Nobody said it was easy…
————————————————————
(‘Wag mo masyado dibdibin kung anuman ang masusulat ko dito. Ito ay bunga lang ng pagod, anim na latang San Mig, tirang empi mula pa nung Sabado, mga kanta ni Moira at Mark Carpio, pagkabadtrip sa mabagal na internet at kawalan ng tulog… Pero okay lang ako, kaya ko ‘to. Walang dapat ikabahala.)
Sabi ko, ‘di ako makikinig nang malungkot na kanta. Dapat iwasan ko si Moira, TJ Monterde, at Mark Carpio. Dapat nag-stick na lang ako sa mga kantang pang-zumba para ‘di na lang kita naalala.
Ikaw ba talaga ang naalala ko?
O s’ya?
O kayo?
O lahat na?
Wala ka namang kasalanan.
Sadyang baliw lang talaga ako.
‘Wag ka magagalit.
Epekto lang siguro ‘to ng Super Blue Blood Moon.
Dumadating lang talaga ‘yung mga realizations sa panahong ‘di mo inaasahan.
Tulad ngayon.
Narealize kong kahit gaano ko man kagustong palitan ang mga ending ng mga istoryang sinulat mo, tragedy lang din ang kalalabasan. Tulad nang kung paanong gusto kong gawing happy ever after ang istorya ng buhay ko pero sadyang sa akin lang may galit ang madayang tadhana (kasalanan ni Mark Carpio ‘to).
Narealize kong love will never be enough. Never naman talaga.
At narealize kong ‘di ako makakasulat ng love letter para sa’yo. Kahit gaano mang nag-uumapaw na pag-ibig ang ilagay ko, never na magiging love letter. Letter lang ‘yun para sa’yo… walang love. Wala.
————————————————————
Nasa unang buwan pa lang ako ng taon pero ilang case na ng beer ang naubos ko, ilang bote ng tanduay ice at ilang litrong kung anu-anong alak. Kasabay nang paglabas ko ay kasabay kong nilunod ang sarili ko sa thought na magiging okay ako. Magiging okay ako. Record breaking ang alcohol journey ko sa buwan na ‘to na alam ko namang walang magagawang mabuti. Pero tinutuloy ko pa din. Alam ko ‘di ako okay. ‘Di ako okay.
Wasted na naman ako.
Lagi naman.
Wala ka namang kasalanan.
Sadyang loser lang talaga ako.
Pero umaasa pa din akong magsulat ka ng kwentong happy ending. Sa kung paanong umaasa ako sa happy ending para sa’yo. Happy ending para sa inyo. Sa lahat ng minahal ko, minamahal ko, at pakamamahalin ko.
Mag-hibernate muna ako ng February. Masakit lang sa puso. Wake me up when February ends. Hahahahahahahahahahaha. O tapusin ko na kaya sa page 4?
(Pero tulad nga ng sinabi ko sa itaas, wag mo seryosohin ang mga sinulat ko. Antok lang ‘to.)
Kung kailangan mo ng kainuman, nandito lang kami. Heheh.. And yes, we’ll wake you up when February ends.. 😊
LikeLiked by 1 person
Salamat Jheff, kailangan ko nga ng kainuman, kaniuman ng kape! Mukhang kailangan ko na ihinto ang alcohol journey ko, ‘di maganda ang epekto hahahahah…
LikeLike
Ely bago ka maghibernate, uminom muna tayo 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahabol pa talaga sa countdown? hahahahaha, iinom tayo ng madami! madaming kape!
LikeLiked by 1 person
Kahit manlang san mig apple bes ano ba naman hahahahaahha
LikeLiked by 1 person
Hahahaha sige sige, yayain natin si Jonathan!
LikeLike
TAGAY! TAGAY! TAGAYTAY!!!
LikeLiked by 1 person
…aylabyu talaga beshiecake, ‘di mo ako binibigo… hahahahahhaha
LikeLike
Akala ko kung sino ang gusto mo tapusin eh. May papaslangin ba tayo?
LikeLiked by 1 person
Masama na timpla ko, sumabay pa!!! hahahahaha wala ka kse Inang Bibe, wala akong katulong pumaslang… hahahahahaha
LikeLike
May next time pa haha
LikeLiked by 1 person
Besh, bakit hindi mo ako isama diyan sa inuman na yan? CHAROT. Haaay. Warm hugs. Tigil-tigilan muna natin si Moira. Hindi siya nakakatulong sa sanity natin.
Gusto ko ding mag-hibernate ng February. Hindi dahil Valentines ha. Walang kinalaman. Mukhang kailangan ko lang. Pagkagising mo sa month-end pakikalabit na din ako.
LikeLiked by 1 person
Lagi na lang kasalanan ni Moira, si Moirang walang malay… hahahahahaha… salamat sa mainit init na hugs… ang plano mag-hibernate pero sinalubong natin ng pagpupuyat ang February!
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHAHA. Oo nga. After climb na lang daw magsipag hibernate. Haha.
LikeLiked by 1 person