February, Balentayms, Kwentong Jollibee, Page 5 atbp.

ang aking imaginary girlfriend

Binalak kong maghibernate kahapon. Masyado ‘atang malakas ang higop ng Super Blue Blood Moon na ang mga fats sa utak ko ay napalitan n’ya ng mga Dark Forces… Nasa point na ako ng pagbalik sa Imaginary World nang kung anong pwersa ang pumigil sa akin.

Sa ‘di ko mapaliwanag na dahilan ay may clear, salty solution ang inilabas ng lacrimal glands.

Para madali mong maunawaan ay, oo, umiyak ako.

(Pero alam kong gifted child ka, alam kong na-gets mo na ‘to sa una.)

Sa kung anong dahilan ay ‘di ko alam.

Basta automatic na lang.

Automatic na lang s’yang nagpagulong-gulong.

Nagagalit ako sa lacrimal glands sa madaming luhang inilabas n’ya.

Pero mabilis n’yang tinuro na si Puso ang may sala.

At ‘etong si Puso, si Brain naman daw.

Walanghiyang Fatty Brain.

Pinagsisisihan ko na bang hindi ko pinindot ang hibernate button?

Sa pagsalubong ng unang araw ng February ay pagsalubong na din sa Valentine’s Day na sa ‘di ko malamang dahilan ay isang malaking pagsubok sa mga taong single at mga taong sawi. Dadagdagan pa ito ng sakit ng paglabas ng mga Kwentong Jollibee na magpapakilig pero sa bandang huli ay magpapahapdi lang ng mga sugat sa puso mo. At magtatanong ka nanaman kung ang happy ending ay hanggang kwento na lang ba?

Sabi mo nga, love stories are just stories. Nothing more.

Pero sige na, panoorin mo na ‘to at ska na natin balikan ang linyang love stories are just stories. Nothing more.

Minsan mawawalan ka na ng tiwala kay Tadhana.

Minsan mawawalan ka na ng tiwala kay Pag-ibig.

Minsan mawawalan ka ng tiwala sa lahat ng bagay.

Pero sabi nga, ‘di mo alam kung kelan ka susurpresahin ng Higher Forces…

Parang pagsurpresa lang sa akin ng envelope na ‘to…

27591341_2032635607017307_854697482_n
Unang araw pa lang ng February may card na ako para sa Balentayms!

Nawalan na ako ng tiwala kay Tadhana.

Nawalan na ako ng tiwala kay Pag-ibig.

Nawalan na ako ng tiwala sa lahat ng bagay.

Pero ‘eto ako sinusulat ko pa din ‘tong Page 5.

Sadyang may mga surpresa lang ang kalawakan na magpapakapit sa’yo.

Pinagsisisihan ko na bang hindi ko pinindot ang hibernate button?

Pagsisisihan ko siguro kung pinindot ko ang hibernate button,

dahil kung pinindot ko,

hindi ko nabasa ang reply mo…

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

12 thoughts on “February, Balentayms, Kwentong Jollibee, Page 5 atbp.”

    1. Sobrang nagpapasalamat ako sa Kalawakan! Teka nga lang, ngayon ko lang na-realize na ang Kalawakan ay ikaw, Space=Kalawakan… Tama ba? Hahahahahahahaha… ‘Di ko ‘to naisip nung nagsusulat ako hahahahahahahahha sobrang salamat Kalawakan! Happy balentaym!

      Liked by 1 person

  1. Sabi na nga ba hindi ako gifted child. Nakakainis yung glands glands na yan. Math na lang kasi! Wahahahaha.

    Friend tigilan mo na yang jollibee. Kagabi ka pa nangguguli sakin about sa jollibee na yan ah! Hahahaha.

    Ang landi nung last part. Pero oo, dahil kaibigan kita, kinikilig ako para sayo.

    Si Ate Space talaga ang tagapagligtas natin eh. I know how it feels. Yung dadating yung sobre sa panahong kailangang-kailangan mo talaga.

    Liked by 3 people

    1. Hahahahahaha ibang klase ang mga nakakaintindi ng mga bagay na yan… Hahahaahahaha ibang klase sa kung paanong kaya din ng gifted child intindihin ang mga bagay na hindi naiintindihan ng karamihan…

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: