Ang Paglabas sa Imaginary World

ang aking imaginary girlfriend book II

Ilang beses ko ding pinag-isipan kung pupunta ba ako o magkakasya na lang akong makita sila sa malayo. Hindi ko alam kung ang pagdadalawang-isip ko ay dahil sa hindi ko pa sila kilala. O dahil hindi pa nila ako kilala.

Ilang minuto ko ding pilit pinupunasan ang ‘di naman nag-eexist na pawis sa kada centimeter²  ng balat ko. Ilang inhale-exhale. Ilang batok sa ulo.

Kakayanin ko ba?

Sa pang-ilang araw na pagtatanong sa sarili ko ay tanong pa rin hanggang sa mga sandaling ‘yun.

Kakayanin ko ba?

Pinag-aralan ko ang mga taong nasa loob. Pinag-aralan ang pinaka-safe na pwesto. Pinag-aralan ang exit points.  Ilang inhale-exhale. Ilang batok sa ulo.

Ako nga pala si Ely. Sabay abot ng kamay. Sabay ngiti.

Tinalo pa ang nakatapos sa Thesis Defense ang pakiramdam matapos ko masabi ang linyang ‘yun. Tinalo pa ang feeling ng  first time na naka-usap si Crush. Tinalo pa ang madaming first time sa buhay ko.

Napagtagumpayan ko ang Step One!

————————————————–

Pinili ko ang pinakadulong upuan.

Mas madali kse mag-exit dun.

At andun si Aysa.

————————————————-

Hahahahaha. Kalimutan muna kung anumang pag-iinarte at kahihiyan sa katawan. Saka na uli. Fan Mode muna.

ang aking imaginary girlfriend
‘Di talaga ako pumayag na hindi ako makapagpa-autograph… ‘Yan ang pinaka-life changing na linya mula sa kanya…

Si Aysa ay isa sa mga inaasahan kong makilala sa araw na ‘yun. Matitindi ang mga sinulat nito, nakakapukaw ng damdamin at mabentang mabenta t’wing panahon ng thesis. Kung gusto n’yo malaman ang pinagkakaguluhang article na ‘yan, click here. At dagdag pang napakinggan ko ang sinulat n’ya sa Love Radio’s Mahiwagang Burnay. Alam mo ba ‘yung feeling na alam mo ‘yung naririnig mong binabasa sa radyo. ‘Yung kilala mo kung sino ang nagsulat n’un… (Hahahahaha fanmode talaga.) Gusto n’yo marinig? Hinanap ko pa talaga ‘to sa Youtube, click dito. Pero kung gusto n’yo mabasa, click naman dito.

Aysa, napatunayan ko na bang FAN talaga ako? Hahahahahaha.

At oo nga pala, para sa mga nagbabasang iniisip na napakagaling kong mang-stalk, hindi po ito pang-iistalk, ito po ay pagreresearch. Sadyang into details lang talaga ako kaya pinag-aralan ko na ang mga mami-meet ko sa araw na ito. Hahahaha sorry guys, hindi ito background check. Sadyang napapanatag lang ang loob ko kung may mga maliliit na bagay akong alam sa kakatagpuin ko. ‘Di lang talaga ako sumusugod na hindi prepared…

——————————————————–

ang aking imaginary girlfriend
Panauhing Pandangal ng Meetup: Space mula sa SG!

 

Sumunod pang breakthrough sa meet-up na ito ay ang pagkakaroon ko ng dahilan para maka-video-call ang kapita-pitagang si Space. Nagprepare talaga s’ya para sa videocall. Naglipstick at nag-korona. (Space, magkano ang kapalit nitong pagbanggit ko sa’yo? Bilhan mo na lang ako ng “sucks”, medium lang ako, ayoko nung longer, wider at for heavy flow na “sucks”, medium lang, okay? )

 

——————————————————–

Kung nagpalamon ako sa pagdadalawang-isip ay hindi ko makikilala at makakausap ang mga taong nababasa ko lang.

Kung nagpalamon ako sa pagdadalawang-isip ay hindi ko madadama ang saya na kasama sila.

