Para sa mga taong nasaktan, nasasaktan, napagod, napapagod, natakot at natatakot magmahal:
Hindi ko alam kung ako ang tamang tao para magsulat nito. Sa totoo lang, wala akong mababahaging end-result na magsasabi sa’yong magtiwala ka sa pag-ibig. Baka nga kung ikwento ko pa sa’yo ang buhay-pag-ibig ko ay baka lalo kang ‘di maniwala sa true love at baka lalo kang matakot magmahal. ‘Di ako expert sa pag-ibig. ‘Di ako expert sa heartbreak at moving on. Madali akong madala sa wrong signal, madali akong umasa at ilang beses na akong iniwan. Lagi akong nasasaktan. At ‘di ako matuto-tuto.
Pero ‘di rin naman ako santo.
Nasaktan ako pero alam kong may mga pagkakataong nakasakit din ako. May punto din sa buhay ko na ako ‘yung nagbigay ng wrong signal, ako ‘yung nagpaasa, ako ‘yung nang-iwan. (Ang drama ko pa, eh g@g* ko din naman pala ‘no?)
Eh bakit ko nga ba sinusulat ‘to?
Marami akong maisusulat na rason para ‘di na maniwala sa pag-ibig sa kung paanong marami rin akong maisusulat na rason para magtiwala pa rin dito.
Marami akong rason para matakot na magmahal. Pero minsan isang rason lang ang kailangan ko para ako uli tumapang.
‘Di tamang ikumpara ko ang mga naging karanasan ko sa mga naging karanasan mo. Iba ang masakit para sa akin at iba ang masakit para sa’yo. Magkaiba ang paraan natin sa pagtingin sa mga bagay-bagay. Magkaiba ang paraan at timeline natin sa paglet go at pagmomove on. Magkaiba ang kakayanan natin kung hanggang saan natin kayang lumaban at magmahal.
Bakit ako nagmamahal uli?
Meron akong naisulat na one thousand and one reasons para ‘di na ako magmahal kaya wala akong karapatang husgahan ka sa rason mo para hindi na magmahal, malamang kasama din ‘yun sa mga naisulat ko.
Kung iniisip mong ‘di ka deserving sa pagmamahal nila, meron akong one thousand and two reasons para sabihing ‘di ako deserving sa pagmamahal nila. Kaya kung may mga self-doubt ka, magtiwala kang naiintindihan kita.
Natatakot ka magmahal uli? Gusto kong malaman mo na hindi dahil sinubukan kong magmahal uli, matapang na ako. Kung alam mo lang kung paanong patong-patong na takot ang meron ako.
Pero bakit nga ba ako nagmamahal uli?
Madilim ang landas na ating nilalakbay
Masalimuot
Puno ng sakripisyo
Pero masarap pumasok sa isang bagay na alam mong may kabuluhan.
Aminin mong naging masaya tayo sa mga kilig moments natin n’un sa kanila. ‘Di man naging maganda ang mga katapusan pero alam natin na minsan sa buhay natin, pinagaan ng pag-ibig ang pakiramdam natin. Naging madali ang mga bagay-bagay dahil kasama natin sila. Kung ano man tayo ngayon, may parte sila d’un.
Bakit ako matatakot sa pag-ibig? Bakit ko aayawan ang pag-ibig?
‘Yun yung pinakamasarap na pakiramdam sa mundo.
Natatakot tayong masaktan. Pero ‘wag tayong matakot magmahal.
Walang nagmamadali sa atin na magmahal uli. Sabi ko nga may kanya-kanya tayong timeline. May mga sari-sarili tayong issues na pinagdadaanan. Kung paano natin masesettle ang mga insecurities natin, takot at pagkapagod, ‘di natin alam, wala namang all-in-one remedy sa mga d’yan.
Minsan, kailangan mo na lang magtiwala.
Pinanghahawakan ko na lang ang linya ni Jollibee na Believe in the Power of Love.
————————-
Pahabol:
Pipigilan mo ang sarili mong ma-fall?
Sasabihin ko sa’yong sa moment na inisip mong pipigilan mo ang sarili mo ay na-fall ka na. Pero ‘wag kang mag-alala, na-fall ka pa lang, ‘di ka pa nalulunod. π
‘Dun tayo natatakot, sa pagkalunod.
So alam mo na, magdala ng salbabida.
Woah! Tagos ah. Namiss ko tuloy kiligin. Wahahahaha.
Oo na. Di na ko matatakot. Di ko na maiisip na di ako deserving, etc. Pag nalimot ko nanaman, pakipaalala lang sakin ha. Lol.
LikeLiked by 4 people
Hahahahahahaha ‘di ako magsasawang ipaalala sa’yo…
LikeLiked by 2 people
Sa tuwing dadampi sa isip ko ang mga bagay-bagay, iimaginine ko na nakataas ang kilay niyo at aalalahanin ko lahat ng mga sinasabi niyo sakin. Hahaha. (Tagging: Kuya Shades)
LikeLiked by 1 person
Dapat lang…πππ
LikeLiked by 1 person
Nagiisip ako ngayon kung para saan o kanino ba ito.π€π€π€
LikeLiked by 2 people
Para sa mga tao sa gc na “nasaktan, natakot at napagod” daw… π
LikeLike
Mga tao o ilang tao lang π€£π€£
LikeLiked by 2 people
Tatlo so far, ‘pag may heartbroken pa uli, ituturo ko na lang ‘to uli… Para iwas sa mahabang backread sa gc hehe π€
LikeLiked by 1 person
π€£π€£π€£π€£
LikeLiked by 1 person
Mukhang madaming tinamaan dito ah? Heheh.. Ito na ba yung binanggit mo sa GC na gagawan mo ng blog? βΊ
LikeLiked by 3 people
Oo, ‘eto na ‘yun… Pero mukhang series ‘ata ng paalala ang kailangan nila papa jeff…
LikeLiked by 2 people
Hahah.. Mukhang series nga yata toh. Dapat may portion dito ng “Dear Ely”.. π
LikeLiked by 2 people
i like you deep understanding with love. π π π
LikeLiked by 2 people
wooohh lalim! hindi ko maarok Haha!
LikeLiked by 2 people
WALA AKONG MASABI DITO SA LINYA –
Aminin mong naging masaya tayo sa mga kilig moments natin nβun sa kanila. βDi man naging maganda ang mga katapusan pero alam natin na minsan sa buhay natin, pinagaan ng pag-ibig ang pakiramdam natin. Naging madali ang mga bagay-bagay dahil kasama natin sila. Kung ano man tayo ngayon, may parte sila dβun.
LikeLiked by 2 people
Pipigilan mo ang sarili mong ma-fall?
Sasabihin ko saβyong sa moment na inisip mong pipigilan mo ang sarili mo ay na-fall ka na. Pero βwag kang mag-alala, na-fall ka pa lang, βdi ka pa nalulunod.
BAKIT GANYAN… WAAAAHHHHH….
LikeLiked by 2 people
yung kahit nalungkot ka sa pag-iwan nya sayo ng di mn lang kayo nagkausap..
ay dun kana lang sa memories nagiging masaya ay napangiti
yung huling pagkikita nya na puno ng kaba, kilig, saya at pag uusap..
na sa isag iglap bigla nalang nawala at parang di ka na nya kilala..
sa anong dahilan, gusto mo syang maintindihan kahit na ikaw ang nasasaktan
LikeLiked by 1 person
Totoo ‘to. Isa sa mga pinakamasarap na pakiradamdam sa mundo ay ang magmahal at mahalin in return. Pero sabi sa isang quote na nabasa ko, “If equal affection cannot be, let the more loving one be me.” Tingin mo, bakit kaya mas okay na sa dalawang tao na nasa isang relasyon, tayo ang mas nagmamahal?
LikeLiked by 2 people
Siguro mas tamang sagutin ang tanong mo ng ganito, iniisip nating tayo ang ‘mas’ nagmamahal k’se alam natin sa sarili natin na binibigay natin lahat… Pero siguro ‘di lang natin alam na in their own ways ‘mas’ minamahal din nila tayo… ‘di naman natin alam alam yung pinagdadaanan nila sa pagmamahal nila sa atin… in their own ways kse di ba? ‘di natin alam ang struggles nila, at kung para sa kanila gaano yung katumbas ng pagmamahal nila… Siguro mas okay na ‘di na isipin yung ‘mas’… Basta magmahal ka ng buo, walang kumparahan ng feelings, walang kumparahan ng pagmamahal…
LikeLiked by 1 person
Salamat sa pagbabahagi ng pananaw mo. Tama ka. Hindi nga siguro akma ang pagkukumparahan ng feelings. Ang mahalaga eh naipaparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal π
LikeLiked by 1 person