Bakit hindi kita niligawan?

Sa panahong uso ang pakiramdaman na lang at mga relasyong no label, old school man pero d’un pa din ako sa liligawan kita. Sabi nila mahirap na rin namang maniwala sa nanliligaw, pwede namang pakitang-tao lang, best foot forward k’se ‘di ba? Sino ba naman ang magpapakita ng masamang ugali n’ya kung nasa stage palang s’ya ng panliligaw.

Siguro sa akin eh, sabihin mo mang pakitang-tao, sabihin mo mang puro positive lang ang ipapakita sa’yo, pero still, ‘yung puntong nag-effort s’ya magpakitang tao, ‘yung nag-effort s’ya na ipakita lang ang mga positibong bagay sa’yo, malaking bagay na ‘yun, kumpara sa taong nag-iintay lang at hindi kayang sumugal na magpakita ng pagka-gusto sa’yo. ‘Yun lang harapin n’ya ang posibilidad na mabasted s’ya, big thing na ‘yun. Isipin mo na lang na okay lang sa kanya na magmukhang tanga masabi n’ya lang na gusto ka n’ya. Mas gugustuhin mo ba ang taong walang balls na linawin ang mga bagay-bagay sa inyong dalawa? Mas gugustuhin mo ba ang taong kahit sa sarili n’ya ay ‘di malinaw ang nararamdaman sa’yo? Naniniwala akong kung ‘di ka n’ya kayang ligawan ay ‘di sapat ang pagmamahal na meron s’ya para ipagsigawan n’ya ang nararamdaman n’ya sa’yo.

Pero bakit hindi kita niligawan?

Duwag ba ako? ‘Di ko ba kayang mabasted? ‘Di pa ba sapat ang pagmamahal na meron ako para sa’yo? Kasama ba ako sa mga taong ang gusto lang ay instant na relasyon na ‘di pinaghihirapan? O sadyang mayabang lang ako na naniniwala akong ‘di na kita kailangang ligawan?

Hindi kita niligawan dahil mahal kita.

Ang gulo ko ba?

Hindi kita niligawan dahil mahal kita. 

Alam kong I will never be enough. Alam kong magiging sobrang hassle lang para sa’yo. Siguro tinuruan na rin ako ng kasaysayan na it will never be easy at ayokong pagdaanan mo ‘yun. Meron kang mga gusto, merong mga gusto ang mga parents mo na ‘di ko mabibigay. Merong ineexpect ang society sa’yo at siguro ‘di ko kaya na mahirapan ka. Sobrang mahal kita na kaya kong isantabi ang sarili ko para sa’yo. Sobrang mahal kita na ‘di na kita ilalagay pa sa situation na  kailangan mong magdecide.

(Hahahahahahahaha as if naman big deal sa’yo ang existence ko hahhahahahahahahha)

Bakit ko ba sinusulat ‘to?

Gusto ko lang sabihin sa’yo na mahal kita. Oo, tumigil na ako magparamdam sa’yo, pero ‘di ako tumigil ng pagmamahal sa’yo. Siguro in time, matatawa na lang ako uli na sinulat ko ‘to. Pero habang mahal pa kita, hayaan mo na lang akong magsulat sa’yo.

‘Yung matinong sagot, bakit hindi kita niligawan?

Dahil ‘di pa man ako nagsisimula, binasted mo na ako.

Without words, you said no.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

47 thoughts on “Bakit hindi kita niligawan?”

  1. ‘Yung mga walang balls. ‘Yung mga hindi kayang linawin kung anong pakay. ‘Yung mga hindi kayang umamin ng nararamdaman at hindi magawang manligaw. ‘Yung mga sigurista. Boooooooo!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

    Liked by 4 people

    1. Sa panel palang pasado, hindi pa sa’yo… Pero kung gusto mo ng abs eh ‘di sige Level 4: Abs….
      Siomai, ‘di nanaman tayo titingin sa face value? Abs lang keri na? Sasabihin nanaman ni Jas sa’yo: “Lugi ka.” 😂

      Liked by 2 people

    1. Hahah.. Nag bo-booo ka dyan, pero pag yan pinapasok mo uli sa castle…. hindi naman daw sasama ang loob nung Samurai, pero wag mo na daw sya asahan na magbabantay uli sa labas ng gate. 😎 😊

      Liked by 2 people

    1. Never ever ever ever ever. No, I’m not. Oh my gosh. Never.

      *Hahaha. Ang sarap din sigurong panoorin ‘yung video na ‘to sa TV.

      Like

  2. Aaaahh madaming ganito! I was never fond of being courted, kasi nga, puro pakitang tao lang talaga and quite frankly, I believe in chemistry. Pero, in your case, sana na try mo. ika nga nila, you’ll never really know what you’re truly capable of unless you try 🙂

    Liked by 1 person

    1. I do believe din sa chemistry… Hahahaha siguro nga kung hinayaan ko na lang ang sarili kong makuntento sa chemistry, baka magkausap pa din kami ngayon…
      Siguro ‘yung panliligaw ko sana ‘yung way ko na linawin ang mga bagay-bagay between sa amin… At gawing malinaw sa kanya na gusto ko s’ya more than as a friend.
      K’so ‘yun nga, ‘di pa ako nagsasabi, nakaramdam na siguro, at ‘yun binlocked na ako. No words, tinapos na lang ng ganun…
      At ‘yun.
      Haaay pag-ibig.

      Like

    2. Aruuuuy… kasakit naman.. I don’t want to give false hope, malay mo, nalilito lang pala sya iniisip nya na ayaw nya na ikaw ang mahirapan sa mga nasabi mo na expectations mo sa sarili mo upang maging karapatdapat sa kanya… Hopeless romantic lang ang peg lol

      Liked by 1 person

  3. waaaa!! ganun ba un?? nasagot mo yung tanong ko haha. seryoso may ganyang emote ang mga lalaki!? hrgggh. parang may blog post akong ganyan e. ung nakakainis kasi walang label tas di ko na alam anyare. tas nung after matagal na panahon saka ko maririnig mula sa kanya “nanligaw” daw sya. gusto pala nya ko nung time na un. mga ganun. amp. nakakadepress.

    Liked by 1 person

    1. OO!! saka mejo mahirap i-digest yung “excuse” na “mahal kita kaya di kita niligawan” parang mas madali intindihin yung baka pinaglaruan lang ako o baka di nya ko gusto enough para maging mas matapang sya. hayy. ewan. nakakainis pa din haha.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: