Gising na, October na

October 01, 2018 1:08 AM

Tinapos ko ang September sa panonood ng Exes Baggage. Pero hindi ‘to tungkol sa pelikulang ‘yun, nakwento ko lang naman, wala lang din k’se akong maisip na intro sa isusulat ko na ‘to. Gusto ko lang talagang magsulat, pang-welcome kay October at pagpapaalam kay September. Gusto kong magsulat pero wala naman akong maisulat na matino.

Sa pagtatapos ng September ay may nakaalalang magtanong kung kumusta ang September ko… kung kumusta ba ang September ko ngayong 2018 kumpara sa mga nagdaang taon.

Medyo natagalan din akong mag-isip. ‘Di ko na rin k’se matandaan kung ano ba ang naganap sa September ko. Kaya ang nasagot ko lang eh “okay naman”.

Ano nga ba ang naganap sa September ko?

Sa buong buwan ng September ay araw-araw akong nagsusulat. Andami kong natype dito sa WordPress, andami kong natype sa notepad ko sa phone, andami kong nasulat sa notebook ko. Pero iilan lang ang ipinublish ko. Lahat ng mga scheduled posts ay nireschedule ko at ang iba ay  nilipat ko sa isang bagong blog site. Oo, naisip ko nang magsimula ng bagong blog site na kung matatagpuan n’yo eh, sige, natagpuan n’yo, ano pa nga bang magagawa ko. Pero wag n’yo na akong tanungin, ‘di ko rin naman sasabihin, ‘di ko rin aaminin. (Hahahahaha, sinabi ko pa talaga ‘no?)

Ayun, ang September ng mga nakaraang taon ay laging panahon ng pagdedesisyon kung mag-iintay pa ba ako. Panahon ng pagtatanong sa sarili kung mahal ko pa din ba s’ya. Kung hanggang kailan ko kaya mag-intay. Kung ano nang gagawin ko sa puso ko. At kung ano na ang ituturo ko sa utak ko.

At ngayong taon,

wala nang pag-iintay,

wala ng pagtatanong sa sarili.

Sadyang malinaw na ang mga bagay-bagay…

Pero gaano man pala kalinaw ang mga bagay-bagay, nakakatawang nahirapan pa rin akong magdesisyon. Sinasampal na ako ng katotohanan pero ang hirap pa ring gawin ng sinasabi ng nakakarami na “the best thing”, at “the right thing”. Paano nga ba naging “best” ‘yung bagay na alam mong “worst” ang mararamdaman mo? Paano nga ba naging “right” ‘yung bagay na pakiramdam mo ay “mali” sa puso mo?

Ewan ko kung iba nga ba talaga ang September na ‘to sa mga nagdaang taon. Nakadaming inom pa rin ako. Ilang araw pa rin akong lasing.

Pero ‘yun… nagpapasalamat pa rin ako, na kahit ilan mang dark September ang dumaan, naniniwala pa din akong gigising ako ng October na matiwasay.

Whew! Gising na! October na!

 

 

 

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

9 thoughts on “Gising na, October na”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: