One Lovely Blog Award

one lovely blog award ang aking imaginary girlfriend

Maraming salamat Aysa at Emengoyal sa pagnominate sa akin…pero dapat ba talaga akong magpasalamat sa isang chain letter na may kasamang sumpang  kung ‘di gagawin ay mamalasin ang lovelife ko in 200 years?  Pero salamat Aysa at Miko, nagkaroon ako ng rason para magsulat, isang buwan na din pala mahigit ang huling post ko dito. At sana naman sa paggawa ko nito ay swertehin naman ako sa lovelife na ‘yan.

Rules:

•Thank the person who nominated you and link their blog in your post.

•You must include the rules and the blog award image in your post.

•You must add 7 facts about yourself.

•Nominate 15 people to this award.

7 Facts About Me

1. Addict ako sa ballpen at lapis. ‘Wag mo nang isipin pa kung ano ang ireregalo mo sa akin sa Pasko at birthday ko. Ballpen at lapis sapat na. ‘Di ko kailangan ng mamahalin, basta sumusulat na ballpen okay na. ang aking imaginary girlfriend ballpen

2. Siomai, nasa number 2 pa lang ako wala na akong maisip. Ah, speaking of siomai, ‘di pala ako marunong mag-mura… hahahahhahaha ‘wag n’yo ako i-judge. Hindi ko masabi ang mga magic words pero may alternate akong words para sa kanila, kaya ‘di ko maconsider kung nagmumura ba ako o ano. ang aking imaginary girlfriend mura dictionary

3. Sobrang dami ko nang naging work. Nagsimula ako nun sa pagkakayod ng niyog sa palengke. Ligayang ligaya na ako sa 40 pesos/day kong sahod. Third year higschool ako n’un, umekstra ako sa pwesto ng classmate ko. Sumunod kong trabaho eh yung gumawa ng mga billboard ng mga palabas sa sine. Ligayang ligaya ako makita ang ginawa kong nasa itaas ng Aliw Complex (sinehan ‘yun dito sa Bulacan). Kasabay n’un eh nagtrabaho akong taga-set up ng mga banda sa isang bar, kaso halos lahat sila ay nag-Japan na kaya ang bar ay naging club. ‘Di pasado ang katawan ko na maging bouncer at ‘di ko rin kaya ang palabas sa club. Hahahahahahahaha. Nagtrabaho din ako sa Petron, expert ako sa bukasan ng hood para maglagay ng tubig at magaling akong maglinis ng windshield. Pagkatapos ay nagtrabaho ako sa Jollibee, pero mas nagtagal ako sa KFC (mas minahal ko ang manok nila). Tatlong taon akong araw-araw kumakain ng manok at nagsasabaw ng gravy, muntik na akong tubuan ng pakpak! Naisipan kong mag-aral uli at nakapag-OJT ako sa BIR at kalaunan ay d’un na din ako nagtrabaho. Pero hindi ako empleyado ng gobyerno. Empleyado ako ng empleyado ng gobyerno (gulo ba? Basta gan’un ‘yun.) Ah oo nga pala, on-call akong technician ng mga computer, programmer at graphic artist. Matagal din akong binuhay ng raket raket lang. Pero darating din ‘yung time na gugustuhin mong makapagtrabaho sa kilalang kumpanya para naman may maisulat kang matino sa CV mo. Kaya nag-apply akong graphic artist nun, pero all-around ang kinabaksakan ko, halos parang naging P.A. ako ng Boss ko. Pinag-aaral pa nga n’ya ako mag-drive hahahaha mukhang gusto na rin akong gawing driver. Personal n’ya akong alarm clock. As in kailangan ko s’yang tawagan para magising s’ya. At kung ‘di n’ya  sagutin ang phone sa tatlong beses kong pagtawag, magmamadali na akong pupunta sa bahay n’ya sa Times Street para gisingin s’ya. ‘Di ko din alam kung paanong humantong kami sa ganung set-up. At dahil sa pangangailangan, iniwan ko si Boss at nakipagsapalaran ako sa Dubai at nagtrabaho sa kusina. Hahahaha back to kusina nanaman. Ang gulo ng CV ko kung isusulat ko lahat ‘to. Hahahahaha oo, nga pala tatlong taon lang ako sa Dubai, umuwi na ako nung 2016 dito sa Pilipinas. At sa ngayon ay isa akong Customer Service Associate, malay mo baka bukas, iba na uli.

4. Addict ako kay John Lloyd. ‘Wag n’yo sana ako ijudge. ‘Di ko s’ya nasubaybayan sa Tabing-ilog, hindi ko rin napanood ang Maging Sino Ka Man at It Might Be You. Nagsimula lang talaga ‘yan sa One More Chance, na pinagtibay ng I Miss You Like Crazy.  Siguro si Popoy naman talaga ang minahal ko at ‘di si John Lloyd. At si August, ay si Allan pala. 💔

one more chance paart 2 quotes

5. Inuulit-ulit ko panoorin ang Meet Joe Black, Sleepless in Seattle at Lake House ‘pag badtrip ako. ‘Di ko alam kung anong meron sa mga palabas na ‘yan, basta ang importante napapakalma nila ang nerves ko.

6. Favorite color ko ay Bughaw, Blue, at Asul. Bow.

7. Whew. At sa pampito:

Mahal ko s’ya kahit ayaw n’ya sa akin.

Talent ko ‘yun. Hahahahahahahahha.

 

Pinahirapan ako nito… kung hindi lang para sa lovelife…

Maidamay nga sila:

  1. Lovelyteacher8
  2. LolaLala
  3. Aubu22
  4. Markyseizetheday
  5. Karen
  6. Eris
  7. Hannahthegrace
  8. Erma
  9. Maan
  10. alyzarivera
  11. ramirezleiden
  12. walterraya
  13. micxailurophile
  14. dearjackthethird
  15. thenewbieadventurer

Gusto ko lang makabasa ng mga kakaiba tungkol sa inyo, wag na kayo magalit kung sinama ko kayo sa chain letter na ito…

 

 

Advertisements

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

65 thoughts on “One Lovely Blog Award”

    1. Natutunan ko ‘yan nung nasa Dubai ako at talagang inaral ko hahahahaha minsan lang ako magalit, kaya gusto ko maiintindihan nilang galit ako hahahahaha, baka kse pag magdrama ako ng english, mageffort pa ako magalit, mastress tapos wa epek dahil di naman nila gets… Sisiguraduhin kong alam nilang abot langit ang galit ko… Mga muk mafi sila! 😂😂😂

      Liked by 1 person

    1. korek! laging wrong timing sila, natakot daw nung araw, ngayong panahon na to malalakas na ang mga loob. bwahahaha!!!

      ah Meycauayan pala un, bungad lang..
      Isama mo ang “haiwan” sa alien dictionary of muras!

      Liked by 1 person

  1. 😂😂😂 anak ng!! hahaha di din ako nagmumura eh.. pusang gala lang talaga sinasabi ko😂 Lols! auko ng sumpa omg buti pla at napadaan ako sa blog ko tonight! plano ko pa naman next month na magsat ulit wahahahah ayan wait lang haha omg magandang diatraction to!

    Liked by 1 person

  2. gets ko yung OJT, naalala ko tuloy yung nakaraan kong pagibig (OJT sya ng Congressman) kaya alam ko ang kalakaran sa loob (tsismoso kasi sya). Ngayon ko lang nalaman na asul ang gusto mong kulay,, charot lang. Yung pampito ang pinakagusto ko 😂

    Liked by 1 person

    1. Talaga? Hahahahaha sarap pagkwentuhan ng mga ways ways sa mga trabahong yan,😂 andami nating pagkukwentuhan lagi naman kulang ang oras… Mukhang kulang pa ang ilang araw natin sa cebu para sa kwentuhan😂😂😂

      Like

    1. Hahahahahaha GC…

      Miss na natin silang mga muk mafi! Wahahahahahahaha

      Naisip ko nga isulat ang karanasan kong ‘yan sa Boss ko… Hahahahahahaha ako na ang Personal Alipin!

      Like

    1. Hahahahahahha isa ka din ba sa isinumpa hahahahahaha… Sulat na, mahirap na isugal ang lovelife hahahahahahaha

      Ang resume ay depende sa kung anong inaapplayan, hahahahahahaha

      All time favorite ang blue hahahahaha, bago pa naisip ng Blue Magic ang pangalan nila, gamit ko na ‘yun na pen name 😂😂😂

      Liked by 1 person

    1. Kaya nga .. haha. oh. Isa ka pala dun sa mga tinutukoy ni kuya Jeff na kasama nyang magpupunta dito . Ano pong meron? 😀

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s