Wala akong sama ng loob kay Sagada. In fairness naman sa kanya, ilang panahon naman n’yang pinagtyagaang pakinggan ang mga kadramahan ko sa buhay.
Pero siguro darating lang talaga ‘yung panahon na ‘yung dating nagpapagaan ng loob mo, s’ya na ‘yung magpapaalala ng mga sakit sa’yo.
Darating ‘yung panahon na marerealize mong hindi dahil tahimik, peaceful.
At hindi dahil maingay, magulo.
At hindi silence ang kailangan ng puso ko sa mga panahon na ‘to.
————————————
Where Do Broken Hearts Go?
Sa Cebu.
Oo nga, sa Cebu!
Same old me, madaming pagkakataong nagdalawa-tatlong isip ako sa pagpunta ng Cebu.
Unang tanong: may budget ba ako? ‘Di ‘yun kayang lakarin lang para mapuntahan. Pwede akong mag-abang ng Seat Sale pero sadyang gusto na talaga ng puso ko na makasilay ng ibang environment. Pwede akong magbarko para makatipid ng slight pero iniisip kong magiging struggle ang 22 hours na byahe, baka maisipan ko na lang bigla tumalon sa karagatan at mag-goodbye sa planetang Earth.
Pero ano ba namang gastusan ko ang luho ng puso ko? ‘Di ako nagyoyosi, libreng kape lang ang iniinom ko at ballpen at lapis lang ang pinagkakagastusan ko. Ano ba namang pagbigyan ko naman ngayon ang puso ko. Magbabakasyon muna kami.
Pangalawang tanong: Ano nga ba ang pupuntahan ko sa Cebu?
Wag n’yo ako husgahan pero magsisimba talaga ako.
Hindi ako relihiyosong tao. ‘Di ako complete attendance sa mga misa t’wing Linggo. Pero sadyang ‘pag gusto ko S’ya kausapin, gusto ko na lang maniwala na kailangan kong lumapit sa Kanya. ‘Yung literal na paglapit. Tulad ng pag-akyat ng bundok na ang rason ko ay para mas lumapit sa Kanya sa paniniwalang mas malakas ang signal pag literal nang malapit sa langit, ganun din ang mga simbahan para sa akin, dinadayo ko ang mga simbahang malakas ang signal sa Kanya. Though alam ko namang wala naman talagang frequency ang mga simbahan, hayaan mo na lang akong maniwala. Sadyang iyon na lang ang pinanghahawakan ko ngayon… ‘yung paniniwalang this time pakikinggan na N’ya ang puso ko.
Andaming nagsabing andami namang simbahan dito sa Luzon, bakit sa Cebu pa? Sa totoo lang, wala akong maisagot. Ano nga ba ang kaibahan ng simbahan dito sa Bulacan sa simbahan sa Cebu. O ano nga ba ang kaibahan na magdasal na lang ako sa bahay sa pagdadasal sa loob ng simbahan?


‘Di ko talaga alam ang sagot. Pero sabi nga ng Rivermaya, “Himala, kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?”
______________________________
May iba namang rason bakit sa Cebu naisipan ng puso kong pumunta:
- Madaming tindahan ng gitara sa Cebu. Nakakataba ng puso. (Pero sa bandang dulo, umiiyak nanaman ang puso ko dahil ‘di ko sila maiuwi lahat.)
- Danggit at Dried Pusit
- May bundok, may dagat, madaming historical sites (wag mo ako i-judge kung pang-elementary field trip ang trip ko, maligaya akong makita si Lapu-Lapu at Rajah Humabon)
Dagdag na rason para ma-finalize ang decision sa pagpunta sa Cebu:
- Meet-up ng Ukulele Club Philippines (Nasa 70 kaming nagkita-kita, ‘yung iba galing pang Davao, Bohol at kung saan-saan pa… manghaharana sana kami, ‘di nga lang natuloy, wala ‘yung haharanahin.)
- At ang pagkakataon na makilala ang mga petmalu at loding bloggers ng Cebu!
‘Di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sa Meet-up. Kung sa meet-up sa Cubao ay kabado ako, ano pa ang i-expect mo sa akin sa meet-up sa Cebu?
Maaga ako ng 30 minutes sa call-time. Akala ko k’se malayo, ‘di ako naniwala kay Google Map na 6 minutes lang kung lalakarin yung venue ng meet-up. Syempre ayokong ma-late, dahil gusto kong makapili ng pinaka-paborableng pwesto sa upuan. Tumambay lang muna ako sa labas.
Hindi tulad ng meet-up sa Cubao na nakapag-research na ako sa mga kakatagpuin ko, sa pagkakataon na ‘to, 3 out of 6.