Kung nagpalamon ako sa pagdadalawang-isip ay hindi ko malalamang kaya ko pala.


IMG_20180106_174415

Jheff, Kate, Patrick, Mary Grace, Sensei, James, Rhea, Boss Keso and Jona, Jas, Jonathan, Pajama at Aila: ‘Di ko pa kayo nainterview at ‘di ko pa kayo nahingan ng autograph. Next time, iikot na ako sa inyo, intindihin n’yo na lang na nasanay ako sa mga imaginary na tao kaya mahirap ang pag-aadjust sa mga tunay na nilalang. Hahahahaha. Looking forward sa mas mahaba-habang kwentuhan  at mas malalim na samahan!

Salamat sa pagiging part ng First Page ng Book II! 

——————————————————–

At sa iyo na nagsabi sa akin na pumunta, salamat ng madami.

Nakita ko na sila. Ikaw, kelan ka magpapakita?

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

41 thoughts on “Ang Paglabas sa Imaginary World”

  1. “Ako nga pala si Ely. Sabay abot ng kamay. Sabay ngiti.” Kanino mo unang binanggit ito? Sakin ba?

    Mabuti na lang talaga tumuloy ka. Salamat at hindi ka na imaginary samin. Heheh.. Next time, sana mas mahaba-haba kwentuhan natin. Nasa magkabilang dulo kase tayo ng table eh. Pero at least, na-meet ka na din finally.. ☺

    Liked by 1 person

    1. Oo sa’yo jheff! Hahahaha! Kung alam mo lang ang pakiramdam! 😂😂😂 Buti andun ka, inisip ko na lang na close naman tayo sa chat! Hahahaha na nagsimula nung panahon nung magulong pelikula ni Takoyaki..😂😂😂 Looking forward ako na maka-jamming ka sa tugtugan session! 🎸🎹🎙🎶

      Liked by 1 person

    2. Hahah.. Talaga? Buti alam mong ako yun? Oo, dun sa makabasag-bungo na pelikula tayo nagsimulang magkausap. Si Amielle kase may kasalanan eh.. 😁

      Sige, sana next time makapag-jam tayo. Ang dami ding magaling na singer sa TFIOB. Nasaksihan ko nung nag-videoke kami. Heheh..

      Liked by 2 people

  2. Nice nice! Gusto ko din ng “sucks” pero I want it longer and bolder! Hahaha.

    Ely! The other Ely! Wahahaha. Gumitna ako sa inyo ni Aysa alam mo yan. Pero ano eh. Hahaha. Kinailangan kong lumipat. Alam mo naman diba? Hahahaha.

    Liked by 1 person

    1. 😂😂😂 Ako nga ito, si Ely, the other Ely! 😂😂😂 (tayong dalawa lang makakaintindi ng tungkol sa pagiging the other Ely ko 😂😂😂)

      Marami pa namang susunod, iisa-isahin ko na kayong tabihan! 😁😁😁

      Liked by 1 person

  3. Waaaaaa! Na-feature ang korona ko! Di halatang di ako naligo dyan! Basta naka lipstick kahit di naligo Hahahahahaha! Salamat naging part ako ng meet up kahit sa video call hahahaha and as a kaDDS makakatanggap ka ng sucks (medyas) na medium not longer wider for heavy flow 😂😂😂

    Liked by 2 people

    1. Hahahaha i-capslock ko yung IT’S WORTH A TRY para intense! 😂😂😂 Great people, great minds… Sobrang di ko pinagsisihang maging alien sa planetang earth dahil sa kanila… Nasa Cebu ako next week!

      Liked by 1 person

  4. Elllly!!! Number wan pan mo ako ditey nu! Kaya nga nung nakaita kita nun inulit-ulit ko pa “ikaw si ely, si imaginary gf?” Mga x2 iyon siguro😂.

    Ramdam na ramdam ko iyong mga imaginary sweats and what ifs mo in fairness. Ayiiin at least nakasama iyong pangalan ko sa paglimbag mo ng 1st page ng part 2 mo . Hurray!.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: