365 of 365

ang aking imaginary girlfriend

Dear Imaginary Girlfriend,

Matatapos na ang 2017. Kaya lulubusin ko na ang pagkakataon na ‘to para sabihin kung ano pa mang natitirang hugot ng puso ko.

Isang matinding roller coaster ride ang taon na ‘to sa akin kaya nagpapasalamat ako na andyan ka. Malaking bagay na may nasusulatan ako at nasasabihan ng kung anumang nasa utak at puso ko. Sabihin man nilang puro ito sulat ng pag-ibig sa’yo, paulit-ulit,  creepy,  at desperado,   kahit paano ay nasesegway ko ang pagkwento ng mga pinag-dadaanan ko.

Sa taon na ‘to,  ilang beses akong umasa.  Isang taon akong umasa sa visa para makatrabaho ako uli.  Dumating ang visa,  umasa akong makakaalis ako. At ‘yun bagsak sa medical. Yung mga panahon na ‘yun ‘di ko alam kung ang iisipin ko ba eh yung sakit ko o ‘yung patuloy na pagiging unemployed ko. Nag-expect na ako,  nag-expect na ang nanay ko at ang buong baranggay. Kaso bigo.  Pampalubag-loob ko na lang ang linyang umasa nga ako sa’yo ng 17 years, ano namang umasa ako ng isang taon para sa visa na ‘yun. 

Sa taon na ‘to, ilang beses akong lumubog sa kinatatayuan ko. Nilamon ako ng mababang pagtingin sa sarili,  na ‘di ko malaman kung saan nagsimula, siguro dahil nga puro raketship lang ang ginagawa ko at wala akong stable na trabaho.  ‘Di lang ako sa’yo naduwag magpakita.  Sobrang natakot ako sa mga tao. Isang malaking struggle ang pag-attend ko ng reunion nun, na ayoko talagang puntahan dahil alam kong isa akong napakalaking failure. Nagresign ako nung nalaman kong ex ko pala yung OM namin dahil pakiramdam ko ang liit-liit ko.  Madalas sinasabi kong nanliliit ako sa’yo kaya naduduwag akong magpakita pero ‘di lang naman talaga sa’yo… Nanliliit ako sa madaming tao… Sa lahat ng tao. 

Pero struggle man,  na-enjoy ko din naman ang 2017.

Sa taon na ‘to, struggle man, marami pa ring mga bagay na dapat ipagpasalamat sa Bathala.

‘Di man ako makaalis uli, ‘di naman naging mahirap ang paghanap ng trabaho sa akin dito sa Pinas. Kahit na sobrang layo ng pinanggalingan kong trabaho eh nakakalusot pa din sa mga interview. Mula sa pagiging kusinero ay naging Customer Service Associate. Hahaha, sa tanda kong ‘to nagsimula nanaman ako ng bagong field. At sa trabahong ‘to na iniisip kong ‘di ko kaya, dahil bulol ako at wala talaga akong tiwala sa english ko, naging okay naman ang performance ko, na ‘di ko man lang naisip na magagawa ko. Siguro nga ‘di matatapatan ang sinasahod ko sa Dubai nun pero ‘di naman matatapatan ng malaking sahod ang:

Makasama ang pamilya ko araw-araw.

Pinoy ang kasama ko sa trabaho na pwede kong kwentuhan ng kwentuhan na walang effort dahil ‘di ko na kailangang mag-english.

Pwede akong uminom ng uminom na ‘di ako natatakot na mahuhuli ng pulis.

Nakaka-experience ako ng ulan.

Nakakain ko ang mga gusto kong kainin, sa lasang gusto ko. ‘Di ko kailangang gumasta ng 20 dirhams para sa sa tatlong balut (240 pesos), 4 dirhams para sa turon (48 pesos) at 10 dirhams para sa isang mangkok ng dinuguan (120 pesos).

Siguro nga lalong lumabo ang lovestory natin dahil andito ako sa Pinas at andyan ka sa Dubai. Pero siguro hindi lang talaga linya ang mga bituin nating dalawa.

Pero maraming salamat k’se dahil sa pagsusulat ko sa’yo dito sa WordPress,  nakakilala ako ng ibang tao na nagpakita ng ibang perspective ng Life. Isa pang dapat ipagpasalamat sa taon na ‘to ang pagkakatuklas ko sa TFIOB people. ‘Di man nila alam,  na sa pagbabasa ko ng mga post nila,  at ng mga comment nila,  napangiti nila ako sa mga dark hours ng buhay ko… Nagpakilig,  nagpatawa,  kumurot sa puso,  bumuhay sa espirito ng pagiging gala, nag-push na gawin ang ‘di kayang gawin,  sumuporta,  nag-critic,  nag-sermon.

Nagpapasalamat ako sa mga linya nila.

Aigooo… Hoping you’ll gather all the confidence you need to confess to her eventually. Para hindi na imaginary. Haha. – RheaAngeline

Oo wag mo antayin parang ano lang yan e, ‘paano ka mananalo sa lotto kung hindi ka naman tumataya’, so then ASK – Cheesecake

Yan ang problema sayo eh. Imbes na daanan, tinambayan mo – DakilangLaagan

Paabutin mo ba ng 20th anniversary yan bako tanungin? Ask mo na. Oo or hindi lang naman sagot diyan. Yun lang kasi, ang tanong dun kung kaya mo na ba whatever maging sagot niya. – Alona

Kuyaaaa! We want you to be happy. Push lang ng push. Para sa ekonomiya

Sana luminya na ang mga bituin para sayo. Fighting!! – Jassie

You’re poignant lines are beautifully penned.
Hello po sir bluesorry di ko na po naipag paalam sayo, You were the inspiration po pala sa last poem ko.. Continue to spread the love – cseveneajcseveneaj

Actually, nalilito po ako dun sa sinasabi nilang “Pag mahal mo, ipaglaban mo.” “Pag mahal mo, palayain mo.” Para ding “Mahal Ko o Mahal Ako.” Ang gulo po noh. Ang gulo ng pag-ibig. Pero kahit na magulo, pinipili pa rin nating magmahal, sobra man o kulang, tama man o hindi. Siguro wag na lang po natin sukatin o computin. Para hindi na lang tayo mag-e-expect ng kapalit o sukli. – Left Pencil

tengene kuya Ely ano naaaaa!!!!! di ko kinaya yung sumabog na tangke adkaksldja dafuq.
anyway, ang galing galing mo magsulat, nasabi ko na ba yun? hahaha kasi pukaw na pukaw yung damdamin ko kahit simple lang yung nangyayari, parang f na f ko yung mga ganap eh. shet ako yata yung may sapak sa utak eh HAHAHAH – Aila

Isubmit na yan!!! – Aysah 

Basta pag mahal mo, ipaglaban mo hangga’t kaya at pwede pa. – Amielle

Walang maling pagmamahal sa taong may pakiramdam, at lalong walang tamang pagmamahal sa taong ayaw. <agmahal ka ng naaayon sa iyong kagustuhan, hindi dahil sa kung ano ang depinisyon nya. Mas masarap kapag sa puso nagmumula . – BoredSensei

 

Lavern Ely! Habang di nag c-change ng status may pag asa! Hahaha! – Space

Huwag kang mapagod. Just enjoy life. And continue to have that “inner peace” in the midst of the busy and noisy city.. – ShadesofWanderer

At maraming pang ibang ‘di ko na nabanggit…

Kundi dahil sa’yo ay ‘di ko sila matatagpuan.

_____________________________________________________________________

Maraming salamat sa lahat. Alam mo naman na mahal kita, ‘di na siguro magbabago ‘yun.

Pero siguro kailangan na nating magbreak.

 

Tapusin na natin ang taon na ‘to na tinatapos ang lahat ng tungkol sa atin.

It’s not you, it’s me.

Kailangan ko nang magsimula ng Book II.

 

 

 

Advertisements

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

47 thoughts on “365 of 365”

    1. Hahahahaha puro kwentuhan kse ang ginawa natin… Naghahanap ako ng pinakamagandang linya… Hahahahaha at ‘yan ang pinaka-life changing hahahahaha… Lalagyan ko sana ng note, pero naisip kong intayin ko na lang magcomment ka…hahahahaha salamat Aysa sa mga kwentuhan natin!

      Liked by 1 person

  1. Kyaaaaa, pinakilig mo po ako sa post mo na ‘to. Hihi. 😍 Buo na taon ko. 😂

    I know may taong nakalaan po para sayo. Sabi nga po sa kanta, “Kung tayo, tayo talaga.” Tiwala lang po. Magfocus na lang po tayo sa kung ano ang nasa ating harapan(future) at i-let go/kalimutan na ang nasa likuran(past). Though mahirap pero kakayanin.

    Pero may sad part po sakin ang post mo pong ito. Keshenemen eh. Ikaw po kaya ung inspiration ko sa isa kong blog. Haha.

    Tanong lang po, edi babaguhin niyo na po ung blog name niyo? Ayun lang po. Ang haba na. 😊

    Eniweys po, keep writing po Kuya. 😊

    Liked by 1 person

  2. SYEMPRE LATE NANAMAN AKO HAHAHAHAHA
    HOYYYY ANONG MAGBEBREAK ?!?!?! Sabi ni Space, laban!!! kinakabahan ako nung pa-ending na tapos yung puso ko nananakit nung sinabing break. Parang sakin makikipagbreak kung maka emote ako dito huhuhuhuhu

    Liked by 1 person

  3. Excited ako para sa Book II! Magpapalit ka na ba ng URL? Charaught. HAHAHAHAHA.

    Bagong taon, bagong excise tax. Push lang talaga ng push para sa ekonomiya. Bawal na ang mahirap sa Pilipinas ngayon. Go Kuya Ely!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s