming batok sa kanya pag nagkita kami. Kung sa pagkakataon daw na ‘to at ‘di ko pa naayos ang dapat kong ayusin, o tapusin ang dapat kong tapusin, at nagdrama nanaman ako sa kanya, ewan na lang nya kung ano ang gagawin nya sa akin. Sabi ko naman sa kanya, di na nga ako nagkwekwento, s’ya ‘tong mapilit. Kaya ko naman ‘to mag-isa. Kinaya ko na ng mahabang panahon, bakit ba ‘di ko kakayanin pang iextend na kayanin pa.

Ikaw na lang ang ‘di nakakaalam na minahal kita, na minamahal kita.

Kasalanan ko din naman, sobrang duwag ko.

27 days  na lang nasa Pinas ka na. Ilang araw pa kaya bago ako makaipon ang lakas ng loob na magpakita sa’yo.

Ilang sulat pa kaya ang dadagdag dito?

8%

8% na lang ang battery ng cp ko… Gaano kaya ang 8%? Testingin ko na lang kung ilang words ang matype ko sa 8% na ‘to.

Kinamusta ako ng barkada ko. Sabi ko okay lang ako. Tinatanong nya kung may girlfriend na ba akong bago. Sabi ko wala. Ayaw nya maniwala. Sabi ko mahal ko si Elsie. Sabi nya tagal na nun. Sabi ko oo nga ang tagal na nun.

Ikaw na lang ang di nakakaalam na mahal kita. Sinabi ko man pero di ko naman napadama sa’yo. Lagi din naman ako may karelasyon kaya paano ka maniniwala. ‘Di kita masisisi kung di mo seseryosohin. Hanggang dito lang naman kse ako.

Ska di ko rin naman kayang maging selfish sayo. Alam ko naman di madali magkaroon ng relasyon sa tulad ko. Madaming bagay na di ko maibibigay. Madaming tataas ang kilay. At ayoko namang masaktan ka dahil sa akin.

Okay na sa akin na alam mo na mahal kita. Na andito ako para sayo. Na kahit 8% na lang ang baterya ko ilalaan ko pa din para sayo.

Mahal kita kahit di mo dama.

Mas okay na yun. Mas okay na para sayo.