360 of 365

angakingimaginarygirlfriend

Time check: 9:21 a.m.

—————————————–

Nagising ako ng 4:30 a.m. Nagcheck ng messages. Nagbasa. At naisipang magsulat.

Pero maglilimang oras na, wala pa rin akong nasusulat.

May nasulat naman pala ako kanina.

Binura ko nga lang.

 

 

—————————————–

Sa dalawang buwan ng pagsusulat at pagbubura, naging takbuhan ko ang pagbabyahe ko.

Pagbabyahe talaga?!

Hahahahahaha.

Tatlong oras ang byahe ko papunta sa trabaho. Tatlong oras din ang pauwi. Kapag “maswerte” ang araw ko ay nagiging apat o  tatlong oras pa. At ang mga oras na ‘yun ang nilalaan ko sa pagmumuni-muni, pagsasoundtrip, panonood ng kdrama, pagbabasa at pagtulog.

Alam ko naman na sinabihan mo na ako dati na magrent na lang sa Pasig para ‘di na ako mapagod sa byahe. Sadyang matigas lang ang ulo ko. O sadyang mas gusto ko lang talaga na araw-araw makita si Mama at masabayan s’ya sa tanghalian. O sadyang tamad lang talaga ako, kaya mas ginusto ko magstay sa bahay namin na may mag-aasikaso ng lahat ng bagay para sa akin.

Katulad mo, nagtataka din akong kung kelan ako tumanda saka ako naging “attached” sa bahay namin. Samantalang 17 pa lang ako, humiwalay na ako sa kanila. Alam mo namang mabubuhay ako mag-isa na walang nag-aasikaso sa akin. Marunong akong magluto, paborito kong maglaba at mag-plantsa. ‘Di nga naging struggle ang pagpunta ko sa Dubai n’un dahil sanay na akong wala sa bahay namin. Sanay na akong nagcecelebrate ng Pasko at New Year na hindi kasama ang family ko.

Kaya nagtataka ako sa sarili ko bakit ko pinapahirapan ang sarili ko sa pagbabyahe araw-araw.

Siguro nga gusto ko lang ‘yung oras na ‘yun para makapagmuni-muni. Maingay man pero ewan ko, nakasanayan na ng katawang lupa ko na makaramdam ng inner peace sa gitna ng ingay ng mga sasakyan sa kalsada. Sa byahe nakukuha kong magbasa, na ‘di ko magagawa pag nasa bahay dahil paniguradong matutulog lang ako.

O siguro gusto ko lang talagang mapagod.

—————————————–

Gusto ko nang mapagod.

—————————————–

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

9 thoughts on “360 of 365”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: