21, 16, 2

ang aking imaginary girlfriend sulat para kay elsie

21 days. 21  days akong ‘di nagmessage sa’yo sa Whatsapp dahil ayokong maging makulit. Sabi k’se sa mga nabasa ko nakakaturn off daw ang makulit. Kaya ‘pag wala kang reply, iwasan na daw ang pagmessage uli, ‘wag makulit. Period.

Kaya nga meron nito, dito na lang ako nagsusulat sa’yo. Para ‘di ka makulitan, kahit na makulit ako, kahit na paulit-ulit na lang. Para ‘di naman sumabog ang inbox mo sa mga kwento ko sa’yo sa araw-araw.  Para ‘di ka maumay. Ang importante, ‘pag naisip mo ako, alam mo kung saan mo ako pupuntahan, alam mong iniisip kita, kahit ‘di mo dama.

16 days. 16 days ka na palang nandito sa Pinas. Gusto ko talagang batukan ang sarili ko. Pwede naman akong magmessage sa’yo after 3 days ng ‘di mo pagreply. Eh ‘di sana  nalaman ko ng maaga na nandito ka sa Pinas. Gusto kong batukan ang sarili ko sa ‘di pag message sa’yo ng kahit man lang kumusta nung nagforward ka ng promo ng Singapore Airlines. Ano ba pumasok sa isip ko para isiping nothing special naman dahil paniguradong sent to many lang yun? Bakit ba pinatagal ko ng 21 days ang ‘di pagmessage sa’yo?

Pero sabi mo nga, kahit naman nalaman ko ng mas maaga, busy ka din naman.

Nahiya na lang ako after kong marealize na ang insensitive ko. Na iniisip ko ‘yung pagkikita natin samantalang ‘di naman bakasyon ang reason ng pag-uwi mo. ‘Di ko man lang inisip na 2 weeks ka nang puyat sa pagbabantay kay Papa mo sa hospital. ‘Di ko man lang inisip na ilang araw ka nang stressed.

At sa ilang araw na ‘yun, wala naman ako. Sa ilang araw na ‘yun, ‘di ko man lang napadama sa’yo ang presensya ko. Sa ilang araw na ‘yun, busy akong magsulat ng kung anu-ano sa’yo samantalang ‘di ko man lang nasabi ang mga salitang kailangan mong marinig sa mga sandaling ‘yun. ‘Di ko man lang nasabing magiging okay din ang lahat. ‘Di ko man lang nasabing nandito lang ako.

Ano pa ba ang silbi nitong mga sulat ko kung wala din naman ako sa sandaling dapat nasa tabi mo ako? Minsan naiisip ko, ikaw ba ang imaginary o ako? Ako ang laging wala. Ako ang laging nawawala. Ano ba ang silbi ng pag-iisip ko sa’yo kung sa mga gantong panahon ‘di mo naman madama? Para ‘di ka makulitan… enough na bang reason ‘yun ng absence ko?

2 days.

2 days na lang birthday mo na.

2 days na lang 17th anniversary na ng pagmamahal ko sa’yo.

2 days na lang flight mo na.

2 days na lang 4,306 miles nanaman ang pagitan nating dalawa.

 

2 days na lang ang meron ako.

____________________________________________

Pasensya na kung magiging makulit na ako.

Pero pipiliin ko nang maging makulit.

At present sa buhay mo.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

22 thoughts on “21, 16, 2”

    1. Sa pagkakatanda ko, ‘di ko pa personally nasabi na mahal ko s’ya… Nung huli kaming nagkasama, 8 years ago, masyado akong naligayahan sa moment… na akala ko ‘di ko na kailangang magsalita… na sapat nang hawak ko ‘yung kamay n’ya… k’so ‘yun feelingerong frog lang ‘ata talaga ako at numero unong assumero… Hahahahahaha

      Liked by 1 person

  1. Yes, wag maging makulit. Hahaha parang ang off lang sa isang lalake ang pagiging makulit? Kasi kapag sa babae, oks lang kasi sensitive kami. Unfair ano? Hahaha!

    And hater na ako ni ate. Charrr! *Magbabasa muna ako ulit para maintindihan ko side ni ate gurl ü,

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s