Ni hindi ko nga alam na all those time ng pag-iintay ko, nag-iintay lang din sa tabi ko ‘yung isa sa kakatagpuin ko. (IdolWanderer)
Eh alam mo ‘yung pakiramdam na nakita mo na dahil nakikita mo naman ang mukha nya sa blog n’ya pero ‘di mo malapitan dahil alam mong ‘di ka n’ya kilala. (LaagSparkles)
At ‘yung tinawagan ko pa si Aysa mula sa Maldives para magpasaklolo, bago ako lumapit at magpakilala sa takot na maupakan at maibaon ng buhay sa lupa. (DakilangLaagan)
Eh ‘yung bigla luminaw ang mata ko, na kahit malayo ay nakita ko (Chasing Potatoes)
At sa dalawang sobrang cool na nilalang na on the spot hinanap ko ang mga blog (AsanasadsiJames, WanderingFeetPH)
Pero tulad din ng meet-up sa Cubao, ‘di ko pinagsisihang lumabas ako sa Imaginary World para makilala ang mga taong ito.

Masarap ang barbeque sa Yakski- Capitol!
Pero may mas sasarap pa ba sa kwentuhan ng isang Alien at anim na Tao?
Sa susunod na ‘yung detalye dito sa meet-up na ‘to… Masyado nang mahaba. At para naman mabitin kayo.
_______________________________________________
Where Do Broken Hearts Go?
Sa Cebu. ❤️❤️❤️
Bakit?
>>>to be continued po. 😉
Rajah Humabon! Hahaha nagulat ako talaga na may live feed sa Cebu. Akala ko naman taga Cebu ka talaga at lumuwas ka ng Maynila para sa meet up dun hahaha! Ang kewl nito! ♥️😍😊
LikeLiked by 2 people
Hahahahaha, lumuwas ako ng Cebu! para sa #property wars!
LikeLiked by 2 people
Ely!!! Next time isama mo sa listahan mo ang Spicy Chorizo ng Cebu. Mas inaabangan ko to kesa sa dangit. Hahaha.
Yes yes. Pwede kang magdasal kahit nasaan ka. At tamang walang mataas na frequency ang mga simbahan at bundok. Haha. Yung heart natin ang may connection sa taas. Pero syempre hindi ko papakialaman ang trip mo. Haha. Takot ko lang.
Ayun talaga eh! Yung meet-up! Naiimagine ko yung alien talk nila. Tapos ikaw pala talaga yung alien. Wahahaha. Saka ano, 💗💗💗. Ayan. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahahahaha. Sige ilalagay ko na sa listahan ang spicy chorizo… Hahahahaha natawa ako sa linyang “takot ko lang”… Hahahaha bawi sa 💗💗💗 ah… Hahahahaha…
LikeLiked by 1 person
#Lamoyan 💗💗💗
LikeLiked by 1 person
Ang gastos pag puso ang kelangang magrecuperate noh? Para kang dumaan sa isang major op tapos naka medical leave. Hahahaha.
Good for you, Ely! In fairness, nakayanan mo.
Hindi sa pambabasag ha, pero sana ung 17 years na pinagantay ng puso mo, sana kayaning 17 months or less lang ang kelanganin para maghilom. Huwag ng years ulit. Huhuhuhu
LikeLiked by 1 person
Hahahaha, naalala ko yung mga colored candles sa simbahan na may mga meaning, meron for recovery..tinanong ko pa yung nagtitinda, ito po ba ang kandila para sa paghilom ng broken heart? (With matching nakakaawang tone at nakakaawang eyes) Mga sampu silang nakarinig, di nila napigilan yung tawa nila, tapos pinagbibigyan nila ako ng iba’t ibang kulay, libre! Para sigurado daw na makarecover ako! Hahahahaha
LikeLiked by 2 people
So yung blue ba na gitara sa Cebu mo nabili yun?
LikeLiked by 1 person
Hindi… Iba pa ang gitarang mula Cebu! Naka-frame… Hahahaha masakit sa bulsa, parang ayokong gamitin! Hahahahahaha
LikeLiked by 1 person
Patingin!
LikeLiked by 1 person
Hahahah hui excited ako nagbabasa IDol hahahah but yung ending pala pinabitin mo hahahah…
May aabangan na naman ako nito hahaha balik ka dito sana andito ka pag sinulog.. Ginabi kami.uwi kagabi hahah
LikeLiked by 1 person
Waaaaaaahhhhh, hanggang tingin lang ako sa pictures nyo ng Sinulog! Next year ipaplano ko nang mabuo ‘yung buong Novena Mass! Hanggang Thanksgiving! 😁
LikeLike
Ellie-belly, 🙌 namiss na kita. HAHAHA. Bike naman tayo sa susunod 😊
LikeLiked by 1 person